Naglakad si Nanay Carol at umupo sa harap ng table ni Sir sungit to the highest level — I mean, Sir Hendrickson. "Bakit ba ang sungit mo kay Brielle?" natatawang tanong niya. Tiningnan siya ni Sir Hendrickson pero hindi niya inangat ang kan'yang ulo. Tanging mata lang niya ang gumalaw. "I hate her." Aba! Hininaan niya pa ang boses niya naririnig ko naman. Inikot ko ang mga mata ko. "The feeling is mutual," bulong ko sa sarili. Nabalot bigla ng gulat ang reaksyon ko dahil no'ng napatingin ako kila Sir Hendrickson, nakatingin na sila sa akin. Si Nanay Carol ay gulat itong nakatingin sa akin habang si Sir Hendrickson naman ay heto, tinitingnan na naman niya ako ng masama. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. "Maybe you want to know how much I hate you?" Bakas sa boses niya na naiinis na

