Prologue

211 Words
Kakayanin mo ba na ipaubaya ang mahal mo sa iba para sa kaligayahan nila? Oo ang sakit isipin na mapupunta sa iba ang mahal mo pero kung ipaglalaban mo pa ang pagmamahal mo kahit alam mong talo ka. Pero mas masakit isipin na ikaw ang pinili pero hindi ikaw ang mahal. Araw-araw niya itong ipaparamdam sayo na may iba siyang mahal kaya mas pipiliin mo na lang na ipauba siya sa totoong mahal niya kesa iparamdam niya sa iyo na wala ka na sa puso niya. At kung mahal mo ang taong mahal mo ay hahayaan mo siyang liligaya sa piling ng iba kesa nagdudusa sa piling mo. Hindi man ikaw ang dahilan ng mga niti niya, hindi man ikaw kasama niyang magising sa araw-araw kung kasama naman niya ang taong mahal niya maging masaya ka na lang para sa kanya. Masakit man sa parte mo ang gagawin mo kailangan mong pagtiisian, kung mahal mo talaga siya handa kang magparaya para sa kaligayahan niya. Kaya tatanungin kita? Anong pipiliin mo, palayain ang mahal para makasama niya ang mahal niya o ipaglalaban mo ang pagmamahal mo para sa kanya kahit hindi ka na niya mahal? Magiging selfish ka pa para sa kaligayan mo o magpapauba ka para sa kaligayan ng mahal mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD