Breakup
"I told you we're over!" sigaw ko kay Lucas, ex-boyfriend ko na nasa harapan ko ngayon. Ilang araw niya na akong kinukulit and it annoys me so much!
Bakit ba hindi niya nalang ako tigilan?
"Ilang beses ko pa ba dapat sabihin at ipaliwanag sayo ang lahat para matauhan ka?! I had enough of you! I don't love you anymore!" sigaw kong muli sa kan'ya.
Lumuhod siya sa harapan ko dahilan para mapairap nalang ako nang makita 'yon. Nahagip ng paningin ko ang mga taong nasa paligid namin. Ang dami na palang nakakakita ng kahihiyang ginagawa ni Lucas ngayon.
Kanina pa kasi talaga niya ako kinukulit kaya hindi na ako nakapagpigil pa at kung ano ano na ang nasabi sa kan'ya para lang tigilan niya ako.
Alangan namang sabihin kong mahal ko pa siya tapos gusto ko pang maayos kahit hindi naman na, 'di ba?
Magsisinungaling lang ako sa sarili ko if that's the case at mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat.
"Please... give me another chance please..." nagmamakaawang sabi niya sa akin habang nakaluhod pa rin sa harapan ko.
Mas lalo akong nainis nang mapansin parami nang parami ang mga taong nanonood sa amin dahil sa pinaggagawa niya. May ilan pa na nagv-video no'n na alam kong maya maya lang ay naka-post na sa iba't ibang Social Media Platforms.
Sigurado akong trending na 'to mamaya lang sa social media at yari nanaman ako kay Mommy kung nagkataon!
"Just stand the hell up! Ayoko na nga Lucas! Ayoko na! Leave me the f**k alone!" sigaw ko ulit sa kan'ya sabay pilit na pumiglas sa pagkakahawak niya sa binti ko. Ilang segundo kong pilit na ginawa 'yon hanggang sa mabitawan niya na ako.
Nang makawala ako sa pagkakahawak niya sa binti ko ay 'di na ako nagdalawang isip pa at naglakad na palayo. Inayos ko yung pagkakasuot ko ng sling bag ko habang naglalakad palayo sa pinanggalingan ko.
Chanel pa na'man 'to! Ngayon ko palang nagamit tapos mukhang bibili nanaman ako ng bago!
Cheap!
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Bakit ba kasi ako pumatol sa lalaking 'yon? He's just so annoying! I can't believe he's my ex-boyfriend!
Hindi ako nakaligtas sa mga mata ng mga estudyante na nasa dinadaanan ko. Bakit ba kasi sa lahat ng lugar na pwede n'ang pagdramahan ay dito pa talaga sa campus?!
He really just wants the sympathy of the students! Ako nanaman ang magmumukhang masama nito, just as always.
Pansin ko na ang mga bulong-bulongan ng ilang mga estudyante na nadaraanan ko. Alam kong alam na nila ang nangyari. Sa dami ba naman nang nag v-video at nanonood kanina, hindi na imposible.
Malamang na-tsismis na ng mga 'yon yung nangyari sa mga kaibigan nila or worse, na-post pa sa school bulletin pati sa f*******: page. Hindi na ako magtataka pa. Ikaw ba naman maging isang Carina Steele?
Ang hirap kaya, araw-araw napakadaming tsismosang nagkalat sa paligid ligid. Konting issue na tungkol sa 'kin ay kakalat kaagad.
I sometimes really hate being rich and famous like this. Para akong artista kahit hindi naman. Masyadong open ang buhay ko. Wala manlang ni katiting na privacy.
I just wish my life would be peaceful kahit ilang araw lang.
Hindi naman kasi talaga ako ang dahilan ng break up naming dalawa ni Lucas. Ni hindi ko nga maintindihan bakit may paluhod-luhod pa s'yang nalalaman kanina.
Like, hello? He's the one who cheated! I caught him kissing another girl sa mismong bedroom ko pa last night!
Tapos siya pa may ganang mag iiyak iyak d'yan tapos lumuhod-luhod na akala mo siya yung naloko?!
Ano siya manipulative sadboi na pa-victim? Duh!
Toxic!
Hindi ko ugaling mag tanga-tangahan sa mga lalaki lalo na't sa mga kagaya niya kaya wala akong pakialam kung nambabae siya or may bago na siya.
I can find another boyfriend in just a span of minutes. Don't test me.
Wala akong panahon para magpakabobo sa isang kagaya n'yang manloloko naman pero ang galing magpanggap na siya yung kawawa!
Pagkadating ko sa hamba ng pintuan ng room namin ay natahimik ang mga kaklase ko nang makita ako. Nakatingin lang silang lahat sa akin na parang may ginawa akong kung anong krimen.
Their eyes shows judgements.
Napaigting nalang ako sa panga ko sabay kuyom sa dalawang magkabilang mga palad ko nang dahil doon. Look at what he'd done! Wala akong kasalanan sa break up namin tapos ako pa tuloy ang nagmumukhang masama!
What happened earlier is what he deserved.
Bahala na sila sa kung anong isipin nila basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama!
"Carina! Where have you been? We've been looking for you!" sigaw ng kaibigan kong si Bea.
Dali-dali s'yang tumakbo palapit sa akin sabay yakap sa akin nang mahigpit nang makalapit. Kasunod naman niya si Astrid na sinalubong naman ako ng nagqalalang ngiti.
"You okay?" she hesitantly asked. Tumango-tango naman ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Halata sa mga mata niya na nagaalala s'ya sa akin pero hindi na ito nagtanong.
She probably thinks that I have a lot in mind kaya hindi na muna niya ako kinausap. Thanks to her. Hindi ko rin talaga kaya na makipagusap tungkol do'n sa ngayon.
"Oh my God! What happened to your hair?! Mukha kang ni-rape ng sampung tambay!" nag-ppanic na sigaw niya.
Sobrang lakas ng pagkakasigaw niya no'n na hindi manlang niya naisip na halos lahat ng mga classmates namin ay nasa amin ang atensyon. Napairap nalang ako sabay hiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
"Kahit kailan napaka-OA mo talaga! The reason why my hair is so messed up was because I tried to get here as fast as I can!" naiinis na sabi ko sa kan'ya.
I just sighed because of the overwhelming annoyance I'm feeling right now.
Buti pa si Astrid marunong makiramdam. Siguro 'tong Bea na 'to hindi pa rin alam ang mga nangyari.
Just like as always, huli nanaman siya sa balita kaya ganito nalang makaakto.
"Leave her alone for now, Bea. She's probably exhausted." I mouthed 'thank you' nang biglang magsalita si Astrid.
She mouthed back 'you're welcome' as a response.
"Ito naman si Astrid! I just want to know why does her hair looks like a bird's nest," nakangusong sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin kaya napatikom nalang s'ya ng bibig nya.
"Anyways, what happened ba talaga?" kuryosong tanong ni Bea sa akin.
I gave her an 'are you seriously asking me that' look pero tinaasan niya lang ako ng kilay na akala mo ay wala talaga s'yang alam na kung ano.
"She haven't checked her social media account for hours." naagaw ni Astrid ang atensyon ko nang sabihin n'ya 'yon.
Binalik ko ang tingin ko kay Bea na halata sa mukhang wala nga talaga s'yang alam.
Kaya naman pala mukhang clueless 'tong babaeng 'to, hindi pa alam ang balita. I gave Bea a bored look at napairap nalang.
"Ano ba kas-"
"E-excuse me..." hindi na natuloy ni Bea ang sasabihin niya nang may biglang magsalita sa gilid namin. Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita.