CHAPTER 3

2524 Words
CHAPTER 3 Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya tungkol sa background check. Pakiramdam ko, wala na akong tinatagong sikreto sa lalaking ito. Hubad na ang buong pagkatao ko sa harap niya habang siya, nananatiling isang malaking misteryo sa akin. Bakit nga ba niya ako kinamumuhian? Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin ng kotse. Pinakiramdaman ko ang buhay ko. Maayos naman ang pamilya namin, pero sa paningin ng isang Salvatore, baka hindi pa rin iyon sapat. Well... baka dahil ayaw niya sa akin ay iyon ay anak ako sa labas. Iyon lang naman ang tanging butas sa buhay ko na pwede niyang gamitin laban sa akin. “Ganoon ba ‘yon? Kapag anak ka sa labas? Hindi ka na pwede magmahal?” bulong ko, halos hindi ko na namalayan na nasabi ko pala iyon nang malakas. Hindi sumagot si Desmond. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng makina ng sasakyan at ang t***k ng puso ko na hindi kumakalma. Maya-maya, natigilan ako nang mamukhaan ko ang isang pamilyar na stall sa gilid ng daan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang logo ng paborito kong milktea shop. Halos gabi-gabi kaming umiinom ni Dominic nito kapag hinahatid niya ako. Bigla kong naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko, hindi dahil sa uhaw, kundi dahil sa pangungulila sa comfort na binibigay ni Dominic sa akin. "You're staring at that shop like it's your lifeline," biglang basag ni Desmond sa katahimikan. Napalingon ako sa kaniya, gulat na napansin pala niya ang tinitingnan ko. "Paborito ko 'yan. Iyan ang laging binibili sa akin ni Dominic." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang itinabi ang sasakyan sa tapat mismo ng shop. Akala ko ay may kakausapin lang siyang tauhan o may kukunin, pero laking gulat ko nang patayin niya ang makina. "Stay here," maikli at malamig niyang utos bago siya lumabas ng sasakyan. Naiwan akong tulala sa loob. Pinanood ko siyang maglakad papasok ng shop. Ang kaniyang bawat hakbang ay puno ng awtoridad, kahit sa simpleng milktea shop ay mukha pa rin siyang hari na nagmamay-ari ng buong paligid. After a few minutes, bumalik siya na may dalang isang cup. Binuksan niya ang pinto at padaskol na inabot sa akin ang inumin. "Drink it. I don't need you fainting in my car from your dramatic thoughts," he said, his voice as cold as the ice in the cup. Napatitig ako sa milktea na hawak ko. "Salamat, pero... bakit mo 'to ginagawa? Akala ko ba ayaw mo sa akin?" Desmond gripped the steering wheel, his knuckles turning white. He didn't look at me, but I could feel the intensity of his presence. "Do not mistake a simple gesture for kindness, Mariel. I just prefer my assets focused and hydrated. Now, give me the exact directions to your house before I decide to take you somewhere else." Napairap ako nang wala sa oras. Grabe, ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking ito. Tumaray ako at hinarap siya nang buong tapang, kahit pa ang totoo ay nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. “Exact directions? Bakit kailangan ko pang sabihin? Hindi ba ‘yan nakita sa pagpapa-private investigator mo sa akin?” asik ko sa kaniya, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko sa likod ng pagtataray. Sabay tingin ko sa kaniya at pagkatapos ay sa hawak ko na milktea. Unti-unti akong kinabahan nang mapagtanto ko ang hawak ko. My heart skipped a beat when I saw the label on the cup. Dark Chocolate Cocoa, no pearls, with cream cheese and cheesecake. And the sugar level? Twenty-five percent. Sakto. Walang labis, walang kulang. He even knows my favorite drink! My exact order! Nanggigil agad ako sa naisip ko. This man! Hindi lang pala address ko ang alam niya, pati ba naman ang kaliit-liitang detalye ng panlasa ko, kinuha rin niya? “How… how did you even know my order? Kasama rin ba ‘yan sa report na binayaran mo?” gigil kong tanong habang mahigpit na hawak ang cup. “Ano pa ang alam mo? My blood type? The brand of my shampoo? O pati kung ilang beses ako kumukurap sa isang minuto, binibilang mo rin?” Desmond didn't even flinch. He slowly gripped the steering wheel, his knuckles turning white, but his face remained a mask of pure indifference. He didn't look at me, but the air inside the car felt like it was thickening, making it harder for me to breathe. "You should be flattered that I pay such close attention to detail, Mariel," he said, his voice deep and smooth, like a blade wrapped in velvet. "Information is power. And in my world, I never go into any situation unarmed." "Armed? So, weapon ako sa tingin mo? Isang bala na gagamitin mo laban kay Dominic?" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Bakit ba ang hilig mong makialam sa buhay na hindi naman sa 'yo? Is it because you're bored? O sadyang wala ka lang talagang puso kaya gusto mong sirain ang sa iba?" He finally turned his head. His eyes, cold and sharp as shards of glass, locked onto mine. For a second, I wanted to look away, but I forced myself to stare back. "Do not overestimate your importance," he countered, his tone turning dangerously low. "I don't 'hate' you because you're an illegitimate child. I find you inconvenient because you are a distraction. My brother is weak when it comes to you, and weakness is something the Salvatore family cannot afford." "Weak? Ang tawag doon ay pagmamahal, Desmond! Isang bagay na mukhang hindi mo kailanman maiintindihan!" Doon ko nakita ang bahagyang paggalaw ng panga niya. Parang may kung anong dilim na mas lalong lumalim sa mga mata niya. "Love is just a chemical reaction that forces people to make stupid decisions," he hissed, leaning slightly closer until I could smell the intoxicating mix of his cologne and the cold night air. "And you, Mariel, are the biggest 'stupid decision' he has ever made. If I have to dissect your entire existence to ensure you don't ruin him, then so be it." "You're a monster," bulong ko, ramdam ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero pinigilan ko itong pumatak. "You treat people like they’re just pieces on a chessboard." "Then you should be careful how you move, little girl," he replied, turning his gaze back to the road and finally starting the engine. "Because in this game, I’m the one who decides who gets to stay on the board... and who gets discarded." Pinaharurot niya ang sasakyan nang ganoon na lang, leaving me breathless and fuming in the passenger seat. Hindi ko na ininom ang milktea. Nawalan na ako ng gana. Kahit gaano pa katamis ang paborito kong inumin, wala itong sinabi sa pait na nararamdaman ko habang katabi ang lalaking ito. Nakarating kami sa tapat ng bahay namin nang walang imikan. Paghinto ng sasakyan, hindi ko mapigilang mapairap sa isip ko. Tignan mo! Alam naman niya pala ang daan, may pa-tanong-tanong pa siya kanina kung ano ang exact directions. Ano 'yon? Para hindi mahuli ang tumbong niya na stalker siya? O para isipin ko na hindi niya talaga ako masiyadong pinag-aaralan? Mabilis akong bumaba ng sasakyan, halos hindi na lumingon sa kaniya. Pagpasok ko sa gate, nakita ko agad sina Mommy at Daddy na naghihintay sa veranda. Mukhang kanina pa sila abalang nakatingin sa labas, nag-aabang sa pag-uwi ko. "Mariel! Anak, nandiyan ka na pala," bungad ni Mommy habang mabilis na lumalapit sa akin. "Salamat naman at nakauwi ka na bago mag-curfew," dagdag ni Daddy, pero napansin ko ang pagkunot ng noo nila nang itingin nila ang paningin sa likuran ko. Inakala nilang si Dominic ang lalabas ng sasakyan. Sanay na sila na ang puting sedan ni Dominic ang humihinto sa tapat ng bahay namin, pero iba ang nakita nila ngayon. Isang itim na SUV na sumisigaw ng kapangyarihan at karangyaan ang nakaparada roon. Nang bumukas ang pinto ng driver’s seat at lumabas si Desmond, parang tumigil ang mundo sa paligid namin. His presence was so overwhelming even from a distance. He adjusted his suit jacket, looking every bit like the billionaire mogul that he is, bago siya naglakad nang bahagya palapit sa amin. Tiningnan ako nina Mommy at Daddy na parang may malaking pagtataka. Ang mga tingin nila ay palipat-lipat sa akin at kay Desmond, tila nagtatanong kung nasaan si Dominic at bakit ang panganay na Salvatore ang kasama ko. "Good evening," Desmond said, his voice deep and perfectly modulated, cutting through the awkward silence of the night. "Nasaan si Dominic, anak? At... ang kapatid niya ba 'yan?" mahinang tanong ni Mommy sa akin, halatang nailang sa lamig ng awra ni Desmond. Hindi ko alam kung paano sasabihin na nilalagnat ang boyfriend ko kaya ang "halimaw" na ito ang naghatid sa akin. Tumingin ako kay Desmond, at sa isang saglit, nagtagpo ang mga mata namin. May laro sa mga mata niya, isang nakakaasar na ngiti na tila sinasabing hawak niya ang sitwasyon. "Dominic is unwell," Desmond explained, stepping forward to offer a polite but stiff nod to my parents. "I took the liberty of driving her home to ensure she arrived safely." "I see... Maraming salamat, Mr. Salvatore," sagot ni Daddy, bagaman bakas pa rin ang pag-aalinlangan sa boses niya. "It was no trouble at all. I make it a point to personally oversee things that belong to my family," Desmond added, his eyes flickering toward me for a split second. Gigil na naman ako. Things that belong to his family? Ano ako, property? Bago pa ako makapagsalita at makipagtalo sa kaniya sa harap ng mga magulang ko, tumalikod na siya. "I'll take my leave now. Get some rest, Mariel. You look like you've had a very long day," he said with a final, chilling look before getting back into his car. Naiwan kaming tatlo roon habang pinapanood ang pag-alis niya. Ramdam ko ang titig nina Mommy sa akin. Alam kong mamaya lang, sandamakmak na tanong na naman ang kailangan kong sagutin. Bago pa man makapasok si Desmond sa sasakyan niya, narinig ko ang seryosong boses ni Daddy na bumasag sa katahimikan ng gabi. “Accompany me, young man. Drink with me,” paanyaya ni Daddy. Hindi iyon pakiusap tunog utos iyon ng isang padre de pamilya na gustong kilalanin kung sino ba talaga ang naghatid sa anak niya. “Dad…” tawag ko sa kaniya, sinusubukang pigilan ang mangyayari dahil alam kong gulo lang ito, pero hindi man lang ako nilingon ni Daddy. Ang atensyon niya ay nakapako lang kay Desmond. Bahagyang huminto si Desmond at dahan-dahang humarap sa amin. Isang tipid at mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, 'yung klase ng ngiti na alam mong nage-enjoy siya sa tensyon. “Perhaps, hard drinks, Sir?” tanong ni Desmond, ang boses niya ay kalmado pero puno ng hamon. “Wise choice…” sagot ni Daddy sabay senyas sa pinto ng bahay. Dumaan sa harap ko si Desmond, at bago pa siya tuluyang makalagpas, binigyan niya ako ng isang sulyap na parang nananalo sa isang laro. Ngiting-ngiti ang demonyo. Sa sobrang panggigil ko, umamba akong sasapakin siya sa likod nang biglang hawakan ni Mommy ang kamay ko. “Mariel… hindi maganda ’yan,” pabulong na suway ni Mommy, ang higpit ng hawak niya sa braso ko. “Ma, hindi na ako bata para pagsabihan,” mariin kong tugon habang binabawi ang kamay ko. Hindi ko hahayaan na silang dalawa lang ang mag-usap sa loob. Alam ko kung paano maglaro si Desmond, at siguradong may balak siyang hindi maganda. Mabilis akong sumunod sa loob ng bahay, ramdam ko ang bawat yabag ng sapatos ko sa sahig na tila ba hudyat ng isang giyera na wala pang kasiguraduhan kung sino ang mananalo. Pagpasok ko sa living room, nakita ko na silang nakaupo. Inilabas ni Daddy ang paborito niyang alak, habang si Desmond, prenteng nakasandal sa sofa na parang siya ang may-ari ng bahay na ito. "So, Desmond," panimula ni Daddy habang nagsasalin ng alak. "Tell me, what is your real intention with my daughter? Because I know Dominic, and you... you are a different breed of Salvatore." Desmond took the glass, swirling the amber liquid inside before looking straight into my father's eyes. "I believe in transparency, Sir. I am here because I take care of what I consider valuable. Whether it's for my brother... or for myself." Halos mapatalon ang puso ko sa sinabi niya. Lumingon siya sa akin, at ang tingin na iyon ay sapat na para malaman kong nagsisimula pa lang ang tunay na bangungot ko. “Can I be frank? I like you more than your younger brother,” seryosong sabi ni Daddy habang diretsong nakatingin kay Desmond. Halos hindi ako makahinga. Si Dominic na laging nandiyan para sa akin, si Dominic na sobrang bait at marespeto, bakit biglang mas paborito na ni Daddy ang lalaking ito? “Dad!” sigaw ko, hindi na nakapagpigil. “What are you saying? Si Dominic ang boyfriend ko!” Natawa lamang si Desmond. Hindi 'yung tawang mapang-asar, kundi isang maikli at baritonong tawa na puno ng kumpiyansa. Ininom niya ang alak na parang tubig lang, walang bakas ng pagkailang kahit kaharap ang tatay ko. “You have guts to drink with me. I know my daughter is safe with you,” dagdag pa ni Daddy, sabay tapik sa balikat ni Desmond. Gusto kong magprotesta, gusto kong sabihin kay Daddy na ang "safety" na iniisip niya ay kabaligtaran ng nararamdaman ko. Hindi niya alam ang mga tingin ni Desmond sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam ang background check at ang mga banta nito kanina. Desmond set his glass down on the table with a firm click. He leaned back, his eyes flickering toward me with a dark, triumphant glint before returning his gaze to my father. "I appreciate your candor, Sir," Desmond said, his voice smooth and authoritative. "Safety is a matter of perspective. But rest assured, I don't let anything I keep an eye on slip through my fingers. When I take responsibility for something... or someone... I make sure they stay exactly where they need to be." Tumingin siya sa akin nang diretso, at sa puntong iyon, alam kong hindi lang ito tungkol sa paghatid sa akin. "Your daughter is in very capable hands," he added, his English sounding so cold yet so formal. "Dominic is young and... idealistic. I, on the other hand, prefer to deal with reality. And the reality is, I always get what I want." "That’s what I like to hear," Daddy laughed, na tila ba proud na proud sa narinig niya. "Another glass?" "With pleasure," sagot ni Desmond. Napatayo ako sa inis. "I'm going upstairs! Mag-inuman kayo hanggang gusto niyo!" Padabog akong naglakad paakyat ng hagdan, pero ramdam ko pa rin ang titig ni Desmond sa likuran ko. Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto, narinig ko pa ang huling hirit niya sa baba. "Goodnight, Mariel. Sleep well. We wouldn't want you looking tired for our next... encounter."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD