Chapter 2 - Professor

1007 Words
Professor Naagaw ang atensyon namin ng lalaking 'yon. Hindi namin magawang iiwas ang mga paningin namin sa pagkakatitig sa taong 'yon na nasa harapan na namin. Kung may magpapaliwanag lang ng mga itsura namin sa mga oras na 'yon ay sasabihing para kaming mga naglalaway dahil sa lalaking nasa harap namin. "Uh, Ladies?" natauhan kaming tatlo nang bigla s'yang magsalita ulit. Napakurap-kurap ako at napahugot ako sa hininga ko nang makitang may bakas ng ngisi sa labi ng lalaking 'yon. "A-ah, sorry Sir! Uy! Dadaan si sir tabi nga kayo d'yan mga nakaharang pa kayo sa daan," biglaang sabi ni Bea at pinaghahawi-hawi kami sa daan. Natawa naman yung lalaking 'yon na tinatawag na 'Sir' ni Bea. Hindi ko naiwasang hindi mapalunok nang marinig ang tawa niya na 'yon. Even his laugh is manly, damn. Kahit sino sigurong babae na makakarinig no'n malalaglag ang panty. Tuluyan na s'yang pumasok sa loob at nilapag sa table ang hawak-hawak n'yang laptop holder pati na rin ang backpack n'ya. "Ano pa bang tinutunga-tunganga niyo d'yan? Let's go to our seats na!" halata sa boses ni Bea ang excitement nang sabihin niya iyon. Nagpatianod nalang kaming dalawa ni Astrid nang hatakin niya kaming dalawa ni Bea papunta sa mga upuan namin na nasa bandang gitna ng classroom. Hindi ko pa rin magawang maiiwas ang paningin ko sa lalaking iyon. He's wearing an eyeglasses, his pitch black hair is properly combed na talagang eye-catching, he's wearing a white long sleeve polo that matches his white and fair skin. Ang fitted nung top na suot-suot niya to the point that I can see his muscles na bumabakat talaga. He's also wearing black slacks that defined his bottom well. He's tall at paniguradong hanggang balikat lang ako nito kung pagtatabihin kami. Nakatitig lang ako sa kan'ya hanggang sa makaupo kami sa mga upuan namin. Hindi lang siguro ako ang napatanga sa lalaking 'yon. Maging ang mga kaklase ko ay siguradong naagaw ng lalaking iyon ang kanilang mga atens'yon. Who is this gorgeous man? And what is he doing inside our classroom? "Hey... Bea? Why'd you called him 'Sir' earlier?" kuryosong tanong ko kay Bea na nasa tabi ko habang tinatapik-tapik ang braso niya. She looked at me with an expression na parang sinasabi niya na ang slow ko. "Like, duh? Isn't it obvious? He'll be our new psychology professor for this semester." mataray na sagot niya sa akin. Hindi ko siya makurot kasi nakatuon lang talaga sa harapan ko ang atens'yon ko. The way he moves, it's so feminine. Turn off? Hindi bagay ang composition ng katawan niya at ang features ng mukha nya sa paraan niya ng pagkilos. Napairap nalang ako at napaiwas ng tingin sa lalaking iyon. Napansin ata ni Bea ang naging ekspresyon ng mukha ko kaya walang ano-ano pa ay bigla s'yang nagsalita. "Turn off ka kaagad? He's hot kaya!" sigaw ni Bea habang nakaturo sa lalaking nasa harapan na s'yang kinagulat ko. Dali-dali kong tinakpan gamit ang mga palad ko ang bibig niya. Napatingin sa amin ang ilan sa mga kaklase namin na s'yang nakarinig ng sinabi niya. Pagtingin ko sa harapan ay napatingin rin pala sa amin ang lalaking iyon. Inayos niya ang salamin niya at nakayukong inayos ang laptop niya. Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "Bea, could you keep it down? Nakakahiya..." napabuga ako ng malalim na hininga nang marinig na sabihin ni Astrid iyon. She's really a savior. "Alright alright, geez..." nakataas ang magkabilang kamay na sabi ni Bea sabay tingin nalang sa harapan. "G-good morning everyone..." nauutal na sabi ng lalaking nasa harap. Napa-form ako ng thin line sa labi ko nang marinig ang ilan sa mga classmate ko na natawa nang marinig ang sinabi niya. "Gwapo nga, mukha namang Nerdy Professor." "Kaya nga eh, sayang ang hot pa naman kaso mukhang loser." Ilan lang 'yan sa mga narinig kong sabi sabi ng mga kaklase ko. Nakita kong mas lalong napayuko ang Professor namin na iyon, baka narinig niya ang mga bulungan. "I feel bad for him. He probably have social issues kaya sya ganyan when it comes to talking in front of people," dinig kong sabi ni Bea sa gilid ko. I admit, I feel bad for him too. "Bakit pa kasi sya nag teacher pa kung may social issues naman sya? Right? It doesn't make any sense," mataray na sabi ko sa kanilang dalawa. "Don't be too harsh on him, we don't know his story. He's probably just a Newly Licensed Teacher," sabi naman ni Astrid. Hindi nalang ako nagsalita at inantay ang susunod pang sasabihin ng lalaking iyon. "I-I'll be your new Professor in Psychology for this semester. My name's Tyson Coleman, but you can call me Mr. Ty or Sir Ty for short. Nice meeting you all..." nauutal pa rin siya pero natapos niya naman ang introduction niya na iyon nang maayos. The way he said those words, aakalain mong Foreign siya. He has a strong American accent Tyson Coleman? Kahit yung name niya ang hot pakinggan. Napapikit nalang ako ng mariin nang mapagtanto ang naiisip ko na iyon. Stupid Carina, halata namang malayo ang agwat ng age niya sa age mo tapos pinagpa-pantasyahan mo pati pangalan? "Ah Sir Ty, mind if I ask... how old are you?" dinig naming tanong ng isa sa mga kaklase naming babae. Her name is Yuki. She's known as a certified slut among our classmates. The way she asked him those words makes me want to vomit. Halatang ang flirty nang pagkakasabi niya no'n. "N-not at all. I'm 25 years old." nahihiyang sagot ni Sir Ty sa tanong ni Yuki. "Ohh, daddy material..." matapos sabihin ni Yuki iyon ay kinagat niya ang labi niya habang nakatingin kay Sir Tyson. Nagsimula namang mag tuksuhan ang mga kaklase ko nang marinig ang sinabi niya na yon. "Really a bitch..." asik na sabi ni Bea habang nakatingin sa direksyon ni Yuki. "Halatang hindi nahihiya sa mga pinagsasabi niya. I pity her," sunod na sabi naman ni Astrid. Yeah, a b***h indeed...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD