1
Trina
Trina
*toooot *toooot *toooot
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Medyo masakit yung likod ko, nang matingnan ko na yung kabuuan ko, nalaman ko na kung bakit sumakit yung likod ko. Nakatulog nanaman pala ako sa mesa, kakaaral. Kailangan ko talaga kasing mag-aral ngayon dahil next week na yung examination namin. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo dahil may pasok pa ako.
"Morning Tri!" Bati ni Ate Mayi. Yung kasama ko dito sa kwarto. "Ako na pala ang nagluto ng agahan para sa ating dalawa dahil alam kong pagod kana kaka-aral kagabi pa."
"Salamat po ate ha. Hindi ko nga alam na nakatulog na pala ako sa mesa kaka-aral. Hindi ko nga rin alam kung ilang oras lang ba akong nakapag-aral, o kung na orasan pa ba ako."
"Eh kamusta naman pala ang trabaho mo?"
"Yun na nga ate, sobrang kinakabahan ako ngayon sa trabaho ko. Dahil unti-unting nambabawas ng empleyado yung boss ko. Ewan ko ba eh, iilan na nga lang kami sa trabaho binabawasan pa nila. Kailangan na kailangan ko pa naman ngayon ng pera dahil marami-rami na rin yung mga bayarin."
"Eh kung ganon, alam mo namang andito lang ako eh. Pwedeng-pwede kang humiram sa akin. Anytime!" Hay nako, eto nanaman si Ate. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil ang dami-dami ko ng utang sa kanya tsaka hindi ko pa nababayaran.
"Hindi ko pa nga po nababayaran yung huling utang ko sa inyo Ate eh. Nahihiya na po ako kaya wag na po." Sabay yuko ko. Tuwing kailangan ko ng pera si Ate Mayi palagi ang sumasalo sa akin. Ewan, pero nakakahiya na.
"Aba! Sa tinagal-tagal ba naman nating magkasama dito, ngayon kapa nahiya. Itinuring na kaya kitang kapatid, kaya hinding-hindi ko pababayaan yung kapatid ko no."
"Ate.."
"And besides, kaya naman kita pinapahiram dahil alam kong hahanap ka ng paraan para mabayaran ako. Alam kong mapagkakatiwalaan kita. Basta promise me na kapag naging isang propesyunal na architect kana, hinding-hindi mo ako kakalimutan ha." At tumawa nalang kaming dalawa. Ano pa bang magagawa ko? Wala na akong pwede pang masabi dahil hindi naman magpapatalo si Ate Mayi pagdating dito.
"Oh sige, bago pa tayo magka-iyakan kumain na tayo at baka malate pa tayo sa school."
***
"Ingat ka Ate, mauna na ako." Pamamaalam ko kay Ate bago naglakad.
"Oh sige, ikaw rin! Bye!" Naghihintay parin siya ng jeep na masasakyan. Sabi ko sa kanya na hintayin ko muna siyang makasakay bago umalis pero hindi na raw kailangan, kaya naglakad na lang ako.
Yes. Magkaiba kami ng school ni Ate Mayi. Siya ay pumapasok sa isang private university habang ako naman ay sa isang public high school. Suportado kasi siya ng mga magulang niya, emotionally, physically, at financially. Habang ako, eto wala na ngang pamilya na kapiling parang pinabayaan pa. Hindi naman ako galit sa ama ko, dahil hindi ko naman siya masisisi kung nagsawa na siya sa amin ni mama kaya iniwan niya kami, pero sana naman wag niyang kalimutan na may nauna pa siyang anak na wala ng kasama ngayon.
Yes! I'm a product of a broken family. Actually there's nothing wrong about it. Yung mali lang ay bakit parang kinalimutan na niya ako. Kung hindi ako tumatawag sa kaniya baka nakalimutan niya na ako, masakit lang sa part ko syempre dahil walong taong gulang palang ako nang iwan nila ako ni mama. Si papa may bagong pamilya na, si mama naman hindi ko alam kung saang parte ng mundo naroon siya.
Mabuti na nga lang at nang maghiwalay sila ay andyan si lola--nanay ng ina ko para alagaan ako. Dati ay nagtitinda pa kami ni lola sa palengke kaya medyo marami na rin akong kilala sa palengke kaya minsan ay may discount ako kapag bumibili ako doon. Ni minsan ay hindi ipinaramdam sa akin ni lola na nagmula ako sa nasirang pamilya. She stood both as my mother and father, at walang pag-aalinlangan yon. Kaya lang muling nasira yung mundo ko nang bawian ng buhay si lola. Naiwan na naman akong mag-isa at walang pamilya. Walang karamay sa mga problemang pinagdaraanan ko. Sobrang sakit, pero naisip kong kapag nandito si lola ay hindi siya papayag na malugmok ako ng ganito. Marami pa siyang pangarap sa akin, lalo na ang makapag-aral ako sa isang maganda at magarang paaralan.
Ginamit ko yung ipon ni lola para sa akin para makahanap ng bahay na mare-rentahan at naghanap na rin ako ng trabaho para masustentuhan yung sarili ko. At napakaswerte ko nga naman talaga dahil si Ate Mayi ang nakasama ko sa bahay. Itinuring ko siyang parang tunay na Ate. Hindi siya nandiri sa akin lalo pa at galing siya sa pamilyang may pera habang ako ay wala namang maibubuga. Napakasimple niya at sobrang down to earth. 'Yan nga lang minsan ay may pagkabata pero ayos lang naman 'yon dahil nakakatuwa naman siya.
Yung nahanap ko namang trabaho ay malapit lang sa bahay at ganon din ang school ko. Kaya nga nilalakad ko na lang araw-araw para iwas gastos lalo pa at sobrang dami ng bayarin ngayon. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa school. Dumiretso na rin ako classroom namin para sa first period. Nang makapasok ako ay syempre walang bago, marami pa ring late. Mag a-alas otso na pero ko-konti pa lamang yung mga kaklase kong andito.
Pumunta na ako sa upuan ko at inilabas ko na lang ang notebook ko sa science at nag-aral dahil magkakaroon kami ng pagsusulit sa susunod na dalawang araw.
Tumunog na rin yung bell hudyat na alas otso na, atsaka pumasok na rin yung guro namin sa english, si Ms. Lily na adviser namin.
"Good morning class." Bati ni maam.
"Goooooddd mooooooorniiinggg Ms. Lilyyyy." Mabagal na bati ng mga kaklase ko.
"So where are the others? Bakit ang konti niyo? Well nevermind, I have an important announcement to make. Kayo na ang bahala mag relay nito sa kanila sa mga gc ninyo ok. President you're in charge with this."
"Yes maam." Sabay tango naman ng presidente ng klase namin.
"So going back, dahil nga malapit na ang 3rd grading exam niyo at everybody knows that during the 3rd and 4th grading exams, all grade 10 students here will be having special activities where in 30 percent of your exam will be coming from the said activity." Ah oo nga, naalala kong nakwento sa akin 'to ni lola noon, dahil nga alumni siya dito.
"So for this year's activity, we will be visiting a place called Green Lake. And of course you would be doing some activities there. And remember to stay focused and don't forget the things you will be doing there kasi nga kakailanganin niyo iyan sa exam niyo." Hindi naman siguro yan malilimutan agad lalo na kapag mae-enjoy mo diba?
"So ang byahe ay more or less 3 hours kung kaya dapat bukas ng 4am ay nandito na kayo," nagulat naman kaming lahat dahil bukas na pala. "Yes bukas na. Medyo urgent kasi nga ngayon lang naging free ang greenlake, at we'll take this opportunity na medyo maliit lang yung sinisingil nila sa atin lalo pa at close friend din naman ng principal natin ang may ari ng greenlake. At yung mga makakasama ninyo bukas na naka schedule din sa buong umaga ay mula syempre sa inyo hanggang section 5. The activity will run from 7-12 am. The location will be providing the transportation and lunch. But you will be paying 100 pesos for the entrance fee. So any questions?"
! 100?! Mag s-swimming ba tayo sa isang resort?! Saan naman ako kukuha niyan eh singkwenta na lang yung pera ko dito eh. Kakasweldo ko pa lang kasi tapos naubos nayon sa lahat nga bayarin. Pati ipon ko ubos din. Ayoko namang umutang ulit kay ate dahil may pending pa akong utang sa kanya.
"Maam, may parents permit po yan?" tanong ni Lilian
"Ofcourse, ipamimigay ko mamayang hapon. Meron pa bang katanungan?" nang wala ng sumagot ay nakuha naman agad yon ni maam.
"Okay then, so lets continue our lesson......"
At hindi na ako nakapag focus dahil hindi ko talaga alam kung saan kukuha ng pambayad nakuuuuu! Wala na talaga akong choice kundi humingi kay papa. Siguro ay matutulungan niya naman ako diba? Kahit pagbaliktarin pa natin ang mundo ay anak pa rin naman niya ako diba?
***
Nang tumunog ang bell para sa lunch ay dali dali akong pumunta sa lugar na walang tao atsaka dinial ang number ni papa. Ring lang ng ring. Sana naman sagutin niya. Matapos ang tatlong ulit ko ay sinagot niya na rin.
"Hello Trina?" Miss na miss ko na talaga ang boses niya.
"Papa.."
"Napatawag ka? May problema ba?"
"A-ah wala naman po. Kamusta po kayo diyan?"
"Mabuti naman, eto birthday na bukas ng kapatid mong si bruno. Mag pi-pitong taon na. Mag papa-party pa nga." Si Bruno yung kapatid ko sa labas. Hindi ko pa yun nakikita pero cute daw yun, sabi ni papa nang minsang magkausap kami. Gustong gusto ko namang magka-kapatid eh, pero hindi sana sa ganitong paraan.
"Happy birthday sa kanya, pakisabi nalang po."
"Oh, eh napatawag ka nga?"
"Kasi po may a-ano, may babayaran kami para sa activity namin bukas pa." narinig ko naman ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Hindi ba pwedeng wag ka na lang sumali dyan? Marami kasing gastusin dahil na rin mag pa-party nga ang kapatid mo." Nasapo ko na lang ang dibdib dahil sa sakit. Sobrang sakit ng mga naririnig ko. Parang wala naman akong halaga kung ganon.
"Papa, mahalaga kasi to. Ang mga gagawin sa activity bukas ay lalabas sa exam namin. Alam mo naman na graduating ako diba? Kailangan kong maipasa yung mga marka ko pa."
"Edi magta-tanong ka sa mga kaklase mong pupunta." Mahinang salita ni papa, alam kong galit na siya pero nagtitimpi lang siya. Alam na alam ko yung tono niyang ganto.
"Pandaraya naman po yun pa. Atsaka mahuhuli talaga ako nun. Baka kung ano pang mangyari."
"Magkano ba?"
"100 po."
"100 lang naman pala eh! Edi sana nanghiram ka na lang dyan!" nagulat naman ako dahil sa sigaw ni papa. Sa buong buhay ko ay ngayon niya lang ako sinigawan.
"Hindi lang p-po kasi yun. May babayaran pa po akong project sa Tle namin pa."
"Magkano nanaman yon?"
"..150 po"
"Tang ina! Akala ko ba sa public school ka nag aaral?! At may trabaho ka diba?! Hindi ka ba nag iipon?! Nagpapabaya ka na dyan ata eh. Ano? Umaasa ka nalang sa ipapadala ko sayo? Ba't naman ang lalaki ng bayarin mo?! Baka naman pinangla-lakwatsa mo tong bata ka ha! Naku makakatikim ka talaga sa akin kapag nalaman kong ganto ang ginagawa mo dyan! Bwiset!" Hindi ako makahinga. Ang bigat ng paghinga ko. P-paghinalaan ba naman ako ng ganto ni papa. Nag-aaral ako ng mabuti, at hindi ko na kayang maglakwatsa dahil buong araw akong may ginagawa.
"W-wala na po akong ipon kasi po ang dami ko pong binabayaran, at m-may binabayaran pa po akong renta pa. Hindi...hindi ko na po kayang maglakwatsa pa dahil buong araw akong nasa paaralan at buong magdamag naman akong nagta-trabaho pa." Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Yan kase mukha kang pera! Magkatulad kayo ng nanay mong mga pera lang ang nasa utak. Kaya siguro mabilis kang maubusan kasi kung ano anong luho ang pinamimili mo! Bwiset ka! Ha?----ah wala anak. Hindi, wala akong kaaway. Si ano lang to, si ate Trina mo. Binabati ka ng happy birthday daw! Ah, haha sige maglaro ka na diyan..." Napasinghot nalang ako, pero pinipilit kong hinaan para hindi marinig ni papa na umiiyak ako at walang makapansin dahil nandito parin ako sa school.
"Hoy ikaw Trina! Itong tatandaan mo ha, ayaw na ayaw kong niloloko ako. Sa oras na malaman kong gumagawa ka ng mga kagagahan dyan patay ka saking bata ka! Hintayin mo ang text ko at maghahanap ako ng mahihiraman. Peste!"
"T-thank y--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binaba na ni papa yung telepono niya. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. Gusto ko lang iiyak lahat ng ito. Kaya agad naman akong tumakbo papunta sa lugar na ako lamang ang pumupunta.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, nag-iingat din ako na walang may mabangga lalo pa at nakayuko ako. Para na rin hindi na nila makita yung mukha ko dahil kanina pa ako umiiyak. Sigurado akong mugtong mugto na tong mga mata ko.
Nang makarating ako sa likod ng school yung madalas pagtambakan ng mga sirang bagay---ang lugar na madalas kong pagtambayan bukod sa library. Umupo agad ako sa malaking kahoy sa ilalim ng isang di kalakihang puno at agad na umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Nakakainis naman kasi ang bilis kong umiyak. "Iyakin kasi eh, yan tuloy napagalitan lang iyak ng iyak agad!"
Pero maiiyak ka naman siguro talaga kung ganon yung sabihin sayo diba? Lalo pa at ngayon lang ako sinigawan at minura ng ganon ni papa sa tanang buhay ko. May nagawa ba akong masama? Walang kwentang anak ba ako? Bakit ganyan ang trato sa akin ni papa? Hindi naman pera yung gusto ko sa kanya eh. Yung gusto ko lang naman ay sana iparamdam niya sa akin ang kalinga na hinahanap hanap ko. Ang pagmamahal na binibigay niya sa ibang mga anak niya, sana ay ibigay niya rin sa akin.
"May nagawa ba a-akong kasalanan sayo dati pa? Bakit n-naman ganto ang trato mo sa akin? D-diba sabi m-mo sakin dati na...na k-kapag may umaway o nagpaiyak s-sakin ay isumbong ko sayo? Kapag may nanakit sa akin ay isumbong ko sayo? Diba s-sabi, sabi mo i-ikaw ang superhero ko p-pa? Eh ngayon pa, p-pano pa ako...."
ako sa pagsasalita at huminga ng malalim dahil hindi ko na kayang magsalita lalo pa't pakiramdam ko ay nawawalan ako ng hangin. Pero pinilit ko pa ring tapusin yon.
"Pano na ngayon pa? K-kanino na ako magsusumbong? Da-dahil ikaw na mismo..."
"...ikaw na mismo ang nanakit sa akin?"
*//*