Season 2 Chapter 1

2086 Words
Yana's POV Limang buwan na ng lumipas mula ng mag divorce kami ni Hell, kinasal kami ni Hell sa ibang bansa, dahil 18 pa lang ako nun, kaya pwede kaming mag divorce. Magsisinungaling ako kapag sinabi ko hindi ako nasasaktan habang pinipirmahan ang divorce paper namin ni Hell. Gusto ko mang magkabalikan kami muli pero hindi na pwede dahil may iba na siyang mahal. Ayokong maging selfish, ayokong ipagkait siya sa taong mahal niya at ayokong ipilit siya sa relasyon namin kung wala ng pagmamahalang meron kami. Ayokong maramdaman ko na nasa akin nga siya pero ang puso niya nasa iba. Mas masasaktan ako pagganun kaya mas gugustuhin ko na lang na ibigay siya sa iba kesa sa ipilit ko siya sa gusto ko at isa pa may mga bata na madadamay dito hindi lang isa kundi apat na bata ang maaaring maulila sa ama nila. Bigla naman akong napangiti ng mapait sa sinabi ko, paano kaya kung nabuhay ang anak namin? Paano kaya kung hindi ako umalis? Kami pa rin ba ni Hell hanggang ngayon? Nakakatawa ang mga iniisip ko. Nangyari na lahat hindi ko na mababago pa ang nakaraan. Marami na din pa lang nagbago mula ng mag divorce kami ni Hell. Nabuwag na ang gang nina Hell dahil kay Set galit na galit ito kay Hell dahil sa ginawa niya sa akin, kahit na napatawad ko na si Hell, hindi niya pa rin ito magawang patawarin. Kahit ayos na sa akin ang nangyari hindi pa rin niya ito matanggap. Wala naman kaming magawa doon dahil kilala namin si Set, basta pagdating sa akin nagiging protective siya kahit na mas matanda ako sa kanya. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako, kahit sinabi ko na sa kanya na wala na iyon sa akin at tanggap ko hindi pa rin nawala ang galit niya. Nagbago din ang ugali niya yung dating makulit at masiyang ugali niya napalitan ng pagkaseryo at pagkailap. Madalang na lang siyang makusap o mahagilap. Lumipat na din kasi ito ng school, normal school na ang nilipatan niya. Ayaw na niyang ma involve pa siya sa mga gangster, gusto na niyang tumahimik ang buhay niya. Tanging natira na lang sa royal university sina Clara, Basty at Silver habang ako at si Renzer naka graduate na, sina Hell at Akuma matagal ng naka graduate. Hindi lang pala si Set ang nagbago pati na din si Basty, mula kasi ng i-train siya ng daddy niya naging seryoso na siya sa buhay pero hindi gaya ni Set may pagkamakulit pa rin naman siya pero hindi na ito maloko kaya ng dati, hindi na din ito babaero dahil focus siya sa training niya. Si Silver naman tahimik pa din naman pero hindi na ito kasing hamik ng dati na kahit anong gawin hindi kaya niya sasagutin pero ngayon maayos na namin siyang nakakausap. Malaking tulong din si Mackenzie dahil natulungan siya nito na alisin ang takot niya na baka mautal ito kapag nag salita. Si Clara wala naman nagbago sa kanya ganun pa din ang ugali niya mula noon hanggang ngayon. Sweet na bata pero nakakatakot. Ganun din si Rener, hindi din ito nagbago makulit at masiyahin pa rin ito. Kinasal sila Hell at Cass tatlong buwan mula ng mag divorce kami. Wala namang tumutol sa pagpapasal nila Hell, kahit na tatlong buwan pa lang ng mag divorce kami naintinan nila iyon dahil may anak sila at mahal nila ang isa't isa ka hindi na kailangang patagalin pa ang kasal nila. Sa Greece nagpakasal sina Cass at Hell dahil doon nanggaling si Cass. Gusto niyang magpakasal  kung saan nagkakilala ang mga magulang niya. Mabuti na lang kahit ang daming nangyari sa amin ni Hell hindi na sira ang pagkakaibigan nina mommy at ninang Alex. Kaya heto kami ngayon sa bahay nina ninang Alex dahil reunion namin. Kumpleto naman kaming lahat pero marami ng nagbago hindi na magulo gaya ng dati, si Set tahimik lang sa isang tabi na parang hindi siya nag e-exist at ang mga batang walang kaalam alam sa nangyayari ay tulad ng dati nagkukulitan at naglalaro lang sila. Hay, ang sarap bumalik sa pagkabata, kasi kapag bata ka walang problema wala kang iisipin kung kumain at maglaro, iiyak ka lang kapag nasaktan pero kapag wala ng sakit hihinto ka na, hindi komolikado ang buhay kapag bata ka sana habang buhay na lang akong bata para hindi ko naranasan ang ganito. Natapos na ang dinner namin kaya nandito ako sa pool side. Maliwanag naman dito dahil sa ilaw isama pa ang maliwanag na buwan at mga bitwin. Habang nagmumuni muni ako, naramdaman kong may pumatong sa balikat ko, isang blanket. "Malamig dito, bakit ka nandito?" kahit hindi ko tignan kung sino iyon kilala ko siya sa boses pa lang niya. "Nagpapahangin lang naman ako" mahinang sagot ko sapat lang para marinig niya at niyakap ang sarili ko habang hawak ang magkabilang dulo ng blanket. Napaka awkward ng pakiramdam ko dahil ito ang unang pag uusap namin mula ng magkahiwalay kami. "Hmm, okay" sagot niya. "Pero wag kang magtagal dito dahil baka magkasakit ka" Bakit ba napa ka sweet nito? Kahit wala na kami inaalala pa rin niya ako o dahil naging parte din ako ng buhay niya pero sana wag siyang maging ganito sa akin dahil mahirap mag move on. "How are you?" biglang tanong niya kaya nagulat ako. "Okay lang?" parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa sinabi ko. Bakit patanong? Parang di pa ako sigurado sa sagot ko eh. Narinig ko naman siya bumuntong hininga. "Alam kong mahirap maka move on pero sana subukan mo, gusto ko na maging masaya ka," natawa naman siya ng mahina. "Ang gago ng tanong ko, ako nga ang dahilan ng kalungkutan mo pero heto ako hinihiling na maging masaya ka" "Nagmo-move on naman ako" Sinungaling. "Kaya mo na akong isipin pa, isipin mo na lang yang pamilya mo" ngumiti naman siya. "Tara na, masyado ng malamig dito" sabi niya. "Sige mauna ka na, susunod ako" sagot ko at nginitian siya. "Okay" sabi niya at nauna ng pumasok. Kasabay ng pagkawala niya ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagsisi ka bang pinaubaya mo siya sa iba. Oo, agsisi ako pero kailangan kong magsakripisyo para maging masaya ang lahat. Ang tanong masaya ka ba? Masaya ako kung nakikita kong masaya na si Hell kay Cass. Sinungaling. Natawa naman ako ng mapakla. Alam ko. Tumayo na ako at pumasok na rin sa loob. "Noona" sabi sa akin ni Inferno. "Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Nahuli siguro ako nito na kausap ang kuya niya. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya. "Of course, okay lang ako" masayang sabi ko. "Don't do that" sabi niya na kinapagtaka ko. "Anong don't do that?" tanong ko. "Don't smile if your hurt, don't laugh if you not happy" seryosong sabi niya kaya saglit akong napatigil. "Ano bang sinasabi mo, masaya ako kaya ako tumatawa" sabi ko habang tumatawa ng pilit pero nakatingin lang siya sa akin na pang sinasabi na 'you're lying'. Napabuntong hininga ako. "Wag mo na akong pansinin" sabi ko at ginulo ang buhok niya. "Masyado ka pang bata" nginitian ko siya. Hanggang kaya kong itago sa iba ang nararamdaman ko gagawin ko. Ayokong madamay sila sa nararamdaman ko. Bumuntong hininga na lang siya. "Fine, pero kapag may problema ka sabihin mo lang sa akin, I'm willing to help you, Noona" sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Sige, baby boy, sasabihin ko sayo" sagot ko. "Tara, punta na tayo doon" sabi ko. Nag nod naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad. Thankful pa rin ako na kahit wala na kami ng kuya niya, sweet pa rin sa akin ang batang ito at hindi nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Cassandra's POV Katutulog lang ng quadruplets ng pumasok si Hell sa kwarto namin. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Yana" nakita ko sila kanina sa balcony, makikita mula doon ang pool kaya nakita ko silang nag uusap. Hindi naman ako nag seselos kaya ko ito natano mas natutuwa nga ako kasi kahit papano nag uusap sila. "Okay naman siya" sagot niya at umupo din sa kama. "Nakikita ko naman na nag mo-move on siya" napailing na lang ako sa sagot niya. Wala talaga itong alam pagdating sa nararamdaman naming mga babae. Kahit sabihin namin na okay lang kami kahit ang totoo masakit pa rin sa loob namin. Lalo na sa kalagayan ni Yana, napaka imposible na maka move on agad iyon. Mula pagkabata pa lang nila mahal na niya si Hell tapos bigla na lang itong magmamahal ng iba. Napaka unfair para sa kanya dahil siya ilang taon silang nagmahalan pero ako na kakikilala pa lang niya ang pinili niya. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili ni Hell, hindi naman kami ganun katagal na magkakilala pero bakit ako ang pinili niya? Dahil ba may anak kami? Hindi naman problema sa akin kung palalakihin ko ng mag isa ang apat. Kaya bakit ako? Ako na bagong salta lang? "Hell, wag kang magpalinlang sa mga salita namin" sabi ko. "Kaya naming magtago ng nararamdaman namin, kahit sobrang sakit na" humarap ako sa kanya at tinignan sa mata si Hell. "Kahit hindi sabihin ni Yana nakikita ko na nasasaktan siya lalo na kapag nakikita niya tayo. Kahit pinaubaya ka niya sa akin, alam kong nasasaktan siya sa loob niya. Babae din ako gaya niya kaya naiintindihan ko siya" "Alam ko naman" sagot niya. "Pero kilala ko siya, makakaya niya iyon. Malakas siya" "Walang malakas sa taong nasasaktan" sagot ko. Natahimik naman siya sa sinabi ko. Kahit sabihin na nating malakas si Yana, tao pa din siya na nakakaramdam ng sakit. Hindi naman siya robot para hindi makaramdam ng sakit at lungkot. "Kung sana.." hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko ng bigla niyang pinutol ang sasabihin ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikaw ang pinili ko?" medyo malakas na sabi niya. "Hindi ako napilitan o kung ano pa man, kaya kita pinili dahil mahal kita" masarap sa pakiramdam ang sinabi niya pero hindi ko magawang maging masaya ng tuluyan kung alam kong may masasaktan ako. "Pero mas matagal kayong nagmahal" dahilan ko. "Ako ilang taon mo pa lang ako nakakasama" "Hindi sa tagal ng panahon ako bumabase para piliin ko ang mamahalin ko" sabi niya. "Kung pinili ko siya dahil siya ang mas matagal pero hindi siya na siya ang tinitibok ng puso ko, mas lalo lang siyang masasaktan dahil araw araw niyang mararamdaman na hindi ko na siya mahal" Tama siya. "Isa pa, ayokong pagsisihan ko bandang huli ang desisyon ko" Wala na akong masabi sa sinabi niya dahil tama naman lahat iyon pero nakakapanghinayang parin ang mga panahon na pinagsamahan nila. Yung mga memories na nabuo ninyo. "Sana wag mong iisipin na pinili kita dahil napilitan lang ako dahil may anak tayo" sabi niya. "Hindi ako ganun. Oo, naging gago ako dahil niyaya kong pakasalan si Yana kahit napakabata pa niya, pinakasalan ko siya dahil gusto ko siyang protektahan" tumawa naman siya ng mapakla. "Pero hindi ko akalain na ako din pala ang mananakit sa kanya. Doble ang sakit na binigay ko sa kanya, una ang pagkasawala ng anak namin, pangalawa ang pag iwan ko sa kanya" Bakit ba kasi mapaglaro ang tadhana? At bakit sa dami ng tao kami ang napaglaruan? Ang hirap ng ganitong sitwasyon, hindi mo alam kung anong pipiliin mo. Hindi mo alam kung ano ang tama at mali sa mga gagawin mo. Hindi ka pwedeng magpadalos dalos dahil konting pagkakamli mo may masasaktan ka. "Kanina nung kinausap ko siya akala ko bibilis ang t***k ng puso gaya ng dati pero hindi naging ganun parang sinabi na lang ng puso ko na naging mahalaga siya sa akin at hanggang doon na lang, na sinasabi nito na tama ang desisyon ko. Alam ko nasaktan ko siya pero kilala ko si Yana kakayanin niya ito dahil alam kong malakas siya hindi siya ordinaryong babae kaya alam kong kakayanin niya tsaka makakahanap pa siya ng ibang magmamahal sa kanya. Dati nasasaktan ako kapag iniisip ko na magkakaroon siya ng iba pero ngayon okay na sa akin, ayoko naman ipagkait sa kanya ang sumaya at magmahal ng iba kaya hinahayaan ko na siya na magmahal na ng iba" mahabang sabi niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na napaiyak sa sinabi niya. Kahit na mas matagal ang pagsasama nila ako pa din ang pinili niya. Napa kaswerte ko naman dahil kahit hindi kami ganun katagal na magkakilala. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD