Iceanna pov
Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang maging close kami ni sungit
[Sa totoo lang ang lakas din pala talaga ng sayad nung lalaki na yun tska halos araw araw kong nakikita na nababatukan sila hoshi dahil sa kaharutan nila lalo na pag nakikita nya na sasaktan na ako sa mga ginagawa nila hoshi sakin kasi nga lagi nila akong pinag aagaw agawan... Well mala bodyguard ko yata si sungit ?]
"Hoy yelo baka gusto mong tanggalin yung kamay mo dyan sa note" iritang sabi ni sungit yes halos araw araw ko na syang katabi
"Sorna naman"sabi ko na lang at inurong ko pa yung note ko sa gawi nya
"Noona"rinig kong nag salita si dino naka upo kasi siya sa harapan ng row namin
"Ano nanaman kailangan mo" sabi naman ni sungit kaya naman napailing na lang ako
"Bakit dino may kailangan ka ba" sabi ko at ngumiti
"May extra pen ka pa ba noona"sabi pa nya kaya naman ibinigay ko sakanya yung hawak kong pen
"Eh ano gagamitin mo noona"nag alalang tanong pa nito
"Sige ok lang gamitin mo na"naka ngiti kong sabi at ngumiti na din sya at humarap na ulit
"Ang galing so pano ka na makakapag sulat nyan" rinig ko sabi nung katabi ko
"Ano ka ba ok lang no tska nandyan ka naman para pahiramin mo ko ng notes mo" sabi ko kaya naman agad nyang ibinigay sakin yung pen nya
"Gamitin mo na lang yung akin"sabi nya pa
"Ok nga lang sabi" mapilit kong sabi
"Gamitin mo na nga para ako na lang ang pahiramin mo ng notes mo tska ano ka sinuswerte naka tunganga ka lang dyan habang ako nag papakahirap mag sulat"sabi niya pa
[Aba'y napaka utak talaga nitong sungit na to]
Kaya naman napa iling na lang ako at kinuha na lang yung pen at nag start na ulit mag sulat
Maya maya pa natapos na rin yung klase kaya naman inayos ko na agad yung mga gamit ko
"Noona ito na yung pen mo thankyou~" sabi ni dino at inabot nya sakin yung pen ng nakangiti kaya naman kinuha ko na at nung ilalagay ko na sa bag ko yung pen biglang nawala yung bag ko kaya naman malinga linga ako
"Na kay cheol yung bag mo" sabi naman ni hannie at tumatawa pa kaya naman hinagilap ko si sungit
[Ba naman nasan na yung lalaki na yun]
"Tara na ice" sabi pa ni shua at sumabay na ako sakanila
"Ang lakas talaga ng tama nung si sungit" sabi ko pa
"Bakit ice"tanong ni uji
"Pano dinala ni cheol yung bag niya"natatawang sabi ni hannie
[Isa pa to eh ang lakas ng tama imbis na sawayin yung isa aba mukhang tiningnan nya lang na kunin]
"Ah kaya pala wala kang bag"natawa na rin na sabi ni uji
"Pano kasi nag sauli lang ng pen si dino sakin tapos kinuha na pala nya yung bag ko" naka pout kong sabi
[Yari talaga sakin yung si sungit]
Nang makarating na kami sa room hinagilap ko kaagad yung mokong na yun at ayun nakita ko nasa bandang taas kaya naman pumunta agad ako at ng malapit na ako may lumapit sakanyang babae kaya naman nung nasa taas na ko narinig ko na may tinatanong sakanya yung babae
"Ahmm pwede ba akong umupo dito"rinig kong sabi nung babae at halata mo naman na nahihiya hiya pa ito. Bago sumagot si sungit dun sa babae tiningnan nya ako ng nakakaloko
"Oo naman"sabi pa nito at ngumiti pa na parang aso
[Ayos lang may vacant pa naman sa tabi nya wuaahahaha]
Nang uupo na ako pinigilan nya ako
"Oh anong ginagawa mo dyan si hannie"sabi nya at ngumiti ng nakakaloko at narinig ko naman na tumatawa si hannie sa likod ko
"Oh ice padaan ako"sabi pa nito kaya naman no choice ako na tumabi kila woozi
Nang uupo na si hoshi hinawi ko sya para ako ang umupo sa dapat nyang uupoan which is katabi ni uji
"Yahh ice naman eh bat nang aagaw ka ng upuan"naka pout na sabi nung hamster
"Ah so dimo na ako lab hoshingie~" malambing kong sabi
"Syempre lab parin kita pero kasi gusto kong katabi si woozi sa sub na to" paliwanag pa nya
"Nako ice mabuting ikaw ang tumabi sakin laging nangongopya yang hamster na yan" sabi pa ni uji
"Oh pano ba yan dun ka na lang sa pwesto nila dk"sabi ko at wala naman siyang nagawa at tumabi na sya kila dk
"Ice bakit nga pala hindi mo katabi si hyung nag away nanaman ba kayo" tanong ni wonu
"Hindi kaso ang lakas mangasar ng hyung nyo ni hindi nya pa nga sakin binabalik yung bag ko eh tska may pinatabi na sya sakanya kaya di na ako nag pumilit" sabi ko pa at tumawa sila
[Yung totoo ano nakakatawa dun ako na nga naapi eh]
"Uji peram naman ako extra pen tska pahingi na rin ng papel"sabi ko
"Wala akong extra pen pero ito yung papel"sabi niya at inabot sakin yung papel
"Kayong dalawa may pen kayong extra" tanong ko kila wonu at jun at umiling lang sila kaya naman kinalabit ko si hao
"Hao~ may extra pen ka pa" sabi ko sakanya at inabot sakin yung pen
"Gomawo~"sabi ko pa sakanya at ngumiti lang
Tumingin ako sa gawi nila sungit at nakita ko na nakatingin siya sangin ng nakakaloko na para bang hinintay nyang tumingin ako tapos binelatan ako at tiningnan ko lang siya ng masama bilang tugon at tumawa lang ang loko
[Humanda talaga siya sakin mamamaya]
Patuloy lang ako sa pag susulat habang nag sasalita yung prof
[Btw malapit ko ng maubos ang papel ni uji sa dami ng important word na tinuturo nung prof namin ... Kasi naman eh peste kasi yung lalaki na yun papalitan ko na lang yung papel na hiningi ko kay uji]
Nang matapos na ang klase agad ko naman binalik kay hao yung pen nya
"Uji papalitan ko na lang yung mga papel na nagamit ko ah pasensya ka na kasi naman peste yung sungit na yun" natawa sya at tumango na lang
At dahil na kay sungit yung bag ko may naisip ako na pang bawi
"Mauna na ako sainyo ah"sabi ko kila uji diko na hinintay yung sagot nila at tumakbo na palabas ng room
Naisip ko na maunang umuwi para isipin nya na nainis ako sa ginawa nya. Nang makarating na ako sa bus stop sakto naman na may bus na kaya naman sumakay na agad ako at buti na lang paalis na yung bus
•Mr.Sungit•
Incoming calling...
Nakita ko naman na tumawag si sungit kaya naman pinatay ko yung tawag
[Wuaahahahaha manigas sya dyan kailangan paramdaman nyang naiinis ako sakanya]
Tawag siya ng tawag ako naman pinapatay ko ng pinapatay kaya naman nakatanggap ako ng message mula sakanya
_______________________________________
Mr. Sungit
:Mr. Sungit
Hoy yelo bat nauna kang umuwi!
:Mr. Sungit
Bat ayaw mong sagutin yung tawag ko!!!
:Mr. Sungit
Ano ba yelo nagalit ka ba?
_______________________________________
[Bahala siya sa buhay nya siya naman ang mainis?]
Nang makarating na ako sa condo agad akong pumunta sa unit ko. At ng makauwi na ako agad akong nag bihis pag tapos kong mag bihis nakita ko na tumatawag parin siya kaya naman natawa ako
Binuksan ko yung tv at kumuha muna ako ng tubig pag uminom at umupo na sa sofa
•Myeongho~•
Incoming calling..
Nung nakita ko na si hao yung tumawag agad ko namang sinagot
•Myeongho•
'hello hao~'
(Tugon ko)
'hoy pag si hao sagot agad tapos ako ayaw mong sagutin!!!'
(Sigaw ni cheol sa kabilang linya)
Call ended
[Wuahahaha bala sya dyan gagamitin nya pa si hao ah]
Maya maya pa napag pasyahan ko na kumain ng ramen habang nanonood ng tv ng biglang may tumawag at sagutin ito
•seungkwannie~•
'hello kwannie~'
(Sagot ko at binitawan yung chopstick)
'yahh noona kausapin mo na si hyung'
(Bulong na sabi nito at halata mong takot)
'hayaan mo sya wag nyo na lang pansinin tinotoyo lang yan'
(Sabi ko at uminom ng tubig)
'eh noona feeling namin anytime pwedeng manakit tong si hyung'
(Sabi pa nito)
'nasan ba kayo hindi pa ba kayo nakakauwi?'
(Tugon ko)
'noona na delay kasi yung bus na sasakyan namin kaya nandito parin kami sa bus stop. Sige na noona kausapin mo na si hyung halos dikit dikit na kami dito sa bus stop si jeonghan hyung lang katabi nya at si shua'
(Takot na takot nitong sabi)
'noona sige na kausapin mo na si hyung'
(Nagmamakaawang sabi ni dokyeom na feeling ko naiiyak na sila)
[Ang bilis talagang mapikon nung isa na yun]
'noona nandyan ka pa ba?'
(Rinig kong tanong ni kwannie)
'oo sige ako na bahala'
(Sabi ko at pinatay na yung tawag)
Call ended
[Hay nako tinoyo na talaga yung loko na yun]
Kaya naman Tinatawagan ko si sungit at ilang ring pa sumasog na rin si sungit
HOPE YOU LIKE IT ♥
Like Comment