Iceanna pov
Kasalukuyan kaming nag hihitay sa prof namin. Yung iba daldalan lang nang daldalan
[Ako naman nag tumitingin tingin lang sakanila dahil alangan naman na daldalin ko tong si sungit eh hindi pa naman kami close tska kanina nya lang ako welcome sa grupo nila.. tama kayo mag katabi ulit kami ni sungit halos lahat ata ng sub. Katabi ko sya eh teka wag nyong isipin na something ah gusto naman talaga akong makatabi nung iba kaso nga nag babangayan sila lalo na sila dk, hoshi, seungkwan, mingyu at dumagdag pa si dino kaya naman mas pinipili ko na katabi na lang si sungit kesa sakanila para patas na lang din]
Nang dumating na yung prof namin nag turo agad ito. Katulad ng kanina ko pa ginagawa medyo nilalapit ko yung note kay sungit at kinokopya naman nya para ngang nasanay na siya eh
[Well ginagawa ko to kasi alam kong nahihirapan sya wala ng ibang dahilan yun ok]
Maya maya pa natapos na rin ang klase kaya naman niligpit ko agad yung mga gamit ko
"Ice sabay sabay na tayo umuwi"sabi naman ni jeonghan
"Ah kasi may pupuntahan pa ako eh"sabi ko habang nag liligpit
"Edi samahan ka na lang naming tatlo" sabi pa nito
"Nako wag na baka mainip lang kayo" sabi ko pa
"Saan ka ba pupunta ice" tanong ni shua
"Sa super market kulang na kasi yung stock ko" paliwanag ko
"Yun naman pala eh edi kailangan mo ng tiga dala"sabi pa ni jeonghan
"Mag tigil nga kayong dalawa hayaan nyo na syang mag isa hindi naman sa lahat ng lakad kasama kayo" masungit na sabi ni sungit
[Oo nga naman impernes tama si sungit ngayon?]
"Sige na mauna na ako bukas na lang ulit"sabi ko pa
Kaya naman lumabas na ako ng room at nag mamadaling pumunta sa super market naisip ko kasi gumawa na lang ng lunch box meal para sa thankyou token ko kay sungit
Nang makasakay na ako ng bus
[Yung totoo ang saya saya ko today dahil may official na mga kaibigan na ako plus hindi na ako ganun sinusungitan ni sungit tska napansin ko rin na halos lahat sila takot kay sungit kwera lang kay jeonghan . Nakakatuwa lang pag inaasar ni jeonghan si sungit kasi wala talab yung masamang tingin ni si sungit kay jeonghan?]
Nang makarating na ako sa super market agad na akong namili ng mga kakailanganin ko
[Naisip ko kasing pati si jeonghan at shua bigyan na rin dahil baka mahalata nilang kay sungit lang yun umiiwas lang ako sa pwede nilang maisip basta yun na yun]
Dadamihan ko sana yung lotus feet kaso na alala ko na hindi pala kumakain si sungit nun
[Pano ko alam binigay nya kasi kay vernon kanina yung lotus feet lahat kaya ko na isip na hindi sya kumakain tska kung binigay nya lang nya kay vernon edi sana nag tira siya ng para sakanya diba]
Nang pakumpleto ko na yung mga kakailanganin ko binayaran ko na agad at umuwi na
*At the unit*
Nag start na akong mag luto kasi pag 6 na pala kailangan ko pang dalin to sakanila
Maya maya pa natapos na ako sa pag luluto at na ayos ko na rin ilagay yung mga pag kain sa lunch box kaya naman tumungo na ako sa unit nila
Kasalukuyan pa akong nakatayo sa unit nila kasi iniisip ko kung ibibigay ko ba yun ng personal or iiwanan ko na lang bayun dito
Kaya naman napag pasyahan ko na lang na iwan na lang dito sa harap ng unit ni at nag door bell tska ako agad na umalis at bumalik sa unit ko at ng makarating na ako sa unit ko ako naman ang kumain dahil na gugutom na rin naman ako habang kumakain ako napagpasyahan ko na itext na lang si sungit para aware siya na ako ang nag bigay
Seungcheol pov
Kasalukuyan akong na nonood ng tv
"Ano kakain ba kayo o ibubuhos ko sainyo itong ramen" sabi ni hannie kaya naman naunang lumapit sa kanya si shua at ako naman pinatay ko na yung tv
"Ramen nanaman"rekalamo ni shua
"Sige shua matuto ka munang mag luto ah bago ka mag reklamo dyan pasalamat nga kayo at ako nag luto eh" sermon ni hannie
"Bat ba kasi hindi nyo na lang tinawag si dk or si gyu" sabi ko at humigop ng sabaw
" Aba gagawin nyo pang tiga luto yung dalawa na yun ah" sabi pa ni hannie
Maya maya pa nakarinig kami ng nag doorbell kaya naman tumayo si shua at tiningnan kung sino yun. Maya maya pa bumalik si shua na may dalang plastic
"Oh may nag order ba sainyo" tanong ni shua
"Wala ilapag mo nga dito yan"sabi naman ni hannie kaya naman binuksan nila ito at nakita namin na lunch box meal ito
"Wuaahhh ito ang tinatawag na hapunan" sabi ni hannie at mukhang kumikinang ang mga mata pati rin si shua
" Ngayon lang ako naka kita ng lunch box meal na pang dinner" sabi naman ni shua
"Oh ito sayo cheol walang kasamang lotus feet itong isang lunch box" sabi pa ni hannie
[Huh? Sino kaya ang nag bigay nito tska ayos naman talagang may para sakin]
Naramdaman ko na nag vibrate yung phone kaya naman tiningnan ko ito
_______________________________________
Yelo
:Yelo
Nakuha niyo na ba?
:Yelo
Pag pasensya nyo na kung yan lang ang naluto ko ah
:Yelo
Thankyou token ko yan syo kasi inalagaan mo ko nung may sakit ako kahit na sinusungitan mo ko ?
:yelo
Isa pa nga pala wag mong sabihin na sakin galing yan ah
:Yelo
Eat well..
_______________________________________
[So sakanya pala to galing]
"Ang sarap naman parang lutong bahay yung lasa" masayang sabi ni hannie
"Oh cheol ayaw mo bang kumain"tanong naman ni shua
"Ok lang kami na uubos nyang sayo"sabi pa ni hannie at akmang kukunin na yung akin kaya naman kinuha ko na yung chopstick ko at nag simula ng kumain
[Totoo nga ang sarap nung luto nya.. eh kung ganto ng ganto aba'y lagi ko na siyang tutulungan XD]
Maya maya pa natapos na kaming kumain at ubos na ubos talaga walang kahit na ano ang naiwan sa lunch box kaya naman nag ligpit na kami para makapag pahinga na rin
Nang matapos na kami agad akong tumungo sa kwarto at agad namang humiga at kasalukuyan na nakatulala sa kisame at dahil busog na busog ako di pa ako makatulog kaya naman napag pasyahan ko na lumabas ng unit at mag lakad lakad sa park
Habang nag lalakad lakad ako nakita ko naman may pamilyar na naglalakad kaya naman medyo lumapit ako at tama nga ako kilala ko nga si yelo kaya naman imbis na mag pakita ako may naisip akong kalokohan
Kaya naman sinundan ko lang sya at ramdam ko na bumibilis yung lakad nya
[Ang saya pala nitong takutin XD]
At nang napansin ko na nag iiba na yung pinupuntahan nya binilisan ko na yung lakad ko kasi papunta na sya sa madili na parte ng park
[Parang ewan din tong babae na to siguro kung totoong masama tao yung nakasunod sakanya siguradong mapapahamak talaga to]
Kaya naman napag pasyahan ko ng hablutin yung braso at sa hindi inaasahan inihampas nya sakin yung dala nya kaya naman todo sangga ako
"Wuaahh parang awa mo na bitawan moko!"sigaw na sabi nya at napansin ko na nakapikit pala ang loko
"Kumalma ka nga "sabi ko kaya naman tumigil sya sa pag palo at pag pupumiglas at iminulat ang mga mata nya nakita ko naman na tumulo yung luha nya
"Bat ka ba ganyan akala ko the end of the world ko na" mangiyak ngiyak nyang sabi kaya naman natawa ako
"Tapos ano tatawanan mo lang ako"pag mamaktol nyang sabi at nag pout pa
"Bakit ka ba kasi nasa labas pa ng gantong oras"natatawa kong sabi
"Kasi busog na busog ako kaya naisip ko na mag lakad lakad tska may binili din ako"sabi nya pa
"Hay tara na nga baka makakita ka pa ng multo dito"biro ko pang sabi
"Fyi hindi ako takot sa multo mas takot ako sa mga taong loko loko" masungit nyang sabi kaya naman na tawa ulit ako at nag simula na kaming mag lakad papunta sa maliwanag na parte ng park at ng nakarating na kami sa bench umupo muna kami
"Ikaw bakit nasa labas ka rin" sabi nito at ibinigay yung juice kaya naman tinanggap ko na lang kasi hiningal din ako eh
"Katulad din ng dahilan mo"sabi ko pa at uminom
"Ahh nagustuhan nyo ba? Hindi maalat or walang lasa"tanong nya at uminom rin
"Nagustuhan nila wala ngang natira kahit na mugmug lang eh"sabi ko pa
"Eh ikaw?"tanong nya
"Syempre naubos ko rin gusto mo lang marinig sakin na masarap eh"sabi ko pa
"Hmp sungit"sabi nya pa " alam mo bawas bawasan mo yang pag susungit mo gwapo ka sana kaso laging lukot yang kilay mo" sabi nya pa
"Ah na gwapuhan ka sakin ganun ba"sabi ko at ngumiti ng nakakaloko kaya naman nakatanggap ako ng batok mula sakanya
"Oh lumulutang yang ulo mo what i mean try mong bawasan yang ganyang attitude mo"sabi niya pa
"Arasseo pero bawasan mo rin ang pag aadjust mo sa mga mokong na yun lagi ka ba naman oo lang ng oo eh" sabi ko pa at inubos na yung juice
"Arasseo pero kasi ang hirap nilang awatin eh" sabi nya pa
"Pag ganun hayaan mo na lang sila titigil din naman sila" sabi ko pa
"Ah so close na ba tayo nito"sabi nya
"Oo pero may kondisyon" sabi ko
"Kahit ano basta kaya ko" sabi nya pa
"Sabay sabay tayong kakain ng dinner araw araw" sabi ko
"Eh? Bakit naman" nag tatakang tanong nya
"Kasi wala kaming matinong dinner kung hindi kami ipag luluto ni gyu at dk kaya madalas nag order kami or nag ramen" paliwanag ko
"Ah so gagawin nyo akong cooker nyo ganun ba -_-" sabi nya
"Ah so ayaw mong maging close tayo"sabi ko pa
"Bakit sinabi ko bang ayaw ko syempre gusto mo mag start na ako ngayon eh" sabi nya pa
"Baliw ka rin no naalala mo bang ikaw ang nag dala ng dinner namin-_-" yamot na sabi ko
" Hehehe sorna naman gg ka nanaman oh"sabi nya at tumawa
"tara na"aya nya sakin at tumango na lang ako at nag lakad na kami papunta sa condo
HOPE YOU LIKE IT ♥
Like Comment