Unknown

2552 Words
I probably look like an idiot right now. Hindi ko na alam ang gagawin ko, at mas lalong hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit kailangan ko pa silang makita. Nakatulala lang ako sa salamin, pinagmamasdan ang sarili habang nakasandal sa dulo ng kama. I am sitting on the floor, hindi ko ramdam ang lamig no’n sa aking balat. Gusto kong ilabas lahat ng emosyon ko, pero ayoko nang istorbohin si Tria dahil paniguradong sawa na siya sa panenermon sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang hawak na beer. Wala na pala itong laman. Kaya naman, nanlulumo akong bumuntong-hininga. I bent my knees and buried my face on my legs. "Hindi na ako ang kasama niya, hindi na niya ako mahal," sisinok-sinok kong atungal. "You’re a loser, Brielle," nababaliw ko pang sabi habang kausap ang sarili sa salamin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na tanggap ko na ang nangyari hanggang sa makatulog na lang ako sa sahig. I woke up with my head spinning. Sh*t. I’ll swear, hindi na talaga ako iinom. Inis akong bumangon. Ngumiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng likod. Parang lantang gulay na binuksan ang pinto. Paniguradong si Mom itong katok ng katok. "Aren't you going to work?" nag-aalala bungad niya. Napatingin ako sa orasan, it's already 8 in the morning. "No, Mom." Nag-iwas ako ng tingin. "Why?" "It's just because I’m dizzy mom… and I don’t feel like going to work right now.” I don’t wanna lie anymore. Ayoko ng magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo, mukhang mababaliw na ako sa sobrang daming iniisip. "Did you drink?” She heaved a sigh. “Ano ba ang nangyayari sa'yo, Hera?" Hindi ko na nasagot si Mom nang tumunog ang cellphone ko. "Hello? Elle?" Rinig kong boses ni Tria sa kabilang linya. "Oh?" tamad kong sagot. "Anong, oh? Wala kang balak pumasok? Have you forgotten about the submission date? Ngayon ang passing ng final output ng designs, you are need for checking and approval 'no!" sigaw nya sa kabilang linya. Nilayo ko ang cellphone sa tainga dahil sa sobrang lakas ng boses niya. "Oo alam ko, mag-aayos lang ako. Bye." Walang kagatul-gatol na pinatay ko ang tawag. "So, you're going?" tanong ni Mama. I nodded. Wala akong choice. Wala sa sarili akong pumasok sa kompanya at sinalubong naman ako ng sermon ni Tria. Itinaas ko ang kaliwang kamay, ipinahihiwatig na manahimik siya. "Mamaya ka na manermon, nahihilo na nga ako, oh?" "Inom-inom kasi hindi naman pala kaya. Oh, ayan nalasing!" Dismayado niya akong inirapan. "Ano ba kasi nangyari sa'yong babae ka?" "Wag mo ng alamin. Hindi ko na nga iniisip, iku-kuwento ko pa sa’yo?" irita kong sagot. Nginiwian niya lang ako. Pagkaupo ko, inabot niya sa akin ang gamot at tubig. Kahit pala-sermon ito hindi rin niya makakalimutan ang gamot kaya napangisi ako. "Bali-balita na sa buong office na naghiwalay na kayo ni Dion," mahina niyang sabi. Hindi ko siya nilingon at nag-focus lang ako sa ginagawa ko. "Wala ka man lang sasabihin or what?" taka niyang tanong. "Wala. Saka 'yon naman ang totoo," irita kong sagot. Nag-kibitbalikat siya at bumalik nalang sa kaniyang table. While checking our designs, I felt dizzy again. This time, parang pumipintig ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. I leaned my head on the chair and closed my eyes. Binalik ko na rin agad ang focus ko sa pagche-check dahil patapos na rin ako at maaari na ring ipasa. After no'n, mabilis akong tumayo at pinasa na nga ito. Pilit kong inaayos ang lakad ko dahil sa nararamdaman kong hilo kaya naman pagdating ko muli sa table ko, agad akong umupo, sumandal at inipit muli ang mga mata ko. Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. "Have you already submitted your final output?" "Yes sir," rinig kong sagot nila Kiana. Nanatili akong nakasandal nang ma-realize ko na parang boses ni Sir Hendrickson ang narinig ko kaya agad akong umayos ng upo at tumingin sa pinto. Pero umalis na ito at ano pa bang bago? Side view na naman ang nakita ko. Lagi na lang wrong timing, ayaw yatang magpakita sa akin? Curiosity mode. "Ano Elle? Nakita mo na ba? Nakita mo na ba si Sir Hendrickson?" masiglang tanong ni Tria. "Unfortunately, no," bagot kong sagot. "Pumunta na nga sa office niyo, e. Ano bang klaseng matang meron ka?" Inirapan niya ako at nag-cross arm pa. "Kasi nga po naka-sandal ako sa upuan at naka-pikit, kaya ‘yon hindi ko nakita. Okay na ba?" inis kong sagot. "Ano, pumunta ka rito para sabihin ‘yon? Nako, Tria, ah." "Oo! Sige na nga babalik na ako," pilya niyang pahabol bago lumayas. "Mabuti pa nga." "Ms. Brielle, tuloy po ba tayo sa meeting mamaya?" tanong ni Eris. "Baka hindi na muna, hindi ko pa kasi kayang mag-meeting ngayon. ‘Wag kayong mag-alala, maybe tomorrow makakapag-meeting na ulit tayo about sa presentation, okay?" binigyan ko sila ng pagod na ngiti. Tumango naman sila at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. It was already lunch break, kaya pumunta na kami ni Tria sa restaurant sa baba ng company. Habang naglalakad kami, naka-langhap ako ng fresh air, ang sarap sa pakiramdam parang nakakawala ng stress. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang sign para mag-relax muna at tanging fresh air lang ang mararamdaman? "Tria, what if, magbakasyon muna ako? Sa tingin ko kailangan ko 'yon ngayon." wala sa sariling usal ko. "Ano? Pupunta ka ng states? Parang 'yong mga pinapanood sa mga pelikula," natatawa niyang sabi. "Sinabi ko bang sa states? Diyan lang oh, sa mga tabing resort lang." Sabay irap ko sa kan'ya. "Bakit ba? Ano ba nangyari kahapon?" "Basta kapag kinuwento ko sa'yo, ‘wag ka na magtanong, itikom mo bibig mo." Kinu-kwento ko lahat kay Tria ang nangyari at dahil masunurin siya hindi nga talaga ito nagtanong at nagsalita kaya humalakhak ako. "What? Sabi mo ‘wag akong magtanong ‘diba?" "Yes, good girl." "Pero sa part na nakita mo si Sir, hindi ako makapaniwala roon. Sa office niya talaga sila nagde-date?" bulong niya. "Oh, hindi about kay Dion ‘yan, ah." "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." "Siguro… isa 'yon sa babae ni Sir 'no? O baka naman siya lang ang babae niya?" Napahalakhak siya at natigilan din dahil tinitingnan siya ng mga tao. "Bunganga mo naman Tria! Mamaya may makarinig pa at sabihin kay Sir Hendrickson na siya ang pinag-uusapan natin," suway ko sa kaniya. "Okay. So maiba ako, itutuloy mo pa ‘yung pagbabakasyon mo?" "Yes." tipid kong sagot. "Mga ilang araw?" "Siguro mga two to three days lang. Ayaw ko rin naman 'yong walang ginagawa. Gusto ko lang makapag-isip at lumanghap ng fresh air." "Gusto mo lang pala ng fresh air, bakit hindi ka na lang matulog sa labas ng bahay niyo at pakinggan ulit 'yong nag-aaway niyong kapitbahay," pang-iinis niya. "Bakit hindi nalang ikaw?" "Ayaw ko nga. Saka sige, go magbakasyon ka, tutal nakapagpasa naman na tayo ng final output, at least wala ng iisipin habang nandoon ka ‘diba?" pagsang-ayon niya. Tumango naman ako at ngumiti. Nagkwentuhan lang kami hanggang matapos ang oras ng lunch break namin at saka bumalik na rin sa loob ng kompanya. DUMIRETSO ako agad sa kwarto pagkauwi ko at kumuha ng ilang damit para pumunta sa probinsya at magbaskasyon saglit. Dahan-dahan akong bumaba ng kuwarto at nasilip si Mom na nagluluto, kaya sinamantala ko na ang pag-alis dahil nakatalikod ito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko kung bakit hindi ako nagpaalam kay Mama. This is new. I wonder why… Agad kong pinaandar ang kotse at saka dumiretso sa isang beach resort sa probinsya. Walang nakakaalam kung saang parte ng probinsya ako nagbakasyon, tanging ako lang. Kahit na kay Tria ay hindi ko pinaalam kung saang probinsya at anong pangalan ng resort dahil gusto ko munang makapag-isip, hindi ko na kasi alam gagawin ko. Apat na oras ang biyahe ko papunta dito sa probinsya kaya late na rin nang makarating ako. Namangha naman ako sa sobrang ganda ng set-up ng beach resort, kaya ginanahan akong mag-check in dahil feeling ko, dito ako makakapag-relax ng maayos. Pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto, nakatanggap ako ng message mula kay Mom. Binaba ko na muna ang mga gamit ko at naupo sa kama saka ko ito binasa. From: Mom What time are you off to work? Hindi pa ba tapos ang trabaho mo? Napahinto ako saglit dahil hindi ko alam ang gagawin. Should I tell her or not? Pero baka mag-alala siyang ng husto kung hindi ko sasabihin ang totoo. Makalipas ang ilang minuto na pag-iisip, tinawagan ko na rin si Mom. "Mom…” "Hera, hindi ka pa ba uuwi? Samahan mo na kaming mag-dinner. Your Dad is waiting for you.” Dad… Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. "Sorry ma, I’m not in Manila right now. Pumunta ako sa rest house natin… I just want to unwind. Don't worry, hindi ako magtatagal dito." Nag-alangan ako. "Ha? Bakit hindi mo pinaalam sa akin agad? Hinihintay ka pa naman namin bg Dad mo…" bakas ang panghihinayang sa tono ng boses niya. “Ano bang problema? At bakit napunta ka diyan?" "Gusto ko lang po mag-relax, I’m done with my work. We both know that I need this. I really want a short break, Mom.” Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya. I know, she’s worried. I think, tama lang ang naging desisyon ko dahil hindi ko pa kayang harapin si Dad. I’m not yet ready to hurt him. He deeply cares for me. Dion promised him not to hurt me, but he failed. He failed my Dad. Wala nang nagawa si Mama kun'di payagan ako at hayaan, lalo na nandito na ako. Sigurado ako na two to three days okay na ako, babalik din agad, hindi ako magtatagal dito lalong-lalo na at wala akong short notice na binigay sa company. After a long trip, bagsak ang katawan ko sa sobrang pagod. Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Hindi naman ako nag-alarm pero bakit tumutunog? Nang ma-realize ko na ang ringtone na iyon ay ringtone pala kapag may tumatawag sa akin, kinapa-kapa ko ang phone sa tabi ko. Pikit-pikit ko itong kinuha at akmang sasagutin na sana nang bigla naman itong namatay. Huh? Naghintay ako muling may tumuwag pero dahil inip na inip na ako, binaba ko na lang ang phone at dumiretso sa restroom. Pagkabalik ko, kinuha ko muli ang phone at binuksan ito. Nakita ko naman na may 11 missed calls at 16 messages mula kay Tria. Isa-isa ko itong binuksan at binasa simula sa taas. Tinatanong niya kung saang probinsya at anong resort ang tinuluyan ko. Paulit ulit lang ang text niya sa akin. I realized na kagabi pa pala ang mga ito. Napailing ako. Pati sa text ay feeling ko naririnig ko ang lakas ng boses niya. Habangg binabasa ko pababa ang mga text messages, biglang nanlaki ang mata ko nang may mabasa. Elle! Hinahanap ka ni CEO! Uwi ka na! Kasunod no’n ay… Gusto ka raw niyang makausap! Napanganga ako. Hindi ko alam kung isa nanaman 'to sa prank at pang-aasar niya. Psh. Another thing is, Sir Hendrickson isn’t the kind of guy na tatawagan ka directly. He has his underlings so, why would he bother to do such thing? Saka na lang ako kakabahan kung ang head na ang tumawag sa akin. Doon ako walang lusot panigurado. Sinandal ko ang ulo ko sa head board ng kama. I’m here to relax and enjoy. Mmm, this is nice. Napangiti ako habang iniisip ang mga susunod na gagawin para sa araw na ito. Pipikit pa lang sana ako nang biglang tumunog muli ang cellphone ko. This time naman, I received one notification. Tamad na binasa ko ang pangalan ni Dion. We’re not friends anymore, but still… Naka follow pa rin ako. Kung hindi lang mapilit si Tria. Wala akong balak na i-unfriend 'to. Tss. Nagtatalo ang isip ko kung bubuksan ko ba ito o i-ignore na lang. In the end, hindi ko na rin napigilan ang curiosity ko. Nagtalo pa ang isip ko kung bubuksan ko ito o i-ignore na lang. In the end, napangunahan ako ng curiosity ko. Without you, my life would be incomplete. Basa ko sa caption na post ni Dion. Sa baba ay picture nilang dalawa ng fiancé niya sa isang simbahan na sa tingin ko ay doon gaganapin ang kanilang wedding day. I didn’t even bother to look at the name of the tagged person. I just don’t care about her. Her existence don’t exist in my timeline. Well, sana nga. Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng bitterness o matatawa dahil sa ka-cornihan ng caption. And what? His life would be incomplete? Ibig bang sabihin no’n, noong time na in a relationship kami, at hindi niya pa nakikilala 'yong babae niya, INCOMPLETE siya? But... This is only the first time I saw his smile. It’s... different this time. I envy him. Buti pa siya. Dahil sa pait na naramdaman ko, pinatay ko ang phone para wala ng maisip kung hindi ang sarili. Umupo ako sa isang restaurant malapit sa kuwarto at tanaw na tanaw ang beach. Habang kumakain, napa-tingin ako sa activity show sa tabing dagat dahil sobrang daming taong nanonood. Natanaw ko ang isang pamilyar na mukha na nanonood din. Wala sa sariling pinagmasdan ko ito ng mabuti at parang kamukha ni Emrys, kaya lumabas ako ng restaurant at sinabi rin sa mga waiter doon na babalik na lang ako. Akmang tatawagin ko na sana siya ngunit pinuntahan siya ng isang lalake at sabay siyang inakbayan. Hindi ko maaninag ang hitsura no'ng guy dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa akin. Lumingat lang ako sandali, nawala na sila sa paningin ko. Siguro nagbabakasyon din sila ng asawa niya at nasaktuhan pang parehas ang beach resort na pinuntahan namin. Small world. Pagkatapos kong kumain, naglakad lakad lang ako sa dalampasigan. The breeze of the sea makes me want to stay here forever. Tumagal ng isang oras ang pananatili ko roon. Dahil wala akong magawa at ayoko namang magkulong lang sa kuwarto, inubos ko na ang oras sa pag magmuni-muni, at paglalaro sa dagat na parang bata. "Napakasarap ng hangin," mahinang bulong ko. “Yeah…” rinig kong boses ng isang lalake kaya napa-hinto ako at napalingon sa kaliwa ko. Bulong na 'yun, ah. Narinig pa rin? Naka-hoodie siya at naka-face mask kaya tanging mata lang ang nakikita ko sa kan'ya. At dahil sa sobrang kapal ng mukha ko, humakbang ako ng isa at humarap sa kan'ya. Binaba ko ang ulo ko pagilid para makita ng mabuti ang mukha niya, pero bigo ako dahil mata lang talaga ang tanging nakikita ko. Nang makaramdam ako ng hiya dahil hindi ko naman kilala iyon ay umayos ako ng tayo. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi. Napapikit ako sa ilang at walang nagawa kung hindi ang tumitig sa lupa. What are you doing, Brielle? Para bang doon lang ako bumalik sa sarili, parang may sumanib sa katawan ko para gawin ang bagay na iyon! I looked up and unconsciously stared at him. Bagama’t hindi kita ang kabuuan ng kaniyang mukha, I can tell that he’s smiling. Napakurap ako nang maramdaman ang kamay niya sa ulo ko. He patted my head at saka walang imik na umalis sa harapan ko, leaving me stunned. What did just happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD