Chapter Three

2022 Words
Chapter Three Ayesa Montefalcon's Point of View Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Ano ba naman ito?! Panira ng tulog, ang sarap sarap ng tulog ko eh. Wala sa sarili kong napahawak sa mga labi ko. Pakiramdam ko may labi pa ring nakalapat dito. Ano ba iyon? panaginip? napatingin ako sa bintana, nakasara naman iyon. Hindi naman kasi bukas. Siguro nga panaginip lang iyon. Kakaiba talaga ang mga nagiging panaginip ko. Kung ang ibang tao ay iba- iba ang mga nagiging panaginip, ako naman ay iisa lang. Iisang lalaki lang ang dumadal;aw sa panaginip ko gabi-gabi. Hindi kaya kaluluwa iyon na pinagmamasdan ako habang tulog? may nabasa ako dati na article na ang mga tao sa panaginip mo na hindi mo kilala ay mga kaluluwa daw na pinagmamasdan ka habang tulog. Naku baka kaluluwa ang may gusto sa akin? kaluluwa ang kumuha ng firstkiss ko? hay nako Ayesa, kung anu-ano na ang mga naiisip mo. Tumayo na ako at inayos ang higaan ko saka ko binuksan ang  bintana. Sinalubong ako ng malamig na hangin, pinagmasdan ko ang kalangitan at medyo nalungkot. Mukhang uulan ngayon ah, makulimlim kasi. Nagsimula na akong maghanda para pumasok. Habang nasa tapat ako ng salamin at nagbibihis ay may napansin akong kakaiba sa leeg ko. Lumapit talaga ako sa salamin at halos sumubsob na ako sa salamin dahil sa nakita ko. "What is this?" tanong ko habang pinagmamasdan ang leeg ko. Parang kinagat ng kung ano. Dalawang tuldok tapos medyo nangingitim. Siguro kagat lang ito ng kung anong uri ng insekto. Jusme naman ang insekto, sa leeg ko patalaga naisipang kagatin. Kinuha ko na lang ang concealer ko para kahit papaano ay matakpan.  Muli kong tiningnan ang sarili ko at medyo satisfied naman sa hitsura ko kaya lang kung titingnan maigi ang leeg ko mahahalata itong kagat ko.  "Good morning Auntie!" Bati ko kay Auntie Alice at ngumiti naman siya sa akin. Hinainan niya ako ng tocino at kanin samantalang ako naman ang nagtimpla ng kape namin. Inamoy ko pa ang umuusok na kape at medyo nagtaka  ako dahil hindi ito ang usual na amoy ng kapeng barako na laging binibili namin ni Auntie. Tinikman ko ito at napasimangot dahil halos wala itong kalasa-lasa. "Auntie, nagpalit ka ba ng coffee natin?" tanong ko sa kanya at nakita kong nagtaka siya. "Hindi, bakit?" umiling na lang ako bilang response. Hindi kaya expired na ito? o baka panlasa ko lang ang iba. "Ano iyang nasa leeg mo Ayesa?" tanong ni Tiya at napahawak ako sa leeg. "Kagat yata ng insekto. Paggising ko na lang may kagat na ko sa leeg." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. "Ibang klaseng insekto ah, sa leeg talaga. Parang vampire lang ah," natawa naman ako sa sinabi niya. "Naniniwala ka doon Auntie? mythical creatures lang iyan eh. As if na may vampire na dadalaw sa akin Auntie." "Naku Ayesa! Malay mo totoo sila. Masyadong malawak ang mundo hija, marami pa tayong hindi natutuklasan. Hindi naman masasabi ng mga matatanda iyan kung wala silang nakita. Wala namang masamang maniwala sa mga ganoong nilalang."  After ko kumain ay umalis na din agad ako. Habang nasa jeep ay napaisip ako sa sinabi ni Tiya Alice, tama siya masyadong malawak ang mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan. Pagdating ko sa room ay may iilan ng mga classamate ko ang nandoon. Nakita kong nandoon na din si Claude at mukhang naglalaro ito sa cellphone niya. Umupo  na ako at nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Claude. Sa upuan muna siya ni Heighman umupo. "Hey! Good morning!" Bati niya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya. "Good morning din!" Bati ko sa kanya at naconscious naman ako ng titigan niya ang leeg ko. Naku, mukhang napansin niya ang leeg ko. "What's that?" sabay turo ni Claude sa leeg ko. Ako naman ay agad kong tinakpan ito ng kamay ko. Naku nakakainis minsan si Claude, lahat pinapansin. "Ewan. Kagat siguro ng insekto." Sagot ko naman. "Parang chikinini eh!" Oh my goodness! Iyan pa talaga ang naisip niya. "Anong chikinini? Manahimik ka na nga lang! Huwag mo ng pansinin pa ang leeg ko." I said at inirapan siya. Natawa naman siya sa akin. Minsan talaga trip ako nitong si Claude eh. