[sana naman wag siyang mag sungit]
Nang makarating na si sungit sa pwesto namin uupo na sana sya sa tabi ni shua ng biglang mag salita si jeonghan
"Cheol dito ka na sa tabi ni ice para kahit papano may katabi sya"sabi naman ni jeonghan at nagulat naman ako sa sinabi nya
[Jusko bat kailangan mag tabi kami?!! Etong jeonghan na to napaka!!!]
Hindi naman nag reklamo pa si sungit at puwesto nasa tabi ko bali ang arrangement ng upuan namin;
Sungit-ako-jeonghan-shua
Nang dumating na yung prof agad namang nag turo na ito kaya naman todo sulat din ako
Habang nag susulat ako napansin ko na nag susulat rin si sungit pero parang nahihirapan syang sundan yung lecture kaya naman siniko ko ng konti yung braso nya at nilapit ng konti yung notes ko para makita nya
Seungcheol pov
Kasalukuyan akong nakikipag digma sa mga sinasabi ng prof namin
[Jusme naman ano ba to rapper hindi ko masundan!!]
Pinag patuloy ko lang ang pag susulat ko ng biglang naramdaman ko na may sumiko sakin pero hindi naman ganun kasakit kaya naman napatingin ako dito sa babaeng yelo at mukhang inaalok nya sakin yung mga notes nya kaya naman kinopya ko na ito
[Aba aarte pa ba ako eh may kopyahan na tska sya naman ang nag offer]
Patuloy lang ako sa pag kopya ng notes nya
[Hmm inpernes maganda syang mag sulat kahit na rapper yung prof. nasusundan nya parin..oh teka baka isipin nyo na humahanga ako sakanya ah sadyang good listner lang talaga sya]
At napansin ko rin na napaka seryoso nya rin at tahimik wala kang maririnig kahit bulong
[Siguro scholar sya dito kaya talagang pinag iigihan nya kung ganun nga dapat lang ]
Maya maya nag paalam na rin yung prof namin kaya naman nag ayos na ako ng gamit ko
"Ice tabi tabi ulit tayo sa next class ah"masayang sabi ni hannie at nakita ko naman na parang nahihiya pang ngumiti itong babaeng yelo
"Ah eh hindi naman na kailangan kasi may iba na kayong kasama next class tska kaya lang naman kayo napa tabi sakin dahil no choice na kayo" paliwanag nya
[Tsk ang hilig nyang idown yung sarili nya]
"Ano ka ba hindi sa no choice kami sadyang gusto ka lang namin makatabi"sabi naman ni shua
"Tama ba cheol?" Random na tanong sakin ni hannie habang nakangiti ng nakakaloko
[Bwisit talaga tong si hannie eh]
"Ano mag kwentuhan na lang ba kayo baka mamaya pare parehas tayong umupo sa lapag"sabi ko na lang at nag tawanan yung dalawa
Pag tapos nung nag simula na kaming mag lakad papunta sa susunod na class habang dinadaldal ni hannie yung babaeng yelo nakangiti lang sya na parang di sanay kausapin
[Hay kahit kelan talaga tong si hannie di nya ba nahahalata na napipilitan na lang yung kausap nya tska malapit ng mapunit yung pisngi nung isa kakangiti]
At sa wakas nakarating na kami sa room at agad naman naming nakita sila hoshi kaya naman tumungo na agad kami sa pwesto nila at dahil apat na sila sa isang row dun na lang kami sa katabing row uupo na sana yung babaeng yelo ng hatakin bigla ni hoshi kaya naman parehas kaming nagulat nung yelo na yun
"Yahh ice tabi tayo"sabi naman ni hoshi
"Ah si--" punutol ko yung sasabihin ni yelo at nag salita
"Hoshi dahan dahan ka naman kung makahila ka akala mo sila dk yung hinihila mo eh"nakasimangot kong sabi "tska papaalala ko lang sayo na babae yang hinatak mo ok" sabi ko pa at umupo na
Napansin ko rin na nakatingin sakin yung ugok
"Ahmm sorry ice masakit ba" narinig kong pag aalala ni hoshi
"Psh hoshi umupo ka na dito hayaan mo ng umupo si ice sa tabi nila hyung" sabi naman ni wonu kaya naman umupo na ulit si hoshi sa tabi nila at umupo na rin si yelo sa tabi ko
Nakita ko naman na hinihilot ni yelo yung braso na nahatak ni hoshi
[Tsk ayan na nga ba sinasabi ko eh peste talaga yung hamster na yun]
"Wag mo ng masayadong ganyanin mabubugbug ng tuluyan yan baka pag ka pasa ka pa" bulong na sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya
Nakita ko naman na sinunod nya ako. Maya maya pa nag simula na kaming mag klase at same method ulit hindi na ako nakikinig kinokopya ko na lang yung sinusulat ni yelo
[Well inaamin ko na mabait naman pala talaga siya sadyang naging harsh lang ako nung una ko syang nakita and i think di naman nya pinaplastic yung mga ugok siya pa nga ang nag aadjust eh.. well from now on hindi ko na sya aawayin ahmn pero konti lang kasi gusto ko parin sya makilala kung anong klaseng familya meron sya yung ganun ]
*After an hour*
Na tapos na ang klase at breaktime/lunch time na kaya naman inayos ko na yung mga gamit ko
"Ice sabay ka samin ah~"malambing na sabi ni hoshi kaya naman pilit na ngumiti si yelo
"Hoshi wala ka bang balak mag ayos ng gamit mo baka gusto mong ikaw ang hindi makasabay samin" masungit kong sabi at nag pout pa yung loko at bumalik sa pwesto nya
Napansin ko naman na patayo na si yelo
"Sumabay ka na samin baka mag tantrums pa yung hamster na yun" bulong kong sabi at nilagay na yung last na gamit ko sa bag ko
"Tara na" sabi ni jeonghan
kaya naman nag simula na kaming umalis ng room at pumunta sa canteen. Habang nag lalakad kami itong hamster na to kung maka yapos kay yelo kala mo ahas at ito namang yelo na to walang reklamo tsk tsk kaya napailing na lang ako
"Oh nag seselos ka ba cheol~" nagulat ako sa sinabi ni hannie
"Adik ka ba bat naman ako mag seselos!" Gigil na sabi ko at natawa sya
[Kahit kelan talaga tong lalaki na to napaka mema-_-]
"Nako nako kala mo ba diko na papansin na bumabait ka na sakanya at pinag tatagol mo na sya parang kelan lang pinag salitaan mo sya ng masasakit ah tapos kahapon todo alaga ka ah~" sabi pa nya kaya naman medyo tinulak ko sya
" Tumahimik ka nga dyan" irita kong sabi
Maya maya pa nakarating na kami sa canteen at pwesto na kami at syempre nag dagdag ng upuan
"Ice tabi tayo~"sabi ni hoshi
"Wag ice sakin ka tumabi"sabi pa ni dk
"Tumahimik ka dyan dk sakin tatabi si ice"sabi pa ni mingyu
"Teka ako nauna "sabi ni hoshi
"Wala akong pake hyung"sagot pa ni mingyu
"Aba aba mas matanda ako sayo ah"sabi pa ni hoshi
Habang nag tatalo sila tinawag siya ni hao
"Ice dito ka na hayaan mo silang mag away diyan" sabi ni hao at sumunod naman si yelo at samin sya tumabi bali dalawang table ang gamit namin sa unang table sila:
Mingyu-dk-hoshi-seungkwan-dino-jun
Then sa pangalawang table:
Ako-hannie-shua-wonu-woozi-hao-vernon-yelo
"Ako na bibili ng lunch natin"sabi ni vernon
"Samahan na kita"sabi pa ni shua nakita ko naman na patayo na rin si yelo
"Ice saan ka pupunta"tanong ni wonu
"Ah sasama ako sakanila para makabili din ako ng lunch ko"sabi ni yelo
"Ano ka ba ice sila na ang bibili no need ng sumama ka" natawang sabi ni hannie
"Ay ganun ba sige ah vernon eto oh" sabi nya at inaabot kay vernon yung pera
"Ah noona no need na kasi shoulder nanamin to ni shua hyung"paliwanag sakanya ni vernon
"Sige na vernon bumili na kayo"sabi naman ni woozi
"Sure ba kayo na ililibre nyo ko ng lunch?"tanong naman ni yelo
[Tsk tsk na trauma ba sya sakin o ganto talaga ugali nya na ayaw nyang iparamdam na pabigat sya kahit hindi naman]
"Ano ka ba ice syempre libre lang yun kaya wag mo ng aalalahanin yun"malumanay na sabi ni hao
Napailing na lang ako kasi ibang klase talaga tong babae na to
"Oo nga pala ice nabanggit nila hao na wala ka daw kaibigan noon pa? Bakit?" Tanong naman ni hannie
"Ah ano kasi... Hmmm hindi ko rin alam eh basta alam ko lang nilalayuan nila ako na para bang invisible ako kung napansin nyo kanina nung dumating kayo wala akong katabi kahit isa mas gugustuhin nilang makisiksik kesa makatabi ako" sabi niya at pilit na ngumit
"aaminin ko na may pag ka introvert ako pero open naman ako kung may lalapit sakit at may makikipag kaibigan"sabi pa nito napansin ko na lahat sila nalungkot sa kwento nitong si yelo
[Ok aaminin ko medyo na guilty ako sa inasal ko sakanya before]
"Atleast ngayon may kaibigan ka na at syempre kami yun" masayang sabi ni hannie kaya naman ngumiti si yelo
"kami sure na kaibigan mo pero yung isa dyan mukhang gustong maging enemy mo na lang" pag paparinig ni hannie kaya naman tiningnan ko ng masama si hannie kaya naman nasitawanan sila kwera si yelo na nakangiti lang
"Ano hyung aawayin mo lang ba ng aawayin si ice" sabi pa ni wonu at lahat sila nakatingin
"Wag nyo asarin si seungcheol" pag aawat ni yelo kaya naman sakanya naman tumingin ng nakakaloko yung mga tukmol. Para hindi na humaba nag salita na ako
"Arasseo feel free to join our family" sabi ko at uminom ng tubig
"F-Family?.." nauutal pang sabi ni yelo
"Uhmm family kasi ang turingan namin sa isat isa kaya welcome to our family~" masayang sabi ni hannie at nakita ko naman ngumiti si yelo at mangiyak ngiyak
[Nagiging emotional ba sya dahil lang sa natanggap ko na sya psh ang babaw naman]
HOPE YOU LIKE IT ♥
Like Comment