He's the CEO

2658 Words
Tumingin tingin ako sa paligid ko para hanapin ang lalakeng naka-hoodie, pero bigo ko siyang makita. "Ang bilis naman niyang mawala," bulong ko sa sarili. Naglakad na muli ako at ang isip ko naman ay tila ba naiwan kung saan ko nakita ang lalakeng naka-hoodie, hindi ko alam kung bakit, curiosity mode again. It's already 7:15 in the evening, so I decided to go out of my room to have a dinner outside. Habang kumakain ako, napansin ko ang isang foreigner na tingin nang tingin sa akin. Irita akong kumakain dahil hindi na ako naging komportable dahil sa mga tingin niya. Pinakiramdaman ko ang mga kilos niya. Kinabahan ako nang bigla siyang tumayo at papalapit sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko mapakaling kinuha ang baso ng juice sa lamesa ko at nanginginig itong ininom habang nakatingin pa rin sa foreigner na papalapit sa akin. Sa takot ko ay bigla akong tumayo at nabangga ang waiter na may hawak-hawak na bilog na tray at nakalagay doon ang mga drinks, natapon ang mga iyon at napatingin ako sa lalakeng tumatakbo sa aming direksyon. Sa palagay ko ay hindi niya kami napansin at dire-diretsyo lang ang kan'yang takbo at nadulas ito sa mga natapon na inumin. Nakita kong may nahulog itong camera, I picked it up and when I looked at the man I couldn't see him anymore, he was running so fast and the two men were also chasing him, kaya naisip ko na baka magnanakaw ang lalake na iyon. Ibibigay ko na sana sa waiter ang camera para ilagay na lamang ang camera sa lost and found center nang may nagsalita sa may likod ko. "Hi Miss, you're so beautiful, can I take you to your room?" saad ng foreigner sa manyak na tono. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang foreigner na nakangiti sa akin, hahawakan na niya sana ang braso ko pero nagmadali akong lumabas ng restaurant. Hindi ko na naibigay ang camera na hawak ko. When I looked behind me, he was still there following me so I ran into my room. Sumandal ako sa pinto pagkapasok ko. I looked at the camera and it had a crack in the lens and it looked like it was still working. Hindi na ako nag-abala na buksan pa iyon at nilagay ko na lamang sa may bag ko upang ilagay 'yon sa lost and found center bukas. Feeling ko ay pagod na pagod ako ngayon kaya minabuti ko na lang matulog, ayaw ko na rin lumabas ng kuwarto ko dahil baka nasa paligid lang ang foreigner na 'yon. Minulat ko ang isa kong mata at nagtatakang kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama, wala akong nakatanggap na tawag o text man lang lalo na kay Mama. Sinampal ko ng mahina ang sarili dahil napagtanto ko na nag-power off pala ako ng cellphone kaya wala akong natanggap na tawag o text. "Okay na ang ganito, saka ko na lang bubuksan muli kapag nasa Manila na ko," bulong ko sa sarili habang hawak-hawak ang cellphone ko. I looked at my watch and it was twelve pm. I went out to breathe some fresh air. Pinagmasdan ko ang babaeng naglalakad papunta sa parking lot ng resort. "Si Emrys ba 'yon?" tanong ko sa sarili. Nagmadali akong puntahan siya at tinawag, hindi naman ito lumingon at tinawag muli sa pangalawang pagkakataon. "Emrys!" tawag ko muli. Gulat naman siyang lumingon sa akin at binigyan ko lang siya ng malapad na ngiti. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka at hindi alam ang gagawin. "Nandito ka rin pala?" masaya kong tanong sa kan'ya. "Ye-yes," pag-uutal niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang reaksyon niya nang makita niya ako. "Are you the one I saw yesterday watching the activity show? Who's with you?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya. "A-ah yes, ako nga. It's my husband," sagot niya. Tumango naman ako at ngumiti. So siya nga iyon, ang galing talaga ng mga mata ko, even though it's a bit far away I know it's Emrys. "By the way, mauna na ako ha? My husband is already waiting for me in the car, bye!" pagpaalam niya. I just waved at her while still smiling, until they disappeared from my sight. Naglakad muli ako at naupo sa malilim, sa baba ng coconut tree malapit sa dalampasigan. Pinapanood ko ang mga alon kasabay sa paglanghap ko ng sariwang hangin. Mayamaya lang may dalawang magkasintahan ang humarang sa magandang view ng dagat. They were wearing casual attire and they had photographers with them, I think it was a prenup photoshoot. "Really? Sa harap ko pa talaga?" irita kong bulong sa sarili. "Nandito ako para mag-relax, pero bakit may paganito? Ayoko ng isipin si Dion, My goodness!" I rolled my eyes as I watched them how happy they are. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko kapag nakakakita ako ng mag-couple. Nakita kong papalapit sa akin ang babae kaya umiwas ako ng tingin. "Excuse me? May problema ka ba sa amin?" tanong sa akin nang makalapit na ito. "Ha? As for as I know, I don't have any problem with you," kalmado kong sagot. "Talaga? Ang sama kasi ng tingin mo sa amin," masungit niyang sambit. Nilagay ko ang isa kong kamay sa dibdib ko at binigyan siya ng 'what look'. "Me?" taka kong tanong sa kan'ya. I really don't have a problem with them, I just remembered Dion and his fiancé because of their prenup photoshoot, kaya napairap ako at nakatingin ng masama sa kanila. Nagkunwari na lang ako na walang alam dahil sa nakikita ko mukhang war freak ang babae, baka mapaaway lang ako. "I'm sorry, you might just be mistaken. I'm just thinking about something a while ago, kaya akala niyo nakatingin ako ng masama, but it's not," mahinahon kong paliwanag. Tumayo na ako at muling humingi ng sorry sa kan'ya dahil tama naman siya, nakatingin ako ng masama, but don't get me wrong okay? Nakatingin lang ako ng masama because I remembered the trash at sakto pang nakaharap ako sa kanila. Bahala na kung maniniwala siya o hindi, basta ang mahalaga ay makaalis ako dito at makapasok sa kuwarto ko. "Don't do that again Brielle! Mapapaaway ka lang sa ginagawa mo," inis kong sabi sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kuwarto. Hindi na ako nag-abala na lumingon pa sa likod. Narinig ko ang kumakalam na sikmura habang nanonood lang sa tv. Hindi pa pala ako kumakain ng umagahan hanggang tanghalian. I looked at my wrist watch and it's already quarter to 5, kaya naman lumabas na ako at pumunta sa restaurant na pinagkakainan ko simula pa noong unang punta ko rito. Habang kumakain ako naisip ko na umuwi na kinabukasan dahil sa tingin ko naman ay nakapag-relax na ako at baka kailangan na rin ako sa trabaho, at ni Mama. I arranged my clothes and my things when I entered my room dahil maaga akong aalis bukas. Lumabas muli ako at sinulit ang resort na tumulong sa akin mag-relax, dahan-dahan akong lumakad papunta sa dagat at lumusong. "Ang lamig!" nangingnig kong saad. Hindi ko alam kung bakit ngayong gabi ko pa naisipan lumusong sa dagat at kung kailan na aalis na ako. Nanatili muna ako doon nang ilang sandali bago umahon at saka pumasok muli para magpahinga at matulog. "Hala! Ano ba yan? Tinanghali na naman ako ng gising," sabi ko sa sarili pagkatingin ko sa relo ko. Dali-dali na akong pumasok sa cr para maligo at mag-ayos dahil balak ko pa naman sana ay pumasok sa kumpanya ngayong araw. Nag-check out na ako at saka pinaandar ng mabilis ang kotse papunta sa kumpanya. "Alam kong hindi na ako hahabol pero pipilitin kong pumasok ng hapon," seryoso kong sabi sa sarili habang nagda-drive. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong pumasok ngayong araw na ito, maybe because I just missed going to work? I don’t know, maybe that’s the real reason. After 4 hours I arrived at the company by 1pm, I calmly walked into the company. Nag-tap ako ng Id ko sa may tabi ng entrance door ng kompanya para makapasok. "Bakit sa tuwing may nakakasalubong ako napapalingon sila sa akin? Hindi naman ako bagong empleyado," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa office namin. Nakita ko ang isang staff ng front desk office na papalapit sa akin at kita naman sa kan'yang mukha ang kaba, hindi ko alam kung bakit. May nangyayari ba na hindi ko alam? "Excuse me Ms. Brielle, you're not allowed to go inside," sambit niya habang hawak-hawak niya dalawang braso ko. Binigyan ko siya ng 'what look', hindi naman ito makatingin sa akin ng diretso. "A-ah? What do you mean that I'm not allowed to go inside?" taka kong tanong. "The CEO strictly forbids you to enter the company." Ha? Bakit? Anong rason? Wala naman akong alam na may ginawa akong mali, and I'm doing my job very well, paanong hindi na ako puwedeng pumasok? "Hindi po ba kayo nasabihan?" tanong niya sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya, bumalik sa isip ko ang text message sa akin ni Tria noong nasa resort ako. So she was telling the truth that the CEO was looking for me? She didn't say the reason so I didn't believe it. Dahil kaya sa biglaan at walang paalam kong bakasyon? Hays, ewan. Tiningnan ko ang pagkahawak niya sa braso ko at tingnan ito ng walang emosyon. Bagama't hindi naman gano'n kahigpit ang hawak niya sa mga braso ko, mabilis akong tumakbo para makapasok ng tuluyan at puntahan ang opisina ng CEO. Napahinto si Tria nang makasalubong ko siya at kitang-kita sa kan'yang mukha ang pagkagulat. "Elle!" sigaw ni Tria nang malagpasan ko na ito. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil hinahabol ako ng isang staff na kausap ko kanina. Bawat nakakasalubong kong tao habang tumatakbo ay napapalingon at gumigilid. "Ms. Brielle! Please sumunod na lamang po kayo!" sigaw nito habang habol-habol pa rin ako. "Kung hindi po, mapipilitan po akong tumawag ng guard." Hindi ko ito pinakinggan dahil hindi ko pa nalalaman ang dahilan kung bakit ako pinagbabawalan ni Sir Hendrickson na pumasok ng kumpanya. Nang makarating na ako sa kan'yang opisina, agad kong binuksan ang kan'yang pinto. "Sir Hendrickson," hingal kong tawag sa kan'ya. Tanging likod lang niya ang nakikita ko. "Don't you know how to knock?" kalmado niyang tanong habang nakatalikod pa rin ito. I rolled my eyes. "No!" singhal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis at galit na nararamdan ko ngayon. Lumingon ito at tiningnan lang ako ng 'death glare'. Napaatras ako hindi dahil sa nakakamatay niyang tingin, kun'di dahil sa kaguwapuhan niya. "Tama nga si Tria, ang guwapo nga," bulong ko sa sarili habang pakilig-kilig pa ako. Pero ang totoo niyan hindi ko sigurado kung si Sir Hendrickson ba ang nakikita ko o isang empleyado rin na pumunta sa kan'yang opisina. Nakatingin lang ako sa kan'ya na tila ba wala akong irereklamo, na para bang pumunta lang ako sa opisina ng CEO para titigan ang kaguwapuhan ng lalakeng kaharap ko. Pero teka, parang nakita ko na siya, hindi ko lang malaman kung saan at kailan. "What? You will just stare at me?" masungit niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at nakatingin pa rin ako sa kan'yang mukha dahil napaka-familiar ng hitsura niya. Ngayon ko lang iyon napansin nang titigan siya ng mabuti. He looks like Emrys' husband... W-wait, Emrys' husband?! "Aren't you Emrys' husband?" pagpumpirma kong tanong sa kan'ya. Ngumisi siya, "What do you think?" "I think you are," kalmado kong sagot sa kan'ya. "Bakit nandito ka sa opisina ni Sir Hendrickson?" Walang emosyon niya akong tiningnan kaya napairap ako. Hindi ba siya marunong magsalita? Kung magsasalita naman ito, napakatipid naman. "Do you work here too?" tanong ko muli kahit na alam ko naman na hindi ako sasagutin nito. "Do you know where the great CEO is?" sarcastic kong tanong. "Ang daldal mo!" bulalas niya. "Ayaw mo kasing magsalita, ayan natabunan ka ng tanong!" Inis ko siyang tiningnan at gano'n din siya sa akin. Para bang aso't pusa na handa na mag-away. "What are you doing here?" nagtataka kong tanong. "I should be the one asking you Miss. What are you doing here?" "Ako ang una nagtanong hindi ba?" inis kong saad. "Can you please get out?" kalmado niyang sabi pero halata ang pagkainis niya sa kan'yang mukha. Ang kapal din nito, papaalisin na lang niya ako basta-basta. E hindi naman niya pagmamay-ari 'yong opisina, akala mo naman siya ang CEO. Nagbago na agad ang isip ko, hindi na ako naguguwapuhan sa kan'ya. Ang panget ng ugali! Akala mo naman sobrang guwapo! Well, sobrang guwapo naman talaga niya na kayang paikutin ang ulo ng mga taong makakasalubong niya. "Get out!" singhal niya. "Bakit mo ko pinapaalis? You're not the CEO wala kang karapatan para paalisin ako. I'm here to talk to him." Mas lalong nanlisik ang mga mata niya sa akin dahil sa sinabi ko, bakit? Totoo naman ah, hindi naman siya ang CEO wala naman siyang karapatan para paalisin ako at saka hindi ko pa nakukuha ang sagot kung bakit ayaw akong papasukin ng magaling na CEO na 'yan. Nasa'an ba 'yon? Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti itong lumalapit sa akin, kaya bawat hakbang niya ay siya naman ang pag-atras ko. Nakatingin lang ito ng diretso sa akin habang humahakbang, hanggang sa nauntog na ang ulo ko sa pader dahil sa kakaatras ko. "Aray!" Hinawakan ko ang likod ng ulo ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko. Hay Brielle, kat*ngah*n na naman. Napatingin ako sa gilid ko nang ilagay niya ang kanan niyang kamay sa pader at sobrang lapit na nito sa akin. Amoy na amoy ko ang fresh mint niyang hininga. "Anong ginagawa mo?" inis kong tanong. Akmang aalis na sana ako nang harangin niya ako ng kaliwa niyang kamay sa kabilang side ko kaya tiningnan ko muli ito ng masama. Lalo akong nainis nang mag-smirk ito. "You really don't know me?" nakangiti niyang sabi at may halong panlalandi ang tono nito. "Kilala kita! You are Emrys' husband." "Besides of that, I am also the CEO of this company," taas-noo niyang sambit. Tiningnan ko siya ng 'what look'. "Are you kidding? Yes, I haven't seen Sir Hendrickson yet but I know it's not you! you are just delusional," natatawa kong saad. "Do you think I'm kidding huh? Isn't obvious?" Lalo pa itong lumapit at sa pagkakataon na 'yon mas lalo kong naamoy ang mabango niyang hininga. He lowered his gaze to my lips and looked at it with a seductive look. Hindi na ako nagsayang ng oras at sinampal ko ito. "Ang bastos mo!" sigaw ko sa kaniya habang hawak-hawak niya ang kan'yang pisngi. Tumingin muli ito sa akin at ngumisi. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko dahil sa ginawa ko. "Pasalamat ka hindi ko pa lalong binaba ang tingin ko," aniya habang natatawa. "Argh! J*rk!" singhal ko habang takip-takip ko dibdib ko. Napatingin naman kami sa pagbukas ng pinto. Pumasok ang staff na naghahabol sa akin na si Luna at may kasamang guard. I rolled my eyes, dahil ang dami na nangyari sa loob ng opisina na kasama ang bastos na lalake na ito saka pa lang ito dumating. Nanatili pa rin na gano'n ang posisyon namin at nakatingin lang sa kanilang dalawa. "Sir Hendrickson," tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko, tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ang bastos na lalakeng ito na Sir Hendrickson?! Really? "W-wait, what?! Sir Hendrickson?" taka kong tanong. "Ikaw ang CEO?!" So ibigsabihin siya ang nakita kong kasama ni Emrys sa beach resort kahapon? Buti na lamang ay hindi niya ako nakita. May time rin pala siyang mag-relax. Hindi nila ako sinagot. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko ang name plate sa may lamesa, at laking gulat ko nang makita ang pangalan niya at nakalagay doon ang CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD