Habang inaasikaso ko ang schedule ni Sir Hendrickson nang dumating si Luna sa harap ng desk ko at may inaabot sa akin na isang box at napakunot-noo pa ako dahil familiar ang box nito. "Ma'am Brielle, this is for you may nagpaabot lang po sa front desk kanina," aniya. Nagtataka ko itong kinuha. "Kanino raw galing?" "Hindi po pinasabi ang pangalan basta ang sabi po niya iabot ko raw po sa inyo tapos umalis na rin po siya no'n kaagad," sagot niya. "Pangalawang beses na po nangyari 'yan." "Oo nga e, hindi ko pa rin matukoy kung sino." "Hindi rin po makita ang hitsura niya dahil naka-hoodie at cap po ito, baka siya rin po ang nagbigay sa inyo ng pagkain last time," aniya. Tumango ako. "Palagay ko nga." "Ah sige po, mauna na po ako," paalam niya. Pagkaalis niya, saka ko naman pinagmasdan

