Do not enter

2702 Words
Agad kong tinakpan ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang gusto ko na lang magpalamon sa kinatatayuan ko dahil sa inasta ko kanina sa kan'ya. I didn't know that he was the CEO and at the same time my neighbor. Small world, tss. "Oh now that you know I'm the CEO, may karapatan na akong palabasin ka 'di ba?" sambit niya habang naglalakad papunta sa kan'yang lamesa. Nang matauhan na ako at bumalik na ang kaisipan ko, nag-init muli ang ulo ko dahil naalala ko ang dahilan nang pagpunta ko rito. Gusto kong kausapin itong bastos na halimaw na 'to. "I will not leave until I talk to you Sir," maamo kong saad kahit kumukulo na talaga ang dugo ko sa kan'ya. "We already talked right? I think that's okay, you can leave now." Tumingin naman ito kila Luna para senyasan na palabasin ako. "Ms. Brielle, let's go," mahinahon na tawag sa akin ni Luna habang papalapit ito sa akin. "No. Hindi ko pa nakukuha ang sagot kung bakit ayaw niya akong papasukin sa kompanya." Binaling ko sa kan'ya ang tingin at tiningnan ito ng masama. "W-wait..." Nagtataka itong tumingin sa amin. "What's your name?" "Brielle. Hera Brielle Merrick." "Get out," mahinahon niyang utos sa akin pero halata ang galit nito. Nagulat ako dahil pagkatapos niyang tanungin ang pangalan ko pinapalabas na niya muli ako at ramdam na ramdam ko talaga ang galit nito sa tinig niya. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinakatayuan ko at nakatingin pa rin sa kan'ya. "Palabasin niyo nga ito!" Galit siyang tumingin sa akin. "Bakit hinayaan niyo siyang makapasok?! Hindi ba sinabihan na kayo?!" "Sorry po sir," paghingi ng tawad ni Luna gano'n na rin si manong guard. "Tara na po Ms. Brielle, sumama ka na lang po ng maayos," mahinahon na tawag sa akin ni manong guard. Hindi ako kumilos at nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sa kanila, hindi ko alam kung bakit hindi ko mabuka ang bibig ko para magsalita kaya para akong pipi na nakatayo lang. "Mapipilitan po akong puwersahin kang lumabas," muli niyang sambit. Hinawakan ng guard at ni Luna ang magkabilang braso ko para palabasin, ngunit bago pa sila humakbang padabog kong tinaas ang kamay ko para mabitawan nila ako. Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakahawak nila sa akin. Nagmukha akong dehado at masama lalo na kung may makakakita pa nito. "You don't have to do that, I can go out without you holding my arms." Fierce akong naglakad palabas ng opisina ng The Great CEO at tiningnan siya ng masama bago tuluyang lumabas. Sumunod naman sa akin ang dalawa at tiningnan pa ako kung talagang nakalabas na ako ng kompanya. So siya pala ang asawa ni Emrys, ang certified playboy, the cheater! Akala mo ay napaka-anghel at matino ang asawa niya kapag nakikita ko ito, ngunit kabaliktaran lang pala, may tinatago rin pala ito. Hindi deserve ni Emrys ang ganitong tipong lalake, hindi siya nababagay sa mabait, matino, at maalaga na si Emrys. She deserves better. Habang nagda-drive ako pauwi sa bahay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung bakit gano'n ang nangyayari kanina. Wala akong matandaan na ginawa kong mali, pero kung ang dahilan ay ang pagbabakasyon ko ng walang paalam, napakababaw naman ng rason para hindi ako papasukin sa kompanya, ramdam na ramdam ko pa ang galit ni Sir Hendrickson sa akin. Ano ba ang nangyayari? Bakit wala akong kaalam-alam? "Hello my princess, I missed you! How's your vacation?" bungad na bati ni Mama nang makapasok na ako sa bahay. Niyakap niya ako at sabay pa kami umupo sa may sofa. "It was great mom, but I didn't expect na pagbalik ko sa manila problema na naman ang sumalubong sa akin. I thought it was already okay," dismayado kong sagot. "What happened? What problem are you talking about?" "I went straight to the office earlier, hindi ako pinayagan na pumasok ng kompanya dahil utos daw iyon ni Sir Hendrickson. Wala naman akong kaalam-alam sa nangyayari," inis kong sambit. "Hindi ka ba sinabihan ni Tria about that?" "She just texted that the CEO was looking for me, but I couldn't believe it because I thought she was teasing me again." Naalala ko na lang bigla na pinatay ko pala ang cellphone ko no'ng unang gabi ko sa resort, kaya siguro wala akong alam sa nangyayari at walang natanggap na balita sa kanila sa loob ng dalawang araw na bakasyon ko. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nilabas ang cellphone ko para buksan iyon. Habang hinihintay na sumindi ang cellphone ko, biglang nag flash back sa aking isip ang hitsura ni Sir Hendrickson, hindi ko malaman kung bakit. Agad kong sinabi kay Mama na si Sir Hendrickson pala na CEO at ang asawa ni Emrys na kapitbahay namin ay iisa lang. "Baka nagkakamali ka lang anak," saad ni Mama habang naglalakad pabalik sa kusina. "No mom, siya na mismo ang nagkumpirma nito sa akin kanina kaya hindi ako makapaniwala kanina." "Really? Ngayon ko lang nalaman," gulat niyang sambit. "Akala ko ma alam niyo na ang tungkol diyan dahil nakakapag-usap naman kayo minsan ni Emrys." "Wala akong alam diyan, wala rin naman nababanggit si Emrys. Naririnig kong tawag ni Emrys sa asawa niya is Drix, malayo sa Hendrickson 'di ba? Kaya hindi mo talaga maiisip na siya pala ang CEO ng kompanya ninyo," kalmado niyang sagot. Napa-facepalm ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Naisip ko na lang na abangan si Sir Hendrickson sa labas ng bahay nila para kausapin ito pero habang iniisip ko ang bagay na iyon parang nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko dahil sa gagawin ko. Sa totoo lang ayoko sa lahat 'yong nagmamakaawa kahit pa kailangan na kailangan ko ang sagot sa mga tanong ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang lumiwanag ito dahil sumindi na. Mabilis kong binuksan ang messages ko at binasa ang mga text message sa akin ni Tria. Wala naman itong nabanggit na rason kung bakit galit na galit sa akin ang CEO, tanging text lang niya na galit ito at hinahanap ako. Nabanggit din niya na ayaw na akong papasukin ng CEO. Maybe she also had no idea what was going on. Nag-check ako ng email ko dahil nag-notif ito sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang pangalan ni Ma'am Carolina o Nanay Carol na Executive Assistant ni Sir Hendrickson. Noong nakaraan na araw pa pala ito nag-email sa akin. "Hello Ms. Brielle, I'm sorry to inform you that you can no longer enter the company because you failed to notify us about your vacation, you lacked authorization, and Sir Hendrickson discovered that you had not given your approval for the two designs when he reviewed the submission you made. The CEO strictly forbids you to enter the company." Nagulat ako sa aking nabasa. So, tama nga ako... dahil sa pagdedesisyon ko na magbakasyon without telling the head manager, pero dalawang araw lang naman 'yon. Hmmp! At saka, hindi ko pa naaprobahan 'yong dalawang designs? Paano nangyari 'yon e alam kong tapos ko na asikasuhin 'yon. Hays! Inis kong hinanap ang pangalan ni Tria sa contacts ko para tawagan ito. Nakailang tawag na ako sa kan'ya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Siguro ay busy pa ito dahil four pm pa lang at nasa kompanya pa lamang siya. "Bakit nakasimangot ka diyan?" tanong ni Mama habang nasa kusina at nagba-bake ng cake. Pinuntahan ko naman ito. "Nag-email kasi sa akin ang EA ni Sir Hendrickson at sinabi niya doon na pinagbabawal na raw niya akong pumasok sa kompanya dahil sa hindi ko pagpapaalam tungkol sa pagbabakasyon ko ma at saka may dalawang designs daw akong hindi na aprubahan," sagot ko kay Mama habang nakatingin sa chocolate cake na hugis puso. "Dahil doon nagalit siya? Ang babaw naman." "Hindi kasi ma, kapag approved na sa amin ang designs na ginawa ng mga teammates namin, it means okay na at mapapakita na agad iyon sa mga clients. Nakarating na siguro 'yon sa mga clients tapos nagreklamo sila dahil hindi pa tapos ang pagche-chexk ko sa mga designs kaya nakarating iyon sa CEO, lalo na kung para sa mga biggest clients ang mga iyon." "Ah I see, bakit hindi mo kasi tiningnan nang mabuti 'yong mga designs bago mo pinasa?" "I did mom, pero hindi ko alam kung bakit sinasabi nila may dalawa pang designs na hindi pa tapos i-check... pero ewan ko kasi masakit ang ulo ko that time and," dismayado kong sagot. Hindi na nagsalita si Mama dahil busy din ito sa pagbe-bake. Kumuha ako ng kutsara at kinuha ang isang cake na na-bake na niya at tapos na niyang lagyan ng icing, unang kuha ko palang ng kaonti sa cake ay tinapik na niya agad ang kamay ko kaya gulat akong tumingin sa kan'ya habang hawak-hawak ko ang kutsara na wala nang laman at may icing pa sa labi ko. "Huwag ka ngang kumukuha diyan! Nagpa-practice ako gumagawa ng magandang design para sa cake," sambit ni Mama. "Magaling ka naman na mag-design ma, ano pa ang ipa-practice mo?" "Special ito, dahil nag-order ulit si Emrys sa akin ng Cake at cupcakes para siguro sa asawa niya at para na rin may bagong designs sa cupcakes na pinapa-oder ko 'no." Ngumiti pa ito ng malapad. "Nag-aaksaya lang ng pera si Emrys, e nagloloko naman ang asawa niya," bulong ko. "A-ano 'yon, Hera?" nagtatakang tanong ni Mama. Napatakip ako bigla sa aking bibig dahil narinig pa ni Mama ang bulong ko. Ang hina na nga, narinig pa! Ang lakas talaga nang pandinig ni Mama. "Ang sarap ng cake ma!" "Bolera ka!" "Totoo kaya." Nagpa-cute pa ako sa kan'ya at tumawa naman ito. Nagpaalam na ako kay Mama at pumasok sa aking kuwarto. Sumilip-silip ako sa bahay nila Sir Hendrickson sa aking bintana. "Kapitbahay lang pala kita. Ang malas," bulong ko sa sarili habang nakasilip pa rin. Napakurap ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa kama, agad ko iyon kinuha at nakita na tumatawag si Tria. Siguro ay pauwi na ito. "Hello Tria?" "Oh Elle, nasa opisina ka pa rin ba ni Sir Hendrickson?" tanong niya sa kabilang linya. "Nakauwi na ako, kanina pa." "Bakit kasi nagpumilit ka pang pumasok kanina? Sana hindi ka na lang tumuloy, hindi ba nag-text ako sa'yo? Sinabihan na kita," aniya. "Kanina ko lang din nalaman na about designs pala at sa pagbabakasyon mo na walang paalam ang reason kung bakit hindi ka na tinatanggap." "I just read your text when I got home from the company, nag-power off kasi ako ng cellphone no'ng time na nasa resort na ako," mahinahon kong sambit. "You know what, it's better to talk about that in person. Wait for me, I'll fetch you." Sabay end niya sa tawag, hindi pa nga ako pumapayag. Tinatamad akong lumabas kaya binagsak ko ang sarili ko sa kama ko na nakadapa. Nanatili lang ako gano'n na posisyon, nakapikit at sakto namang nakuha ko na ang tulog ko nang may mag busina sa baba. Hindi ko iyon pinansin at hindi pa rin bumabangon. "Loka ka! Bakit hindi ka pa nagbibihis? I told you I'll fetch you right? My god Elle!" sigaw ni Tria nang makapasok na ito sa aking kuwarto. "Nakakabingi ka talaga!" Hindi naman ito sumagot at saka na lang hinila ang dalawa kong paa pababa sa kama ko. Pilit akong pumiglas pero nabigo ako dahil sa mahigpit niyang kapit sa mga paa ko, hanggang sa tuluyan na nga akong nasa sahig. Tiningnan ko lang ito ng masama at nag-peace naman siya. "Tumayo ka na d'yan! Baka gusto mo ako pa magbihis sa'yo?" "Kaya ko magbihis mag-isa 'no!" Tumayo naman ako at dumiretso na sa CR. Naligo na ako at lumabas sa CR na nakabihis na. "Paano ka nagbihis sa CR? E wala ka naman dalang damit kanina no'ng pumasok ka?" nagtatakang tanong ni Tria. "Nag-ayos na ako ng damit pagkatapos mong i-end 'yong tawag kanina at nilagay ko na sa CR," saad ko habang naglalakad papunta sa salamin. "Hindi ka naman excited niyan?" pang-aasar niya. "Nasa hitsura ko ba?" Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti ng nakakaloko. Binato naman niya ako ng unan sakto pa talaga sa mukha ko, kaya umirap ako at nag-ayos na rin. "Alam na alam mo talaga na sa bar tayo pupunta," saad niya. "Paano mo na sabi?" tanong ko habang nagbu-brush ako ng kilay ko. "Hindi pa ba halata? Nasa pananamit mo na," sagot niya. Nakasuot ako ng blue green tube dress na may baliktad na 'v' shaped sa baba sa harap ng aking legs, at hapit na hapit ito sa aking katawan kaya naman halata ang hugis ng aking katawan. Nagsuot lang ako ng black heels. Nakasuot naman si Tria ng maroon sleeveless v neck dress at fitted din ito sa kan'ya. Naka-nude heels siya. Nang matapos na akong mag-ayos saka na kami bumaba ni Tria at nagpaalam kay Mama. "O sige, mag-ingat kayo! Umuwi rin kayo before 11," sabi ni Mama. "Opo," sabay naming sagot ni Tria. Hindi ko na dinala ang kotse ko, at sumakay na lamang ako sa kan'ya. "Hanap tayo ng fafa do'n!" masigla niyang sambit. Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti pa ito ng malapad. "Kahit kailan talaga lalake ang hanap nito kahit saan magpunta," kalmado kong saad. "Bawat lugar may mga lalake, natural maghahanap ka talaga ng fafa," sabi niya muli habang hindi ako nililingon. "Hay nako, ikaw na lang." "Wee? Kahit guwapo, ayaw mo?" pang-aasar niyang tanong. "Kahit guwapo pa 'yan. Guwapo nga manloloko naman," inis kong sambit. Nasabi ko iyon dahil unang pumasok sa isip ko si Sir Hendrickson at sumunod si Dion. "Alam ko kung sino tinutukoy mo!" Humalakhak naman ito ng malakas, feeling ko nga ay rinig ang tawa niya sa labas kahit na nakasara naman lahat ng bintana. "Tikim lang! Hindi ko naman sinabing gawin mong karelasyon," aniya. Napa-facepalm ako dahil sa kan'yang sinabi. "Ayoko ng tikim, okay? Gusto ko 'yong as in kain!" Gulat itong lumingon sa akin at nakatingin lang ako sa kan'ya ng nakakaasar, binalik na rin niyang ang tingin niya sa daan at sabay tumawa ulit ng malakas, napatakip ako ng tainga ko dahil sa tawa niya. "Ano ba ang ingay mo!" bulalas ko. "Grabe ka! Ako nga tikim-tikim lang tapos ikaw gusto mo kain agad? Hindi ko alam na wild ka pala," pang-aasar niya. "Excuse me? Sinabi ko lang 'yon para sabayan ka sa pinagsasabi mo 'no," sambit ko. Nagkibitbalikat naman siya at biglang tumahimik ang loob ng kotse. Nang makarating na kami, nag-park lang si Tria at pumasok na rin kami sa loob. Seven palang ng gabi ang dami na agad tao at nagkakasiyahan na sila. Bawat daan namin halos lahat ng mga tao ay napapatingin sa amin. "One Margarita and one Old fashioned." Order ni Tria nang makaupo na kami. Nakapuwesto kami sa mismong harap na may bartenders. Nagkuwentuhan lang kami ni Tria, sa mga nangyari sa akin sa beach resort at sa nangyayari sa kompanya. "Sana naman nag-warning muna si Sir Hendrickson sa ginawa kong paladesisyon na pagbabakasyon ko," sambit ko. "Kanina ko lang din naisip kung talaga natapos ko ba ang pagche-check ng mga designs no'n." "Hindi ba no'ng time na iyon nahihilo ka? Hindi kaya mali ang na-check mo kaya feeling mo tapos mo na? Baka lang naman ah." Sabay inom niya. "Hindi ko alam. Siguro nga, sa sobrang hilo ko mali na ang naibigay ko, Ako rin siguro ang may gawa... ako talaga! Double check ko pa kahit hilong-hilo na ako that time," naguguluhan kong sambit. "Bakit hindi mo na lang i-request ka Sir Hendrickson na ipakita niya sa'yo 'yong pinasa mo para alam mo ang gagawin mo." "How? E ayaw nga niya ako papasukin ng kompanya." Sandali siyang nag-isip. "Do your best para makausap mo siya... para maibalik ka na rin niya sa kompanya." Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, hindi ko masabi ang ganap ngayon. Kung maghahanap naman ako ng ibang trabaho at clothing company din panigurado akong malalaman din nila ang naging issue ko sa previous company na pinagtrabahuhan ko. Kailangan kong makausap si Sir Hendrickson, kailangan ko gumawa ng paraan para makausap siya, siya lang ang makakatulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD