Season 2 Chapter 2

2123 Words
Cassandra's POV Today it's October 16, 1st birthday ng quadruplets kaya busy kami sa pag pi-prepare ng birthday party nila. Gusto ni mom na maging bongga ang party nila dahil 1st birthday day. Hindi naman namin siya mapigilan. Kahit nung months old pa lang ang mga bata pinaghanda niya ngayon pa kaya na 1st birthday nila. Ang theme na pinag usapan namin ay royal ball, gusto kasi ni mom na gawing prinsesa at mga prinsipe ang mga apo niya sa birthday party nila. Well, parang royal family na nga kung ituring ang pamilya Miller dahil sa yaman nila. "Gusto ko lagi niyong i-update ang nangyayari, ayokong maging palpak ang birthday ng mga apo ko" strict na sabi ni mom sa isang organizer na kinuha ni mom. "Opo, makakaasa kayo na aayusin namin" sagot ni Ellah, pangalan ng organizer. "Good" Nagpaalam ng umalis si Ella. "Mom dapat hindi na kayo ang umaasikaso niyan" sabi ni Hell. "Kaya nga tayo kumuha ng organizer" Kahit may organier kaming kinuha, inaasikaso pa rin iyon ni mom. Ayaw na ayaw niyang may palpak siyang nakikita at kapag may nakita siya na ayaw niya ipapatanggal niya agad iyon. Ganyan ka strict si mom sa pag aasikaso sa party. "Ayokong pumalpak itong 1st birthday ng mga apo ko" sagot ni mom. "Ayokong masira ito ng dahil lang sa isang kapalpakan" natawa naman kami kay mom. Para namang papalpak sina Ellah, sila ang pinaka sikat at magaling na organizer, laging sila ang kinukuha. Walang kahit na isa ang pumalpak dahil magaling silang mag organize kaya nga namin sila kinuha dahil alam nila ang ginagawa nila, masyado lang paranoid si mom. "Mom magaling sina Ellah" sabi ko. "Hindi niyo na kailangan pang mag alala" "Naninigurado lang ako" sagot niya. "Hayaan niyo na ang mom niyo" napatingin kami kay dad ng magsalita siya. Nakaupo ito sa single sofa at nag babasa ng diyaryo habang nag kakape. "Hindi niyo yan mapapahinto sa ginagawa niya" Tama si dad, walang makakapigil kay mom kapag ginusto niya ang ginagawa niya. Dahil nga wala na kaming magagawa hinayaan na lang namin siyang gawin ang gusto niya. Nag ra-rush na din sila dahil mamaya na mag uumpisa. Actually tapos na naman kaya lang pinapa double check pa ni mom para siguradong walang papalpak. "ANG gagwapo at ang ganda naman ng mga pamangkin ko" sabi ni Clara habang pinipicturan sila. Binibihisan na namin sila dahil malapit ng mag umpisa ang party, dahil apat sila nagpatulong na ako sa dalawang ito. Binigyan ko muna kasi ng day off ang nannies ng apat, gusto ko ako munang mag asikaso sa kanila ngayong birthday nila.  "Mukhang anak talaga sila anak ng isang royal" sabi ni Akuma. Dahil nga royal ball ito kaya nakasuot sila ng pang royal. Si Primrose naka kulay pink gown at may maliit na crown na naka clip sa buhok niya at ang mga boys ay naka suot ng red royal suit. Wala silang crown dahil inaalis lang nila kaya tinaggal na lang namin. "Handa na ba sila?" tanong ng kakapasok lang na si Hell. "Yup" sabi ko at binigay sa kanya si Primrose at binuhat si Pierre, kay Clara si Perseus at kay Akuma si Praxis. Naglakad na kami palabas ng room. Sa hotel nina mom ginanap ang party kaya sarado ang buong hotel. Ipapag stay na din niya kasi dito ang mga malalayong lugar dahil gagabihin ang party pero kahit malapit ang iba ay mag i-stay pa rin dito. Sino bang hindi, sikat na sikat ang hotel na ito at kahit sino pinangarap makapasok dito kaya lang sobrang mahal ng bayad dito. Nandtio na kami sa tapat ng nakasaradong pinto, bubuksan ito mamaya kapag ipapakilala na kami. Narinig ko ng nag speech sina mommy, nagpasalamat lang sila sa mga pumunta pagkatapos pinakilala na niya ang quadruplets. Kaya binuksan na nila ang pinto, nagpalakpakan ang mga bisita ng makita kami. Si Primrose tuwang tuwa sa nakikita, sina Pierre at Perseus tahimik lang na nagmamasahid habang si Praxis naka baon ang mukha sa leeg ng tita niya. Mahiyain kasi ang batang ito, ayaw niya ng maraming tao. Nagbigay lang kami ng birthday wish sa mga anak namin pagkatapos nag umpisa ng mag blow ng candle kaya kumanta ng happy birthday ang mga bisita. Sumasabay sa palakpak si Primrose kaya tuwang tuwa sa kanya ang mga bisita habang ang mga kapatid niya tahimik lang. Nang matapos ang kanta, sabay naming hinipan ni Hell ang kandila dahil hindi pa marunong ang mga bata. Kasabay ng pagwala ng apoy ang palakpakan ng mga bisita. "Ang ganda at ang gagwapo naman ng mga anak ninyo" sabi ni mrs. Baustista isa sa mga ka business partner ni mom. "Mana sa mga magulang" dagdag niya. "Salamat po" sabi ko. Buhat buhat ko ngayon sina Primrose at Perseus dahil hindi naman sila kabigatan habang si Hell sa dalawa. Hindi ko alam kung nahihirapan siya sa dalawa dahil may kabigatan ang dalawa. Kaming dalawa na lang nagbuhat sa kanila para naman makapag enjoy sina Clara, kailangan kasi naming ilibot ang mga bata sa mga bisita para makilala nila. Hindi na namin tinapos ang party dahil inaantok na ang mga bata kaya nagpaalam na kami sa kanila na mauna na kami. Tuloy pa din naman ang party kahit wala kami. "Kapagod" sabi ko ng mabitawan ko ang dalawa sa kama pagkatapos minasahe ko ang balikat ko dahil sumakit iyon. Hindi ko kasi mabitawan ang dalawa dahil umiiyak sila. "Saan mamasahiin ko" sabi ni Hell pagtapos ding ihiga ang mga bata. "Naku wag na alam kong nangawit ka din sa kanila" sabi ko. "Tsk, wag ng makulit" sabi niya. Hindi na ako makapalag ng sapilitan niya akong inupo sa sofa at minasahe ang balikat ko. Napapikit naman ako sa sarap ng pagmamasahe niya. "Ayaw mo pa bang sundan ang apat" biglang sabi niya kaya napamulat ako at nilingon siya. "Aba, naka apat na nga tayo gusto mo pang dagdagan?" mataray na sabi ko at tinaasan ng kilay. Ang hirap na ngang alagaan ang apat dadagdagan niya pa? Aba sobra naman yun, wala na akong pahinga nun. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "May mga nannies naman sila kaya hindi tayo mahihirapan na mag alaga sa kanila." agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Huwag kang puro asa na lang sa mga nannies nila," inis na sabi ko, porket may nannies inaasa na lang lagi sa kanila. "Dapat magkaroon pa rin tayo ng panahon sa kanila, paano kung nag karoon tayo ng bagong anak edi mawawala ang atensyon natin sa apat? Sa kanila pa nga lang nahihirapan na tayo dadagdag pa?" "Aalagaan naman natin sila ng maayos, hindi ko naman hahayaan na mawala ang atensyon natin sa mga bata" dahilan niya. "Makapagsalita ito, bakit ikaw magdadala ha? Ang hirap kayang magbuntis" ayoko munang maranasan ang manganak dahil masakit lalo na apat silang lumabas. Mas masakit pa yung naramdaman kong yun kesa sa mataan ako ng bala. Natawa na lang ulit siya. "Biro lang" inirapan ko ulit siya pagkatapos tumayo at pumunta sa kama. "Wag kang tatabi sa amin" banta ko. Nakakainis siya, ngayon niya pa ako inasar kung kelan birthday ng mga anak niya. "Wag namang ganun" reklamo niya. "Nagbibiro lang naman ako eh" "Pwes ako hindi ako nagbibiro" sabi ko. "Sa guest room ka matutulog" Para naman siyang binagsakan ng langit at lupa sa itchura niya. Bagsak ang balikat niyang lumabas ng kwarto. Nasa penthouse kami ng hotel at maraming guestroom dito dahil dito nag i-stay minsan ang magkakapatid na Miller. Ilang oras mula ng pinatulog ko si Hell sa guest room at kahit ipikit ko ang mga mata ko hindi ako makatulog kaya patabog akong tumayo. Kainis naman eh bakit ba ang hirap nung tiisin. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa mga guest room, binuksan ko lahat dahil hindi ko alam kung saang guest room siya nag stay. Mayamaya nahanap ko din ang guest room na tinulugan niya. Dahan dahan akong pumasok at lumapit sa kanya. "Hell" sabi ko at tinapik siya agad naman siyang nagising. "Sige na lipat ka na doon" nakita ko naman na napangiti siya at mabilis na tumayo. "Sabi na di mo ako matitiis" sabi niya. "Pinapaalis mo ako lagi pero hindi mo naman ako lagi matiis" totoo yun kahit sinasabihan ko siyang wag matulog sa tabi ko, ilang oras lang papabalikin ko din siya. Hindi din kasi ako makatulog ng wala siya sa tabi ko. Matagal ko naman siyang hindi katabing matulog noon bakit ngayon di ko na siya matiis. Nakakainis dahil hindi ko siya mapaparusahang wag tumabi sa akin. "Bwisit ka kasi" sabi ko at naunang naglakad. Mabilis naman niya akong nahabol dahil ang laki ng biyas niya. "Kaya pala masungit ang misis ko meron siya" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Pano naman niya nalaman. Oo, meron ako kaya madali akong mainis. "Paano mo nalaman?" takang tanong ko. Hindi naman kasi stable ang menstration ko, paiba iba ng date minsan katapusan ng month, minsan gitna o minsan napapaaga. "May tagos ka kasi" sagot niya. Namula naman ako sa sinabi niya. Kahit asawa ko na ito at may anak na kami, nahihiya pa din ako sa kanya. Mabilis akong tumakbo at pumunta ng banyo at sinilip ang likod ng panjama na suot ko. Meron nga. Lumabas muna ako saglit ng cr, paglabas ko nakita ko si Hell na nakahiga sa kama. Wala na ang apat doon mukhang linipat na niya ang mga ito sa crib nila. Pasecreto akong kumuha ng bagong panjama at panty pati na din napkin yung pang night. Malakas ang menstration ko kaya laging ganito suot ko kahit umaga. Malaki kasi ito. Pumasok agad ako sa cr ng makakuha ako ng pang palit. Nang matapos ako, pumunta na ako sa kama at humiga. Nakaramdama agad ako ng antok ng pagkahiga ko dahilan ng pagod at ng menstration ko. Kapag meron ako gusto ko lagi lang akong matutulog. Narinig kong nagsalita si Hell pero hindi ko siya pinansin dahil inaantok na talaga ako, bahala siya sa buhay niya basta ako inaantok na. Hellion's POV Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tawanan ng quadruplets. Napatingin sa katabi ko hanggang ngayon tulog pa din at alam kong mamaya pa yan magigising. Kapag meron yan gusto laging matutulog at kapag ginising mo para siyang dragon na magbubuga na ng apoy dahil sa galit. Hinayaan ko siyang natulog dahil ganyan lang siya kapag meron kapag wala lagi naman siyang maagang magising para pakainin na ang mga bata at dahil tulog siya ako muna ang magbababa sa mga bata para pakainin. May mga stroller naman sila na magkakadikit kaya hindi ako mahihirapan. Pinacostomise talaga ni mom para sa apat ang straller na iyon para hindi kami mahirapan. Ang desenyo ng straller, dalawa sa unahan at dalawa sa likod para hindi makasagabal kapag dumadaan kami. Marunong ng maglakad ang mga bata, malilikot kasi kapag pinabayaan naming maglakad mag isa. Pinapagod kami kakahabol sa kanila, apat pa naman sila tapos ang bibilis pang tumakbo. Matapos kong malagay ang mga bata sa straller lumabas na kami ng kwarto at sumakay ng elevator papuntang ground floor ng hotel. Kakain kami sa restaurant na nasa loob ng hotel, ayokong magpa room service dahil baka magising pa si Odel. Pagdating namin sa restaurant may sumigaw sa pangalan ko. "Kuya Hell" sabi ni Clara habang kumakaway kaya lumapit ako sa kanila. "Nasaan si Cass?" tanong ni Akuma. "Natutulog pa, meron yun ngayon" sagot ko. "Kaya pala" sabi niya. Alam nila ang ugali ni Odel kapag meron ito, Minsan na naking nasungitan ni Odel si Cass ng minsang ginising niya ito, saktong meron siya nun kaya nagsungit ito. Pagkatapos nun natakot na itong gising si Odel kapag meron siya. Nakakatakot kasi itong magalit. Nag order na kami ng makakain ng apat. Hindi ako masyadong nakakain dahil inuuna ko muna ang mga bat tsaka balak ko ding sabayan ni Odel. Hindi yun kakain hangga't wala siyang kasabay. Agad naman kaming bumalik sa room namin pagkatapos naming kumain. Tulog pa din si Odel ng makapasok kami sa loob ng room. "Wag maingay mga baby ha? Natutulog pa si mommy" sabi ko sa mga anak ko ng mailagay sila sa crib nila. Para naman akong naintihan ng mga anak ko dahil tahimik lang silang naglalaro. Napangiti naman ako sa kanila, kahit na ang babata pa nila, makikita mo na ang talino nila. Masasabi ko din na iba sila sa mga bata dahil hindi sila mga iyakin. Kapag nadadapa sila imbis na umiyak ngingiti lang sila. Sobrang proud na proud ako kasi nakikita ko na naalagaan sila ng maayos ni Odel kahit mag isa lang siya. Kaya ngayon na magkasama kami hindi ko hahayaan na siya lang ang magpalaki sa mga bata. Gusto ko maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD