KABANATA 3

1060 Words
RHIAN POV "Wait lang ser? Are you saying na mismong tito ko pa po ang mag tatanggal sa akin? He said na ako ang isa sa mga paborito nitong models. I even gave huge income for this company sa mga events na sinalihan ko. Sa mga raket ko, may share pa rin kayo rito so why do I need to be remove from this job? It does not make sense to me!" I appealed, I can't afford to let go of this job kasi wala rin akong ipon or ibang source of income." "Remember what I am always saying sa inyo? No matter how good you are or how much money you bought for this company, when you started to have a bad atitude, isang ballpen lang ang katapat mo. So I am sorry if sobrang biglaan ng nangyari. But admit it or not, it was your entire fault for not showing your professionalism." Nag attempt ulit akong mag appeal, "May be ser, you could give me a call these past few days, you know very well na responsive ako sa calls mo, right?" "Wow! You want me na mag adjust pa sayo? Matanda ka na at marami ka nang karansanan sa buhay, may common sense ka pero it all boils to your irresponsibility. Let's not make this conversation long. The more I talk to you, the more I realized that the company made the right choice to fire you without giving any warning. But you are such a good model, mas magaling ka pa kay Irish so I believe na may iba pang company na kukuha sayo." Nang marinig ko ang pangalan ni Irish, I think ay alam ko na kung ano ang totoong nangyari rito. Isa na naman akong biktima ng maling paratang at trabaho ko pa ang pinuntirya n'ya. "This is unacceptable so I am sorry but I can't accept this one. At alam ko na kung ano ang totoong nangyari," galit ko pang sabi, dinala ko ang envelope na binigay nitong baklang u***g uto na ito at pumunta ako sa office ni Irish na katabi lang ng office ni tito Edward. I know na ang babaeng ito ang pinaka dahilan kung bakit ako biglaang tinanggal sa trabaho. Sure akong nag kalat ito ng chismis sa buong office by playing innocent. I don't know what to do when I see her thick face. Kung may cake nga lang akong dala ay ingungudngod ko itong muli sa kanya upang madala s'ya. Nakaka hingal mag lakad ng may mataas na heels pero tiniis ko lang. Two minutes away lang ang layo ng office ni Irish sa office ni Jona. Transparent ang door ng kanyang office at madali ko syang nakita sa loob. As expected of her, natutulog lang s'ya sa loob habang naka earphones. I pushed the door open at pumasok sa loob. Naka pikit ang mga mata n'ya pero she seems aware itong may pumasok sa loob. Wala nang bakas sa mukha nito na sampal ko. "Look what the cat dragged in! That perfume, I missed smelling it, it has been one week since last ko itong naamoy. What do you want from me, Miss Rhian? Don't tell me, may dala ka ulit na cake at balak mo itong itapal sa mukha ko! I warned you not to do so. Starting a war against me this time in my territory and I'll make sure to put you in your proper place!" Tumayo s'ya at tinanggal ang earphone sa kanyang tenga. Nag salubong ang mga palabang mga mata namin. Neither of us is going to hold back. Wala na ang dati naming pinag samahan, mayroon nang pumagitan na lalaki sa aming dalawa at ang sakit nito. "Sino ang unang magtatanong sa 'ting dalawa, Irish? Ako ba muna? Kasi, you know what, we've known each other for so long! At noong makita kitang hinahalikan si Jacob, napatanong ako kung bakit siya! Marami pang mga lalaki sa mundo, pero ako pa talaga ang naisipan mong agawan!" Tinaas nito ang kanyang mga paa sa table at peke na ang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. "Agawan? Are you really sure na ako ang nauna? Sa ating dalawa, ako ang totoong anak ni Dad pero nasayo palagi ang atensyon nito. Ikaw ang palagi nitong pinupuri in stead of me? I tried my best to be good at everything pero ikaw na lang ang palagi nitong nakikita. You make me so jealous of you, I tried to understand the situation but I've had enough of you." Punong puno ng hatred ang kanyang mukha even though she is explaining it in such a cold tone of voice. At never kong ine expect na magseselos s'ya sa pagpupuri ni Uncle sa akin. "I did everything! Pero simula nang dumating ka sa buhay naming mag ama, ikaw na ang mas magaling, mas maganda, mas masipag. You take his attention away from me. So ngayon sabihin mo sa akin ha? Sino ba ang mas dapat makapal ang mukha sa ating dalawa!? It's no other than you! Kaya normal lang na gantihan kita sa lahat ng mga kasalanang binigay mo sa akin. That is why I seduced the man that you love. Two weeks ako, if you can still recall it, he was not able to pick you up right? That is because he was with me that time. Naglalampungan kaming dalawa sa condo unit n'ya and he was the one who took my virginity. I said, he was the one I want to take it. He was really such good in bed. Sad to say, initially, balak ko lang na akitin siya at itapon. Kaso lang, napamahal na ako kay Jacob so I decided na magpaligaw sa kanya. And fyi, he was the one who told me na tanggalin ka rito sa company because of what you did to us." Tinuro n'ya ang pintuan. "There's the door, b***h! Get out of this place and don't you ever return! Wala ka nang babalikan rito. Di ba may savings ka naman? Get the hell out of here before I lose my cool and dragged you out in your hair." Mas nauna pang nawala ang cool ko ngayon sa pagsisiwalat nito ng saloobin n'ya at mga nangyari. I am not going to leave without picking up a fight. After hearing her story, I prove na ako pa rin ang nasa tama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD