I lay down on my bed immediately after I changed and took my laptop bago burahin lahat ng litrato namin ni Dion. I want to threw away all the things that can remind me of him, sinabay ko na rin ang pag-aayos sa buo kong kwarto. Isang himala rin na nilinis ko pati na ang CR.
Napatulala ako sa salamin nang makita ang sarili doon. Hawak-hawak ko ang walis sa kabilang kamay, habang ang gloves na suot ay puno na ng alikabok.
"Crap!”
It's seven pm and here I am, cleaning my ass off the whole two hours. Not minding my hungry stomach, I kept myself busy to stop thinking about Dion. Maybe, it's my own way of coping up with the pain I felt a while ago.
In the end, I found myself walking downstairs dahil sa masarap na amoy mula sa kusina. When I stepped into the kitchen, I saw my mom cooking adobo. My favorite!
"Come on, let's eat."
She asked me a lot of things, including my feelings and other stuffs. Every time na uuwi ako sa bahay, this became our usual bonding. She would ask me about my life, and she'll patiently wait for me to open up. Speaking about life, nabanggit ko ng ‘di sinasadya ang hindi ko pag-uwi kagabi kaya naman, I had no choice but to tell her everything that happened.
"Mom… you don’t really have to worry. I’m fine now, I really am,” pilit ko. "besides, I haven't thought about him since I woke up."
"Are you sure? You don’t really have to force yourself, anak…” hindi pa rin nawawala ang pag-alala sa mukha niya.
I gave her my most genuine smile. Hangga’t maaari, I want my family to stay out of my problems. Lalong lalo na sa love life ko. Hangga’t kaya kong i-handle, I’ll do it on my own.
“Just trust me, mom," tumungo ako nang may maalala. "but… how about dad?"
Nagbago ang pinta ng mukha ko dahil hindi pa pala alam ni Papa ang nangyari. He would be really furious if he ever finds out what Dion did to me.
"I’ll make sure to explain it to him, okay? Now, what I want is for you to focus on yourself, and nothing else."
I just nodded.
Pagkatapos namin kumain tinawag ako ni Mama at may inabot sa akin.
"Can you give this to Emrys?"
Tumango ako at agad kinuha ang pinabibigay ni Mama. I was walking towards Emrys' house when I heard a dog barking. I looked around because it might bite me, huminga ako ng malalim at dahan-dahang naglakad patungo sa kanila.
"Emrys?" tawag ko nang nasa harap na ako ng bahay nila.
"Emrys? Tao po?" tawag kong muli.
No one answered, so I peeked at their house. It looked like that no one was there, so I was about to leave when I heard someone spoke.
"She's not here," saad nito sa baritonong boses.
Agad akong napalingon. That was when I finally saw Emrys' husband. Halata sa mukha ko ang kaunting gulat while he just gave me a 'boring look'. Why is his face so familiar, anyway? Para bang palagi ko na siyang nakikita… I can’t just pin-point kung saan at kailan?
"A-ah, it's that so?" pag-uutal ko. "Is it okay if you just give this to her if she gets home?"
Hindi pa siya nakakasagot ay sinundan ko na ulit ito ng pagbilin.
"Also, pakisabi na rin na pinabigay ni Mrs. Merrick as a thank you gift, thank you."
Tumango lang siya at parang tamad na tamad na kunin ang dala ko, naiilang man ay nagmadali na rin akong umalis.
Napahiga naman ako sa sofa pagkapasok ko sa bahay, pilit ko pa rin iniisip kung saan ko ba nakita yung asawa ni Emrys. Bakit parang lagi ko siyang nakikita? But the more I try to think about it, the more my head hurts, so I just stopped at uminom nalang ng malamig na tubig. I went upstairs and decided to sleep because I had a long night.
INIS kong pinatay ang alarm clock at nagmuni-muni. Agad din akong tumayo nang ma-realize kong may pasok pa pala ako. So I did my usual thing at nag madaling pumasok.
"Good morning, guys!" masaya kong bati sa mga katrabaho ko na nakaupo na sa kanilang table.
"Good morning Ms. Brielle!" nakangiti nilang sagot.
"Magkakaroon tayo ng meeting para sa presentation natin na magaganap nitong week, okay? Kailangan natin paghandaan 'yon lalo na't alam niyo naman na ang ugali ng hmmm." Pabiro akong tumingin sa taas.
Tumawa sila ng mahina kaya napatingin din ako sa kanila habang natatawa. Tama, kilala na nila kung sino ang tinutukoy ko, sino pa nga ba? Edi si Sir Hendrickson Sy.
"Yes, Ms. Brielle!"
"Anong oras po?" tanong ni Kiana.
"Pag start na ang oras ng trabaho natin, then let's have a meeting na."
Tumango-tango naman sila. Kailangan talaga namin planuhin at pagandahin ang presentation namin kaya kung maaari ay oras oras na namin pag-usapan ang plano namin.
"Lunch break muna tayo guys," masigla kong anyaya.
Agad naman silang tumayo at lumabas ng meeting room, lalabas na sana ako ngunit tumunog ang telepono na nasa loob ng meeting room.
"Hello? Who’s this?" tanong ko nang masagot ko na ang tawag.
"This is from Front Desk Office, am I talking to Ms. Brielle?"
"Yes."
"Ah, Ms. Brielle a delivery came for you, at hindi na po sinabi kung kanino galing," sabi ng isa sa staff ng Front Desk Office.
"Sige, papunta na ako diyan," sagot ko.
Nag elevator ako pababa sa front desk office para kunin ko ang dine-deliver saakin, I asked them again if they didn't see what the deliverer looked like, at sinabing hindi nila ito nakita because he was wearing a hoodie and a mask. Kaya nabalutan tuloy ng curiosity ang isip ko. Habang pabalik ako sa meeting room, nakita ko naman si Tria na papalapit sa akin.
"Ano ‘yan?" tanong niya habang nakatingin sa dala ko.
Agad ko naman tinignan ang laman ng isang paper bag na may laman na pagkain. "A food."
“Obviously. Inorder mo?" tanong nito habang papasok kami sa meeting room.
"Nope, may nag-deliver at hindi naman pinasabi kung kanino galing," sagot ko habang nilalabas ito mula sa paper bag.
"Wait... there's a note," agad kong kinuha ang note na nakalagay doon.
I hope you like it, eatwell.
May smiling face pa ito.
Napaisip ako kung kanino 'to galing lalo na walang nakalagay na pangalan. I noticed Tria peeking at the food so I pretended to cough.
"Ang sosyal naman, galing pa sa mamahaling restaurant. Baka naman galing kay Dion ‘yan?" pang-aasar niya.
Tingnan ko siya ng masama.
"Magtigil ka nga. He chose that girl over me, as if namang magpapadala pa siya ng ganito?" Nakaramdam tuloy ako ng pag-kairita nang maalala na naman ang senaryong iyon.
"Ito naman! ‘di mabiro ‘to, oh. Seryoso yan?" Ngisi niya.
"Kumain ka na lang diyan. Oh, ito." Inabot ko sa kan'ya and grilled steak with butter shrimp. Para manahimik na ang bunganga niya kakasalita.
I admit, I enjoyed my lunch and also Tria because she kept saying it was delicious, pero ganunpaman, hindi ko pa rin maisip-isip kung sino ba talaga ang nagdeliver no’n.
Isa-isang pumasok ang team ko sa meeting room kaya naman nagpaalam na rin si Tria na lumabas na dahil malapit na nga rin ang pagtatapos ng lunch break namin ngayong araw.
Ilang minuto ang lumipas, nagsimula na muli kami mag-meeting at talagang focus na focus kami.
TAMAD kong binuksan ang text message sa'kin ni Tria pagkalabas ko ng meeting room. Umuwi na pala siya, I looked at my wristwatch and it's already six o'clock.
Hays, ito talagang babaeng 'to hindi na ako nahintay. Kahit kailan talaga excited umuwi.
Kinuha ko ang bag ko sa table ko at dali-daling lumabas ng kompanya. Habang nagdri-drive pauwi, naisipan kong tawagan si Mom para tanungin kung may ipapabili siya, ngunit hindi ko nakapa ang cellphone ko sa bag kaya ginilid ko muna ang kotse para hanapin ang cellphone. Pero bigo kong nahanap ito.
Kahit kalian talaga, oh!
"Nasa’n na ba kasi 'yon?" kabado kong bulong sa sarili.
I felt nervous because I couldn't find it. I just thought of going back to the company to check if I left my cellphone there, I quickly drove the car towards the company. Pagpasok ko wala nang mga tao at nakapatay na rin ang ibang ilaw, so I hesitated whether to enter or not.
Bahala na.
I took a deep breath before entering the company.
I turned on the light in our office and looked for my cellphone in the drawer of my desk, I hugged my cellphone na parang nababaliw nang makuha ito. I was shocked at the noise I heard and I didn’t know where that was coming from. Dahil sa taranta ay mabilis akong naglakad palabas ng opisina. Dahil na rin sa takot ay sabay kong pinatay ang ilaw. Ngunit hindi pa ko nakakalabas ay nakarinig muli ako ng ingay at sa pagkakataon na 'yon, ang ingay ay nanggagaling na sa opisina ni Sir Hendrickson.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na papunta sa opisina ng CEO, hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Dahan-dahan akong umakyat papunta sa office niya, dahil transparent glass door ang pinto niya nakita ko ang nangyayari sa loob, I laughed softly because of the set-up of his office that looked like it was in a restaurant, it even had a table and two chairs and of course, foods. I didn't expect to saw a set-up like this in my entire life.
Great, just great.
Nakita ko rin si Sir Hendrickson na pinupulot ang nabasag na baso habang nakatalikod ito sa akin. Pilit kong sinisilip sa pinto ito baka sa pagkakataon na iyon ay makita ko na rin ang hitsura niya. Napatingin naman ako sa kasama niyang babae na pabalik sa kanyang upuan at may hawak hawak na red wine.
Habang pinagmamasdan ang babae, napansin ko na sobrang pula ng kaniyang mukha, I think that was Sir Hendrickson's wife or could it also be one of his women?
Hays, ewan. Pero wait lang, speaking of mapula ang mukha…
Si tomato girl ba 'yon?!
"Confirmed. It's tomato girl," bulong ko sa sarili. "So siya ang asawa ng CEO? O isa siya sa babae niya?"
Hmm, whatever.
Napatingin siya sa sa pinto at saktong tumayo naman si Sir Hendrickson kaya nagmadali akong bumama para makalabas na ng kompanya.
Dahil late na nagmadali na akong umuwi, nakita ko ang traffic light na naka-go pa ngunit 10 seconds na lang at magre-red na ito. I tried to catch up but unfortunately, it turned red so I braked. I bumped into the steering wheel and felt dizzy. Napahawak ako sa noo ko at napatingin sa isang mall sa kanan ko at may nakita akong familiar na mukha. I stared intently and even brought my face close to the window…
I didn’t expect to see Dion and his fiance outside the mall having so much fun.
Pinapanood ko sila kung gaano sila kasaya at naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko, I remained stunned until they disappeared from my sight because they had already gotten into their car. Narinig ko ang mga busina ng mga sasakyan sa likod ko, kinatok naman ako ng naka-motor at sinenyasan na umandar na kaya dali-dali kong inayos ang sarili bago pinaandar ito ng mabilis hanggang sa makarating sa bahay.