Decision “Spill.” Napatingin ako kay Astrid nang sabihin niya ‘yon. Alam kong kanina niya pa ako gustong kausapin kaso nagklase kaya hindi n’ya nagawa. “Bea’s not around, so tell me everything,” pagkukumpira n’ya. Tinignan ko ang bandang pintuan ng silid namin at wala pa nga si Bea. Nagpaalam kasi siyang magba-banyo. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kan’ya. Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko pero pinigilan kong tumulo ‘yon. “S-since when did you noticed?” my voice cracked. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago ako sinagot. “Since the rehearsal. I don’t know a lot, I just noticed you and Yuki often talks to each other. So I thought maybe there’s something. And now, nakumpira kong mayroon nga dahil sa inakto mo kanina,” pagpapaliwanag niya. Matagal bago ako n

