Denial Siniguro ko munang maayos na ang itsura ko at hindi halatang galing ako sa pagiyak bago ako pumasok sa loob ng bahay. As expected, nang makarating ako do’n ay nakaparada na nang maayos ang mga kotse ng dalawang kaibigan ko. “Hinihintay na po kayo ng mga kaibigan n’yo sa loob, Ma’am,” bungad sa akin ni Peter nang lumabas ako ng kotse. Ibinigay ko sa kaniya ang susi at hinayaan nang siya na ang mag-pwesto no’n. “Yeah, mukha nga.” I chuckled. “Ikaw na ang bahala d’yan, ha? Papasok na ako sa loob,” nakangiting sabi ko rito. Tumango naman ito sa akin at nginitian rin ako pabalik. Dumiretso na ako papasok sa loob ng bahay. When I arrived at the living room, I saw Mom sitting on the couch. Napataas ang kilay nito nang makita ako. “Finally, you’re here! Would you mind explaining

