CHAPTER 4
Mabilis kong kinuha ang phone ko at nag-type. Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa rin ang mga daliri ko sa galit at kaba.
"Babe, nandito na ako sa loob ng kwarto ko. Thank you sa pagpapahatid... kahit kay Desmond pa," mensahe ko kay Dominic.
Napahinto ako at napatitig sa screen. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo. Gusto kong isumbat na ang sarili kong ama, parang mas bilib pa sa kuya niya kaysa sa kaniya. "Alam mo ba, mas gusto ni Daddy si Desmond para sa akin," pagpapatuloy ko sa pag-type.
Pero agad ko ring binura ang huling sinabi ko. Paano ko sasabihin iyon sa kaniya? Nilalagnat na nga ang tao, dadagdagan ko pa ba ang iniisip niya? Dominic is too good for this mess, and I don't want to hurt his feelings.
Saka ko binato ang phone ko sa kama sa sobrang inis nang maisip ko ang mukha ni Desmond na nakangisi habang kausap si Daddy. This man is a professional manipulator. Alam niya kung paano kunin ang loob ng mga tao sa paligid ko habang ako naman ay unti-unti niyang sinasakal.
Napahiga ako at tumingin sa kisame, nakikinig sa mahinang tawanan na nagmumula sa baba. Bawat tawa ni Desmond ay parang isang kuko na kumakalmot sa sistema ko.
Hindi ko mapigilang mapaisip... hanggang saan kaya ang kayang gawin ng isang Desmond Salvatore para makuha ang gusto niya?
"Hindi pwede... hindi ako papayag na sirain mo kami ni Dominic," bulong ko sa dilim, kahit na sa loob-loob ko, alam kong nagsisimula na siyang manalo.
Mabilis lang akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pambahay. Isang terno na sando at shorts na kulay pink at red na may prints ng cherry ang isinuot ko. Inipit ko rin ang buhok ko gamit ang claw clip para presko, saka ako sumulyap sa bintana para tingnan kung wala na ang sasakyan ni Desmond.
Pero laking gulat ko nang makitang nandoon pa rin ang itim na sasakyan sa labas. Anong oras na, ah?
Bumaba ako at dumeretso sa wine bar ni Daddy. Naabutan ko silang dalawa na seryosong nag-uusap habang may hawak na baso ng alak. Mukhang komportable na talaga silang dalawa, na parang matagal na silang magkakilala.
“You still here? Paano uuwi 'yan, Dad, kung nakainom?” matapang kong tanong habang nakataas ang isang kilay.
Lumingon si Daddy sa akin, tila hindi nagustuhan ang tono ko. “Who says he will go home?” balik na tanong ni Daddy na ikinalaki ng mga mata ko.
The hell?
Anong ibig niyang sabihin? Dito matutulog ang lalaking ito?
Ngumiti naman si Desmond sa akin, 'yung tipong nang-aasar talaga at alam niyang naiinis ako. Ininom niya ang huling patak ng alak sa baso niya bago siya tumayo at dahan-dahang lumapit sa direksyon ko.
"Your father was kind enough to offer me the guest room, Mariel. It’s too dangerous to drive in this state, don't you think?" sabi ni Desmond, ang boses niya ay malalim at puno ng panunukso.
"Dangerous? O baka naman plano mo talaga 'to?" bulong ko sa kaniya nang makalagpas siya sa paningin ni Daddy.
Tumigil siya sa tapat ko, sapat na para maamoy ko ang hinalong bango ng alak at ng mamahalin niyang pabango. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang suot kong cherry-print na pambahay.
"I don't need to plan for things that fall naturally into my lap," he whispered back, his English sounding so smooth it made my skin crawl. "But I must say, pink suits you. It makes you look... innocent. Even if we both know you're not."
Nanggigil ako sa sinabi niya pero bago pa ako makasagot, hinarap na niya ulit si Daddy na parang isang perpektong ginoo. "Thank you for the hospitality, Sir. I’ll see you at breakfast."
Hindi ako makapaniwala. Isang bahay lang kami ng lalaking ito ngayong gabi? Paano ko magagawang makatulog kung alam kong nasa kabilang kwarto lang ang taong gustong sumira sa buhay ko?
“Mariel, alalayan mo si Desmond sa guest room sa tabi ng room mo.”
Halos malaglag ang panga ko sa utos ni Daddy. Ano raw? Sa tabi pa talaga ng kwarto ko?
“Why me? Where are the maids?” angal ko, sinusubukang humanap ng lusot para hindi ko na siya kailangang hawakan pa.
“Mariel!” Malakas na sigaw ni Daddy na nagpadiretso sa tayo ko. Fine, takot ako kay Daddy kapag ganiyan na ang boses niya. Wala na akong nagawa kundi lumapit kay Desmond at dahan-dahan siyang akayin.
Ang bigat niya! Pulang-pula na ang mukha niya at parang kaunti na lang ay mawawalan na siya ng malay dahil sa dami ng nainom nila ni Daddy.
Halos isandal na niya ang buong timbang niya sa akin, dahilan para mapakapit ako nang mahigpit sa bewang niya habang ang braso niya ay nakaakbay sa balikat ko.
“Kakainis! Kapag ikaw hindi umayos, ihuhulog talaga kita sa hagdan,” bulong ko sa kaniya habang hirap na hirap kaming humahakbang paakyat.
“Not nice...” mahina niyang sagot, ang boses ay paos at malapit na sa tenga ko.
“Talaga! Masama talaga ako!”
“That’s why I don’t like you for my brother... he’s too good for you,” he muttered, his English still sounding so sharp even when he was drunk.
Napatigil ako sa paglalakad. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko sa sinabi niya. Masyadong mabuti si Dominic para sa akin? Dahil ba anak ako sa labas? Dahil ba hindi ako perpekto? Bago pa ako makasagot, bigla siyang tumuro sa isang direksyon.
“Your room,” turo niya sa pintuan ng kwarto ko na madaanan namin.
Nanlaki ang mga mata ko. “Tapos? Ano pati blueprint ng bahay, alam mo?”
“Even the engineers, woman,” sagot niya sabay pikit ng mga mata, tila ba ipinapamukha sa akin na wala akong maitatago sa kaniya.
Napapikit na lang ako sa inis. Nilagpasan namin ang pinto ko at dinala ko na siya sa guest room sa katabi lang nito.
Nang makarating kami sa tapat ng kama, dahan-dahan ko siyang ihihiga sana pero dahil sa bigat niya at sa pagkawala ng balanse ko, nasama ako sa pagbagsak.
Napahiga ako sa ibabaw niya, ang mga palad ko ay nakadiin sa dibdib niya habang ang mukha namin ay ilang pulgada na lang ang agwat. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga na amoy alak pero may halong bango pa rin.
Tinitigan ko ang mga mata niya, balak ko sanang bumangon agad nang bigla niyang hawakan ang batok ko. Bago pa ako makakilos, naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa akin.
Nagulat ako. Nanigas ang buong katawan ko sa bilis ng pangyayari. Isang halik na hindi ko inaasahan, isang halik na parang kinuha ang lahat ng lakas ko para lumaban. Ang halik na dapat ay para kay Dominic, pero ngayon ay ninanakaw ng taong pinakamumuhian ko
Hindi na ako nakatulog pagbalik ko sa sarili kong kwarto. Pabaling-baling ako sa kama, pilit na ipinipikit ang mga mata ko pero ang pakiramdam ng labi ni Desmond sa akin ay parang nakatatak na sa balat ko.
Kinukuskos ko ang labi ko gamit ang likod ng palad ko, sinusubukang burahin ang alaala ng halik na iyon. Bakit niya ginawa 'yon? Dahil ba lasing siya? O dahil gusto niya lang talagang patunayan na kaya niyang kunin ang lahat ng sa kapatid niya?
Napatingin ako sa pader na naghihiwalay sa kwarto ko at sa guest room kung nasaan siya. Isang pader lang ang pagitan namin, pero pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng isang malaking bangin.
Paano ko haharapin si Dominic bukas? Paano ko titingnan ang boyfriend ko nang hindi naiisip na ang kuya niya... ang demonyong si Desmond Salvatore... ang kumuha ng unang halik na dapat ay sa kaniya lang?
"Bwisit ka talaga, Desmond," bulong ko sa dilim habang yakap-yakap ang unan ko.
Hindi lang niya ginugulo ang buhay ko, ginugulo niya rin pati ang sistema ko. Ang mas nakakatakot pa, sa kabila ng galit ko, may bahagi sa akin na hindi maipaliwanag ang bilis ng t***k ng puso ko. Isang t***k na hindi ko naramdaman kahit kanino... kahit kay Dominic.
Tumayo ako at uminom ng tubig, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang phone ko na nasa side table. Gusto kong mag-text kay Dominic, gusto kong humingi ng sorry kahit hindi ko naman ginusto ang nangyari. Pero ano ang sasabihin ko? Na ang kuya niya, hinalikan ako habang lasing?
Hindi ko kaya. Alam kong masisira ang magkapatid dahil sa akin, at iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari.
Hanggang sa mag-madaling araw, gising pa rin ako. Ang bawat kaluskos sa labas ng pinto ay nagpapatalon sa puso ko. Natatakot ako na baka bigla siyang pumasok dito, o baka managinip ako ng tungkol sa kaniya. Sa gabing ito, naramdaman ko na ang kalayaan ko ay unti-unti nang nawawala, at ang hawla na ginawa ni Desmond para sa akin ay tuluyan nang sumara.
Kinabukasan, halos hindi ako nakatulog nang maayos. Pagdilat pa lang ng mga mata ko, ang mukha na agad ni Desmond ang rumehistro sa isip ko at ang nangyari sa guest room kagabi. Nakakairita! Bakit ba kailangang siya pa ang huling maisip ko bago matulog at unang maalala paggising?
Pinilit kong bumangon at nag-ayos nang kaunti. Sinabihan ako ni Mommy na tawagin na raw si Desmond para sa breakfast dahil handa na ang mesa. Ayoko sanang gawin, pero wala akong choice kundi ang sumunod para hindi na humaba ang usapan.
Lumabas ako ng kwarto at huminto sa tapat ng pinto ng guest room. Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang kabog ng dibdib ko.
Ilang katok na ang ginawa ko.
Walang sumasagot.
“Hoy, Desmond! Breakfast na raw!” sigaw ko, pero nanatiling tahimik sa loob.
Inis na inis akong kumatok pa nang ilang beses, 'yung tipong parang gigibain ko na ang pinto sa lakas. "Desmond Salvatore! Gising na! Huwag mong sabihing kailangan mo pa ng red carpet para lang bumaba—"
Biglang bumukas ang pinto.
Napatigil ako sa pagsasalita at halos malaglag ang panga ko. Doon siya nakatayo sa harap ko, magulo ang buhok at halatang kagigising lang dahil kamot-kamot pa niya ang ulo niya.
Pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko.
Wala siyang damit.
Naka-boxers lang siya, revealing his well-sculpted chest and those abs na parang iginuhit ng kung sinong sikat na artist. Ang lapad ng balikat niya at ang bango pa rin niya kahit bagong gising. Ramdam ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko.
"Do you always make this much noise in the morning, Mariel?" tanong niya, ang boses niya ay sobrang paos at malalim, ramdam ko hanggang sa talampakan ko ang panginginig.
Agad akong nag-iwas ng tingin, pero huli na dahil nakita ko na ang lahat ng dapat makita. "Magdamit ka nga! Ang aga-aga, nambubulabog ka ng paningin!"
Narinig ko ang mahina niyang tawa, 'yung tawang nakakaasar na parang alam niyang apektado ako sa presensya niya.
"You were the one who kept pounding on my door like your waiting to see me naked," he countered, leaning against the doorframe, still shirtless and looking way too comfortable. "And besides... it's not like you haven't seen me before. Or have you forgotten what happened last night?"
Nilingon ko siya nang matalim.
"Walang nangyari kagabi! Lasing ka lang kaya kung ano-anong ginagawa mo!"
"Is that so?" He stepped a bit closer, making me instinctively take a step back. "Because I remember every single detail. Including how soft your lips felt."
"Manahimik ka! Magbihis ka na at bumaba ka na roon! Naghihintay sina Mommy!" sigaw ko bago ako mabilis na tumalikod at naglakad palayo.
Rinig ko pa rin ang tawa niya habang pababa ako ng hagdan. My heart was racing so fast, and I hated him for it. This was going to be a very long breakfast.
Napatakbo ako pababa ng hagdan habang halos sumabog ang dibdib ko sa kaba at inis. He knows! Akala ko dahil lasing siya ay makakalimutan niya 'yung nakawalang halik na 'yon, pero hinding-hindi talaga ako tatantanan ng demonyong 'yon!
"Kupal talaga! Napakakupal!" bulong ko sa sarili ko habang nanggigigil na humahawak sa dulo ng mesa sa dining area.
Paano kung sabihin niya kay Dominic? No! Baka masaktan ang pinakamamahal ko.
Si Dominic na walang ibang ginawa kundi alagaan ako at irespeto ako, tapos ang sarili niyang kuya ang gagawa ng ganito? I can't imagine the look on Dominic's face if he finds out.
Paniguradong guguho ang mundo niya, at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko... at lalong-lalo na si Desmond.
Kasalanan niya talaga lahat ng 'to! Siya ang lumapit, siya ang nagnakaw ng halik, at siya ngayon ang nanggigipit sa akin. Ginagawa niya itong laro, isang laro kung saan siya lang ang may hawak ng alas.
"Mariel? Bakit ang pula ng mukha mo? At nasaan na si Desmond?" tanong ni Mommy nang mapansin niyang hingal na hingal ako at parang sasabog na bulkan sa tapat ng almusal.
"Ah... eh... gising na po. Nagbibihis lang," sagot ko sabay iwas ng tingin. "Ma, bakit ba kasi kailangan pa nating sabayan 'yan mag-breakfast?"
"Anak, bisita siya. At malaki ang naitulong niya kagabi sa paghatid sa 'yo. Be nice," suway ni Mommy.
Be nice? Kung alam lang nila!
Eksakto namang narinig ko ang yabag ng sapatos pababa ng hagdan. Bawat hakbang niya ay parang tunog ng hatol sa akin. Nang lumingon ako, nakita ko siyang maayos na ang suot, isang crisp white button-down shirt na nakatupi hanggang siko, mukhang presko at walang bahid ng hangover.
He looked perfectly fine, habang ako ay parang hihimatayin sa tensyon.
"Good morning again, Mariel," he said, skipping the 'Sir' and 'Ma'am' as he looked directly at me. His eyes were teasing, practically daring me to speak up. "I hope you slept better than I did. I couldn't stop thinking about... how hospitable this house is."
"Maupo ka na, Desmond. Kain na tayo," anyaya ni Daddy na kadarating lang din.
Umupo siya sa tapat ko mismo. Sa tapat ko pa talaga! Habang nagdarasal kami, hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil baka kung ano na namang gawin niya. Pagmulat ko, nahuli ko siyang nakatitig pa rin sa akin, may bahid ng ngisi sa mga labi niya.
"So, Desmond," panimula ni Daddy habang naglalagay ng sinangag. "Since you're here, maybe you can tell us more about the expansion you mentioned last night?"
"Of course, Sir. But I believe Mariel has something more urgent to discuss with me, right?" Desmond interjected, his gaze never leaving mine. "About... the things that happened while everyone was asleep?"
Halos mabulunan ako sa iniinom kong juice. "Wala! Wala kaming dapat pag-usapan!" mabilis kong sagot, ang boses ko ay tumaas ng isang octave sa sobrang panic.
"Is that so? I thought you wanted to talk about Dominic," he countered, leaning forward slightly. "About how much you 'love' him."
Napatigil ang lahat sa mesa. Ang titig ni Desmond ay parang isang babala, isang salita ko lang na mali, at handa siyang pasabugin ang lahat.