ADAM POV
Ilang beses naakong nilalapitan ng mga prostitutes dito ngayon subalit ni isa sa kanila ay hindi ko kursonada. Akala ko pa man din ay magaganda ang mga babaeng nirereto nila rito pero none of them exceed my expectations. Kesa naman sa masayang ang pagpunta ko rito sa bar, nag hanap na lang ako ng pwede kong diskartehan.
Iyong tipo ng babae na mag isa sana kagaya ko ngayon. Walang kasama at madaling lapitan. Medyo maraming tao dito sa loob ng bar. Binuhat ko ang alak ko at nag ikot ikot ako. Kahit naman sa dilim ay nakikita ko pa rin ang daan at matalas ang mga mata ko kapag nakaka kita ako ng mga magagandang mga babae.
Parang na magnet ang mga mata ko at nag spark ito ng makita ko ang isang napaka gandang binibini sa isang sulok. Kahit na naka side view lamang ito at kalahating mukha lang n'ya ang nakikita ko, masasabi kong nabighani niya kaagad ako physically, hinde man ako madaling ma love at first sight. Perhaps, she does not only meet my expectations, she exceeded it.
Tinanggal ko ang hiya ko at mabilis akong lumapit sa magandang binibining ito. She is going to be mine for one night! Umupo ako sa tabi niya at tumalikod siya ng tingin, medyo naging suplada ito sa akin pero matinik ako sa ganitong mga babae. Kayang kaya kong palambutin ang mga puso ng mga ito.
"Hi Miss, sorry wala na kasing bakanteng table. Would you mind if I sit beside you?" magalang kong tanong, pero sa kabila ng sinabi ko ay nanatili pa rin siyang naka talikod sa akin at nag walang kibo lang.
Natapakan kaagad ang pride ko pero kailangan ko lang maging mapag pasensya.
"Ah, miss, ang lamig dito sa bar no? Madalas pala akong mag punta rito kasi masasarap ang pagkain nila. Masaya rin mamaya kasi mayroong pupuntang banda para mag perform."
Still, she ignored me this time, nainsulto na ako, uminom lang ito ng alak pero halatang hinde ito sanay kasi wala pa sa kalahati ang ininom n'ya. Baka may problema lang ito kaya s'ya nag tungo rito sa bar. Tinawag ko na ang waiter at nag order ako ulit ng pulutan para sa aming dalawa. Meron silang dish rito na sa amoy pa lang ay matatakam na ang mga customers. Ito yung sisig nilang tama lang ang anghang.
Nilapag ko ito sa table at hinayaan ko na lang ang amoy na makarating sa ilong niya upang lumingon ito sa akin. Nilapit ko pa ito sa kanya pero dedma lang ito.
"Miss, mukhang bad mood ka yata ha? May sisig ako rito, masarap ang sisig nila, pramis, kahit gaano pa ka tindi ang problema mo ay makaka limutan mo ito kapag natikman mo ang best seller nila."
Lumingo na ito sa akin this time. Natulala ako sa kanya, mala Kristine Hermosa ang ganda nito, para itong isang dawata na bumaba mula sa langit. It did not take too long for me to recognize her. If I am not mistaken, isa s'ya sa mga models na kalaban ng agency ng papa ko. Pero nasa dulo pa ng dila ko ang pangalan niya. Napahanga ako noon sa lakas ng dating n'ya pero iba pala talaga kapag nakita ko ito ng mas malapitan.
Walang sinabi ang lahat ng mga babaeng nakita ng mga mata ko sa ganda ng babaeng nasa harapan ko. Ito ang kauna unahang pagkakataon na sobrang nabighani ako sa ganda ng isang babae.
"Can you please just leave me alone? Hinde ako nakikipag usap sa mga lalaking hinde ko kilala. Maghanap ka na lang ng iba mong lalandiing babae!" pag susuplada nito sa akin.
Gustong gusto ng ganitong personality ng babae. Para sa akin, mga ganitong kagandang babae lang ang pwedeng mag taray. Mas na challenge tuloy ako na palambutin ang puso niya. Sa kabila ng pagtataboy niya sa aken, the more na mas gusto kong mag stay dito.
"Pasensya ka na miss ha? Wala na kasing ibang bakanteng upuan dito sa loob ng bar bukod dito sa katabing silya mo. By the way, I saw you in an event last time sa BGC."
"Eh ano ngayon!?" pag tataray niya lalo, ang taas ng kilay niya, abot langit na yata ito.
"You did a great job that night. I became an instant fan simula nang makita kita. At ngayon, napagtanto ko na maganda ka pala sa malapitan."
"So that time panget ako?" tanong niya. Parang may nararamdaman akong insecurity sa pananalita niya. Baka iniwan s'ya ng jowa niya at feeling nito ay mas maganda ang pinalit sa kanya.
"No, kaya nga sinabi ko sa'yo kanina na I became an instant fan the moment I see you there. Sa totoo lang, I wasn't allowed to attend that event pero dahil na rin sa mga friends ko, I decided to keep it secret from my Dad. So far, hinde ako nag sisi na nagpunta ako ng palihim sa event n'yo. I had nice time during that event."
Bumaba na ang kanyang kilay. Mukhang effective ang pagsisinungaling ko. It was actually my Dad who let me see that event and report back to him kung ano ang mga nangyari so we can do much better show. She looks at me as if she wanted to ask something. Tiningnan ko na rin siya at way ko na rin ito para titigan ang kanyang mukha. Hinde nagsasawa ang mga mata ko sa gandang taglay niya. Ganitong babae ang gusto kong maka one night stand. And dad will be happy to get her para sa agency namin.
"What did you say!?" she asked, kumunot pa ang noo nito pero maganda pa rin ito sa paningin ko.
"My dad also has modeling agency. Actually, 15 years na ang model agency namin but despite that, hinde matunog ang pangalan namin sa mga sponsors at malalaking mga companies. And he has strict instruction to me na wag mag punta sa kahit anong event ng ibang companies. Lalo na sa company n'yo na isang mahigpit na competitor ng agency namin. Sa katunayan nga, ikaw ang pinaka kilala sa agency niyo. Hinde na ako nag taka, you are a drop dead gorgeous at sobrang perfect mo. Your agency must be so lucky to have you."