Kaya naman Tinatawagan ko si sungit at ilang ring pa sumasog na rin si sungit
•Mr.Sungit•
'hoy sungit'
(Bungad ko kay sungit)
'oh bat ka ngayon tumatawag'
(Masungit na sabi nito)
'eh bakit mo sinagot'
(Sabi ko naman at narinig kong huminga siya ng malalim)
'tsk ewan ko sayo'
(Sabi nya na lang at punatay yung call)
Call ended
[Napaka pikon talaga nun]
Sabi ko na lang at inubos na yung kinakain ko kailangan kong suyuin yung sungit na yun dahil madadamay pa yung iba sa katoyoan nya. Kaya naman hinugasan ko na yung pinag kainan ko at tumungo sa kwarto para mag palit ng short dahil sobrang ikli nung suot ko pero bago pa ako makapag palit may biglang nag doorbell ng paulit ulit kaya naman dirediresyo kong binuksan yung pinto at tumambad sakin ang nakasimangot na si seungcheol pero bago pa ako makapag salita hinawi nya ako sa daan at tuluyang pumasok sa loob ng unit ko
"Oh bat dito ka dumiresyo" masungit kong sabi sakanya at naka pamewang pa. Sya naman di nya ako pinansin at umupo siya sa sofa at itinaas pa yung paa nya sa lamesa
"Aba aba siñorito baka gusto mong ibaba yang paa mo" sabi ko at hinawi ang paa nya kaya naman sinamaan nya ako ng tingin tska tumingin ulit sa tv
"So ano pumunta ka dito para manood ng tv ni hindi ka pa nag papalit ng uniform mo"sermon ko sakanya kaya naman ang loko akmang mag huhubad kaya naman pinigilan ko sya
"Hoy ano sa tingin mo yang gagawin mo"panic kong sabi at tumingin naman sya sakin
"Sabi mo mag palit ng uniform"casual nyang sabi
"Engot ka ba hindi ko naman sinabing dito ka mag palit umuwi ka sa unit nya doon ka mag palit"sabi ko pa
"Ayoko" matigas nyang sabi at nag cross arm pa
"Bat ka ba kasi biglang tinotoyo pati yung mga bata natatakot sayo alam mo bang tumawag pa sila sakin kanina dahil natatakot na sila sayo"sunod sunod kong sabi sakanya
"Kasalanan mo kung bakit ako tinotoyo no kaya wag mo kong sisihin" sabi nya nang hindi manlang tumitingin sakin
"Bakit ko naman nagging kasalanan yun"sabi ko
"Sure kang hindi mo alam ah"sabi nya at tumayo sya at hinarap ako kaya naman napaurong ako
"Oo naman ok naman tayo kanina ah alam mo naman yun"sabi ko pa
"Ok? Kung ok tayo maging hindi mo manlang ako hinintay umuwi tska ilang beses akong tumatawag sayo pero ayaw mong sagutin tapos nung nakitawag ako kay hao agad agad sinagot mo so ano satingin mo ang iisipin ko na AKALA ko rin ok tayo pero bakit hindi moko pinapansin na parang umiiwas ka" pag lilitanya nya sakin habang nag lilitanya sya lapit siya ng lapit so ako naman layo ng layo
"So dahil lang dun tinotoyo ka kaya lahat sila damay"patanong kong sabi sakanya
"Tsk dahil ba sa kinuha ko yung bag mo kaya ka ganyan eh diba nag bibiruan lang naman tayo dun tska alam mo yun na nag bibiruan lang tayo"sabi niya pa
"Teka nga pwede ba tigilan mo ang pag lapit sakin pwede naman tayong mag usap ng nakatayo lang eh"sabi ko pa sakanya
"Wag mong iniiba ang usapan tska bakit ang ikli ng short mo ah tska ang bilis mong buksan yung pinto kanina mukhang dimo pa tiningnan kung sino yung nag doorbell na parang may hinihintay kang bisita"iritang sabi nya
"Unang una hindi ko iniiba usapan pangalawa kaya nga short eh maikli tska mg papalit naman sana ako kaso dumating ka last kaya ko binuksan agad kasi parang gusto mong sirain yung doorbell ko kaya ko binuksan na agad"paliwanag ko sakanya
[Yung totoo bakit kailangan kong mag paliwanag dito sa sungit na to ano kami mag jowa tsk kung makatanong eh]
"Tsk mag palit ka dun at pumunta ka sa unit namin agad"sabi nya at lumabas na ng unit ko
[Toyo talaga yun kung makautos eh]
Agad naman akong nag palit ng short nag panjama na lang ako at sweater para walang masabi yung sungit na yun balot na balot na ako kaya naman napag pasyahan ko na pumunta na sa unit nila
Nang makarating na ako nag doorbell agad ako at ilang segundo lang pinagbuksan na ako ni shua
"Oh ice pasok ka"sabi nya at ngumiti kaya naman pumasok na ako at diko nakita si sungit kaya naman dumiretsyo na ako sa kusina dahil mag luluto pa ako ng dinner namin
"Nasan si hannie"tanong ko kay shua bahang tinutulungan nya ako sa mga gagamitin ko
"Nasa kwarto"sabi nya habng busy na nag hihiwa kaya naman napatango na lang ako
"Oo nga pala nag ka ayos na ba kayo ni cheol"tanong ni shua
"Ayos naman kami ni cheol sadyang tinoyo lang siya kasi hindi ako sumabay na umuwi plus diko pa sinagot kanina yung tawag nya"sabi ko habang nag hihiwa din
"Bakit naman kasi iniignore mo sya"natatawang sabi nya
"Gumanti lang ako sa pag kuha nya ng bag ko diko naman akalain na grabe yung epekto nun"sabi ko
"Hay nako kung di ako aware na mag kaibigan kayo siguradong iisipin ko na mag jowa kayo"natawa namang sabi ni shua dahil sa sinabi ni shua na yun bigla kong nahiwa yung daliri ko kaya naman nagulat din si shua kasi ang dami na ng dugo na lumalabas
Kaya naman di alam ni shua ang gagawin kung kukuha ba ng first aid kit
"Hala teka teka kukuhain ko lang muna yung first aid kit ay hindi pa kailangan malinis pala muna"tarantang sabi ni shua
"Shua kalma"natatawa kong sabi sakanya at tumungo sa sink para maalis pa yung mga dugo na lumalabas
[Sa totoo lang dinaman masakit eh mababaw lang naman ito]
"Ice kukuha lang ako ng first aid kit ah"paalam nya sakin
Maya maya pa nakuha na ni shua yung first aid kit at ako naman nasa sink pa kasi ayaw pang tumigil nung dugo
"Anong meron bakit may first aid kit"rinig kong salita ni sungit na mukhang kalalabas nya lang ng kwarto
"Ah kasi cheol" nag aalangan na sabi ni shua na halata mo na takot sagutin si sungit at ng marealize ni sungit kung anong nangyayari lumapit agad sya sakin at hinwakan yung kamay ko kung saan ako na hiwa
"Ano bang nangyari bakit nahiwa si yelo" gigil na sabi pa nito kay shua
"Kasi cheol nag kwentuhan lang naman kasi then di nya namalayan na hiwa nya na pala yung daliri nya"paliwanag ni shua
"So kasalanan pa ni yelo kung bakit siya nahiwa shua naman manong ikaw na lang ang nag hiwa edi sana hindi siya nahiwa"iritang sabi nya pa kaya naman pumagitan na ako
"Tama na yan sungit di naman kasalanan ni shua kung bakit ako nahiwa kasalanan ko naman tska mababaw lang naman to" paliwanag ko pero nakakunot parin yung noo nya ...
"Oh anong nangyayari dito" rinig naming tanong ni hannie na kalalabas lang ng kwarto mag sasalita na sana ako kaso hinila ni sungit yung kamay ko siya kasi yung nag gagamot sa sugat ko
"Nahiwa kasi si ice..." Narinig kong bulong ni shua kay jeonghan
"Ice ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni jeonghan
"Oo ayos lang ako tska mababaw lang naman eh"sabi ko at ngumiti pa kay hannie
"Tsk wag ka ngang magulo"rinig kong sabi ni sungit napailing na lang ako
HOPE YOU LIKE IT ♥
Like Comment