Kasalukuyan nandito kami ni Nanay Carol sa office ni Sir Hendrickson para magpaalam bago umuwi. "Hendrix, how's Brielle as your new secretary?" tanong ni Nanay Carol kay Sir Hendrickson. Kinuha niya ang isang folder na binigay ko sa kan'ya kanina na naglalaman ng kan'yang schedule ngayong linggo. Tiningnan niya muna ito bago nagsalita. "So far... she's good and I hope hindi iyon magbago," aniya at sabay tingin sa akin ng diretso. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa tingin niya kaya napaiwas na lang din ako ng tingin habang nilalaro ang mga daliri ko. "If okay na si Brielle for you, then iiwan ko na siya at hahayaan na gawin ang trabaho niya dahil para sa akin ay okay na rin siya," sabi ni Nanay Carol. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Inaamin ko na medyo kinakabahan