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko siya.  "O chill lang! Wag kang mahigh blood sa akin! Di ka naman mabiro. Napaka- unsual naman kasi niyang nasa leeg mo. Parang may sumipsip diyan eh." "Huwag mo ng pansinin okay? kasi ako binabalewala ko na lang." I said at tumango tango naman siya tapos ay bumalik na siya sa pwesto niya. Inilugay ko na tuloy ang mahabang buhok ko at inilagay sa harap ng balikat ko para matakpan ang leeg ko. Kinuha ko na nag earphones ko at nakinig na lang ako ng music total wala pa naman ang prof namin today. "Hindi ka ba naiinitan?" Napalingon ako kay Heighman. Nandito na pala siya. Pinanuod ko siyang nilagay ang bag niya sa arm chair niya at naupo na sa tabi ko. Ang fresh niyang tingnan, ang gandang tanawin. "Medyo lang." Sagot ko at inayos ang buhok ko. Tiis lang muna, baka bukas wala na itong nasa leeg ko. "Sana tinali mo na lang ang buhok mo kung naiinitan ka. I have scrunchie here in my bag. Do you want to have it?" umiling naman ako. Aba, ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking my scrunchie na dala. Hindi kaya may girlfirend itong si Heighman? medyo nalungkot ako sa ganoong isipin. "Naku,wag na. Ano kasi eh may something kasi sa leeg ko. Nako-concious ako pag napapansin nila." "Ano ba ' yang nasa leeg mo? hickey?" at medyo natatawa pa siya. "Hindi ko alam eh. Saka hindi ito hickey no! Bakit ganyan kayong mga lalaki, ganyan agad naiisip niyo?" napasimangot na tuloy ako. Una si Claude tapos ngayon nagsabi din siya. "Sorry sorry. Anyway,  can I see it?"  hindi na siya naghintay na sumagot ako at lumapit na siya sa akin tapos ay  hinawi niya ang buhok ko sa leeg. Then hinawakan niya ang leeg ko. Bakit ganito? Pamilyar ang paraan niya ng paghaplos niya sa akin. Hindi kaya si Heighman ang nasa panaginip ko?  Ano ba itong naiisip ko, napakaimposible namang mangyari iyon. Nakita ko siyang ngumiti at umayos na ng upo. Inayos pa niya pabalik ang buhok ko sa balikat. "May kumagat lang sayo. Don't worry, mawawala din iyan mamaya." Nang maglunch break ay agad akong lumabas para pumunta sa canteen. Baka kasi maubusan ako ng pagkain doon. Nasa may corridor na ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. "Ayesa!" Kaya napalingon ako at nakitang papalapit sa akin si Heighman. Para akong nakakita ng isang prince, parang nag-sparkle ang paligid sa pagdaan niya. Grabe na imagination mo Ayesa. "Ayesa, sabay tayong kumain." Sabi ni niya at napatango naman ako. "Okay tara!" Nakangiting sagot ko. Sabay naming tinungo ang canteen. Medyo mahaba ang pila pero okay lang. Nag-order ako ng adobong baboy, sa kaniya naman ay menudo. Nakahanap kami ng table malapit sa may entrance ng canteen. Gutom na gutom na ako kaya nagsimula na akong kumain. "Ayoko na." He said kaya agad akong napatingin sa kanya. Halos hindi nga nabawasan ang ulam niya. Parang hindi ko siya nakitang sumubo man lang.  "Eh? Hindi ka pa nga nakakasampung subo ayaw mo na." Sabi ko. "Ang pangit kasi ng lasa." "Patikim nga!" Tapos ay tinikman ko ang menudo. Wala namang kakaibang lasa, same pa rin naman ang luto nila Manang eh.  "Okay naman ah! Masarap nga." Sagot ko sa kanya at parang nandiri pa siya. Wait, baka hindi siya sanay sa ganitong pagkain. Remember galing siyang England, anak mayaman ganern! "Basta ayoko na." May bigla siyang inilabas na tumbler at uminom siya. Ibang tumbler naman ang gamit niya ngayon. "Ano 'yan? Softdrink? hindi healthy ang softdrink."  Sabi ko sa kanya at medyo natawa naman siya sa akin. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Hindi softdrink 'to. Juice lang ito. Gusto mo?" alok niya na agad kong tinanggihan. Baka kung ano namang lasa iyan katulad ng softdrink na pinatikim niya sa akin noong nakaraan. "Naku wag na. Okay na ko sa water lang." "Iba 'to promise. Hindi ito katulad ng dala ko last time."  He said at curiosity kills the cat na naman kaya kinuha ko naman ang tumbler at uminom. Oh my goodness! Ang sarap! Matamis ang lasa! "Wow! Ang sarap naman nito! Anong tawag dito?" tanong ko. "Red juice. Galing Red Cross." Nakangiting sagot niya na pinagtaka ko. Anong Red Cross? ano 'to dugo? "Anong Red Cross?" tanong ko. " Switzerland. galing Switzerland ang juice na iyan. Tawag kasi ng kapatid ko sa country na iyon Red Cross kasi nga ganoon ang flag nito. Anyway, sa iyo na 'yan."  Sagot niya. Ganoon pala iyon, kala ko 'yung Red Cross ni d**k Gordon eh. "Hindi wag na. Wala ka ng iinumin." Hindi naman ako ganoon kakapal ng face. " Don't worry, mayroon pa ako dito," sabay labas ng another tumbler mula sa bag niya. Ilang tumbler  kaya ang dala niya? "You can have it."  After namin mag-lunch ay nagdecide akong pupunta sa library since vacant time pa namin. Inayos ko na ang gamit ko kaya agad namang nag-ayos din si Heighman. "Saan ka pupunta Ayesa?" Tanong niya habang inaayos sa balikat niya ang kanyang bag. "Sa library. May hihiramin lang. Palipas oras na din." Sagot ko. "Tara, samahan na kita." " 'Wag na. Ayokong maabala pa kita. Saka baka may gagawin ka pa." "Ayesa, kailanman ay hindi ka naging abala sa akin. Besides, wala din naman akong gagawin so better kung sasama na lang ako sayo." Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako. Medyo hindi ako sanay  na may kasama during vacant times ko. Usually kasi loner ako, kapag vacant time it's either nasa botanical garden o sa library ang tungo ko. 'Yung ibang mga friends ko kasi kanya kanya sila. Sila Claude laging laman ng computer shops iyan, Dota ang pinagkakaabalahan niya. Pumunta kami sa library. Iilan lang din naman ang tao dito.  Dumeretso ako sa isang bookshelf sa dulong bahagi ng aklatan. Nandito lahat nakalagay ang mga fiction novels. Nasaan na ba 'yung gusto kong basahin na libro? "Ano bang hinahanap mo?" dinig kong tanong ni Heighman. "Iyong libro na Reincarnation of Lucifer. Gusto ko kasing basahin iyon." sagot ko, hindi kaya may humiram ng librong iyon? "Sino ba ang author?"  "SI Alesana Marie." "Ito ba?" Napatingin ako sa kaniya at halos tumalon ako sa galak nang makitang hawak niya na ang libro. "Oo. Naku salamat. Ikaw, baka may gusto kang basahin? maraming magagandang libro dito." I said at hinanapan siya ng magandang libro. "Halos lahat ng mga books ay mayroon ako sa bahay." He said kaya napatingin ako sa kanya. "Really? mukhang mahilig kang magbasa!" "Hindi naman. Ang kapatid ko ang mahilig magbasa, mayroon nga siyang sariling library." Wow! Iba talaga pag mayaman, puwede kang magkaroon ng sariling library. "Tara, maupo tayo doon ." Turo sa isang  table hindi kalayuan dito. Hahakbang na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon ng mahawakan niya ang braso ko. Para bang may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang kamay patungo sa puso ko. "Ayesa," napatingin ako sa kanya na nagtataka. "Bakit?" tanong ko pero imbes na sagutin ako ay nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Nagulat ako nang biglang maglapat ang mga labi namin. Ang pakiramdam na ito, ganitong ganito ang nakaramdaman ko sa panaginip ko. Ang halik na  hinahanap-hanap ko.  Napapikit ako ng magsimulang gumalaw ang labi niya na siyang sinabayan ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? ganitong ganito ang pakiramdam ko sa panaginip ko. Pero napakaimposible naman na siya ang lalaking nasa panaginip ko and panaginip siya hindi totoo iyon pero ano ba ito? Nabitawan ko ang hawak kong mga gamit ng hinawakan niya ako sa baywang at hinapit papalapit sa kanya. Naramdaman kong lumingkis ang mga braso niya sa katawan ko. Tila ba sabik na sabik siya sa akin na para bang napakatagal niyang hinintay ang oras na ito. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi umaayaw ang katawan at diwa ko. Na para bang gusto ko rin ito. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin kaya wala akong nagawa kung di ipulupot na din ang mga braso ko sa leeg niya. Halo-halo na ang mga nararamdaman ko, nalilito ako bakit parang gustong gusto ko ito as if I also waited for this, excitement dahil nasa library kami and any moment ay puwede kaming macaught in the act and somehow I feel happiness in my heart na ngayon ko lang talaga naramdaman. Heighman France, what did you do to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD