CHAPTER 5 Tahimik ang lahat habang nagsisimulang kumain, pero ang ingay ng kubyertos sa plato ay tila mas lalong nagpapadama ng tensyon sa pagitan namin. Sinusubukan kong mag-focus sa pagkain, pero bawat subo ko ay parang bumabara sa lalamunan ko dahil sa titig ni Desmond mula sa kabilang panig ng mesa. Si Daddy naman, parang nakalimutan na yata na may boyfriend akong nagngangalang Dominic. Nakatuon lang ang atensyon niya kay Desmond, tinatanong ito tungkol sa negosyo, sa mga plano sa kumpanya, at kung anu-ano pang bagay na halatang hangang-hanga siya. “You know, Desmond, I’ve always admired how you handle the Salvatore Group. Masyado kang matalas sa negosyo, hindi katulad ng ibang kabataan ngayon na puro laro lang ang inuuna,” ani Daddy sabay sulyap sa akin nang bahagya, na tila ba ma

