Tahimik lang akong nakayuko sa upuan ko nang biglang may humampas na matigas at mabigat na bagay sa likod ng ulo ko. Napadaing ako sa gulat at sakit. Pag-angat ng tingin ko, bumungad sa akin ang nakakaasar na mukha ni Tyana Napoles. Ang self-proclaimed Queen Bee ng unibersidad na ito, ang pinaka-nepo s**t sa lahat ng nepo shits dito. Hawak-hawak niya ang kaniyang limit-edition na Hermès bag na tila ba ginawa niyang sandata. Nakataas ang kaniyang perpektong pagkaka-kilay habang ang mga alipores niya sa likod ay nagbubulungan at nagtatakipan ng bibig para itago ang kanilang mapanuyang tawa. “Oops, sorry. I didn’t see you there. Masyado kasing mababa ang level mo, hindi ka abot ng peripheral vision ko,” ani Tyana na may kasamang matunog na tawa. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan siya

