Talk Just like what we planned, I spent the night at Astrid’s place. Kagaya nga ng inaasahan naming dalawa ay nang makasalubong namin ang Mom niya ay agad itong nagtanong. “What happened to you, Carina?” Tita Andrea asked when she saw us. Nakipag-beso siya kay Astrid at tumingin muli sa paa ko na ngayon ay kitang-kita ang pagsusugat. “She just slipped, Mom. She’ll be spending the night here,” sagot ni Astrid sa kaniya. Napatango-tango si Tita nang marinig ang sinabi ng anak niya na ‘yon. “Good evening, Tita,” bati ko sa kaniya. Tumango-tango ito sa akin at nilapitan rin ako para bigyan ng halik sa pisngi. “Kumain na ba kayo? There’s still food on the table,” she asked. “Gagamutin pa namin ang mga sugat n’ya, Mom. Pakisabi nalang kay Yaya na dalhin nalang sa itaas yung pagkain.”

