Chapter Four

2066 Words
Chapter Four: Ayesa Montefalcon's Point of View Heighman France, what did you do to me? bakit ganito ang nararamdaman ko sayo? "I love you, Ayesa. I love you so much." He said pagkatapos niya akong halikan. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan. God! Kinikilig ako! Pero hindi tama ito. "Hieghman," tanging pangalan lang niya ang nabanggit ko. Hindi gaano gumagana ang mga brain cells ko. Binitawan na niya ako at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Inilapit niya ito sa mukha niya at hinalikan ang mga kamay ko.  "Ayesa, can you be my girlfriend?" Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig ko. Teka ano daw? girlfriend? he wants me to be his girlfriend?  Teka lang! Kahit na kikilig ako hindi naman tama na ganito agad.  "Heigman, teka lang ah. Masyado kang mabilis. Look, one month  palang tayong magkakilala. Hindi pa nga tayong lubos na magkakilala. Baka nalilito ka lang sa nararamdaman mo." I said at binawi na ang mga kamay ko. Totoo naman di ba? baka nalilito lang siya or bugso lang ng damdamin niya iyan kasi always kaming magkasama lately. Kahit na crush ko hindi naman dapat na bumigay ako kaagad. Siyempre, dalagang Pilipina pa din ako. Muli niyang kinuha ang mga kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Umiiling iling siya bago nilagay ang mga kamay ko sa kanyang dibdib. Napalunok pa ako ng mmaramdaman ang matigas niyang dibdib. Mukhang alaga sa gym ang lalaking ito. "Hindi Ayesa. Hindi ako nalilito. I am very sure on how I feel for you. Matagal na kitang gusto, so what if things seems to be on rush? it doesn't matter Ayesa. All that matters is what I feel for you. Meron tayong habang buhay para kilalanin ang isa't isa. I will court you for the rest of my life. Hindi mo alam kung gaano ako naghintay sayo." Bigla na lamang akong napangiti sa sinabi niya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Na para bang matagal na pinagsamahan namin. Hindi naman siguro masama kung oo agad di ba? do I need pa bang magpakipot? crush ko rin naman siya eh. And guys! NBSB ako! Baka puwedeng magkajowa na ako di ba? palalagpasin ko ba ang poging katulad niya?  This time, ngumiti na ako at tumango tango. Waley na care sa dalagang Pilipina. "Heighman, pumapayag ako." Sagot ko at nakita ko namang lumiwanag ang kanyang mukha. My heart skips a beat nang ngumiti siya sa akin. A true and genuine smile. "Talaga?!" tanong niya at mukhang hindi siya makapaniwala kaya tumango na naman ako sa kanya. Tumalon siya sa tuwa at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I've waited for this for so long." Bulong niya sa akin. Niyakap ko na din naman siya ng mahigpit. Oh my goodness! Hindi na ako NBSB. Nang mag-uwian ay lumabas kami ng room na magkahawak kamay. First time kong maranasang may kaholding hands while walking. Alam kong maraming nakatingin sa akin but I don't care. All that matters to me is how happy I am. Ngayon lang talaga ako nakaranas ng totoong kasiyahan, at hindi ko akalaing si Heighman pala ang magbibigay sa akin nito. He keeps on smiling while we are walking papuntang parking lot.  Gustong gusto daw niyang hawakan ang kamay ko. Nahiya pa nga ako sa una dahil ang lambot ng kamay niya hindi katulad sa akin na magaspang dahil sa mga kalyo. Iba talaga siguro ang anak mayaman, namangha pa ako sa kotse niya. Ang ganda at kulay pula ito, deep red ang kulay, halos kulay na ng dugo. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay at pinaandar ang kotse. Tinanong niya ang address ko na agad ko namang sinabi. First time kong ihahatid ng isang lalaki sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Oh my goddness Ayesa, ano bang ginawa mo at nahulog sa kagandahan mo ang lalaking ito?  Pinagmamasdan ko siya habang nagmamaneho siya at hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Somehow, kontento ako sa nakikita ko, nakaramdam ako ng kasiyahan dahil alam kong masaya siya. Ito ang hindi ko maintindihan, para bang ang tagal na naming magkakilala. Mabilis na pumalagay ang loob ko sa kanya. Pagdating namin sa bahay ay napansin kong nakapatay ang ilaw so meaning wala si Auntie Alice, malamang ay namalengke iyon. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ang pinto. "Gusto mong pumasok?" Tanong ko nang nasa tapat na kami ng bahay. " 'Wag na muna. Sa ibang araw na lang. May aasikasuhin pa kasi ako." Sagot niya sa akin napatango na lang ako. "Ganoon ba? sayang, gusto sana kitang ipakilala sa Auntie Alice ko pero baka gabihin siya sa pag-uwi kaya tama ka, next time na lang." "Don't worry Mahal ko. Babawi ako sayo. Sige na magpapaalam na ako." Naku po ang sweet naman, may endearment na agad siya sa akin. "Okay. Mag-iingat ka ah." "Opo." Tapos ay hinalikan niya ako sa labi. What the? nagnakaw siya ng halik! Nakangiti siyang sumakay ng kanyang kotse at napailing na lang ako sa ginawa niya. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang makarinig ako ng sigaw. Lumingon ako at nakabukas nag bintana ng passenger seat. "AYESA!" Sigaw niya, "MAHAL NA MAHAL KITA!!!!" Nakangiting sigaw niya saka niya pinaharurot palayo ang kotse. Hindi ko akalaing cheesy pala si Heighman. Sana lang hindi member ng intro boys itong si Heighman. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Madilim na sa loob kaya binuksan ko na ang ilaw. Tiningnan ko ang laman ng refrigerator namin at may nakita akong dugo ng baboy, magluto kaya ako ng Dinuguan? kinuha ko ito at inamoy at napapikit sa amoy. Ang bango pala ng dugo? ngayon ko lang napansin. Naglaway tuloy ako bigla. Kinuha ko na ang mga kailangan kong ingredients at nagsimula ng magluto.  * "Ayesa?" Tawag ni Auntie Alice kaya napalingon ako sa kanya. Katatapos lang namin kumain at busog na busog ako sa Dinuguan, ewan ko ba at sarap na sarap ako sa luto ko ngayon. Kasalukuyan kasi kaming nanunuod ng Juan dela Cruz. "Bakit po?" tanong ko. " 'Yung totoo, nababaliw ka na ba?" napamaang ako sa tanong niya. Ako baliw? sa pagkakaalam ko ay hindi naman eh.  "Ha? Hindi po ako nababaliw! Auntie naman, mukha na ba akong baliw?" "Eh kung hindi eh bakit ka ba ngiti ng ngiti diyan? Para kang serial killer na ewan. Kanina pa kita pinagmamasdan, para bang nasa ibang dimensyon ang isipan mo at kahit pinapatay na ni Juan Dela Cruz ang aswang ay nakangiti ka. Ano bang nangyayari sayo? hindi ka naman siguro nagda-drugs no?" "Auntie grabe ka naman sa akin. Hindi ako nagda-drugs. Hindi ko kayang sirain ang buhay ko. I love my life, Auntie." Totoo nga na naman kasi. Siguro nawiwirduhan na sa akin si Auntie, paano ba naman kanina pa ko ngumingiti. Kese nemen eh tuwing naaalala ko 'yung ginawa ni Heighman ay di ko mapigilang ngumiti. Kinikilig kasi ako. Kinikilig to the max! Insert natin ang song ni Hazel Faith na Kinikilig. "Hindi ako baliw Auntie Alice. Masaya lang ako ngayong araw." Sabi ko at tumabi naman siya sa akin. "Ikaw nga ay umamin, may boyfriend ka na? may lovelife ka na?" bakit ang lakas ng pang-amoy ni Auntie? iyon agad ang naisip niya. "That is a secret!" I said at tumayo na sa pagkakaupo.  "Hoy! Anong secret? so, may boyfriend ka na?" tanong niya at sumenyas na lang ako sa kanya ng silence. It's too early pa para malaman ni Auntie. I'm sure kapag nakilala niya si Heighman ay kikiligin din siya.  Nagpasya na akong umakyat sqa kuwarto ko para makapagpahinga na. Nag-half bath lang ako at saka ako nahiga. Napatitig ako sa madilim na kalangitan at medyo nalungkot dahil wala akong nakitang buwan o kahit mga bituin.  Dinuduyan na ako ng antok ng may maramdaman akong humalik sa noo ko. Marahil ay guni-guni ko lamang iyon at hindi ko na pinansin pa. "I love you so much, Ayesa..." Kinabukasan ay halos magtago ako sa kumot ko dahil para akong nasusunog sa sikat ng araw. Halos gumapang ako papunta sa bintana para lang isara ang mga kurtina. Ano bang nangyayari? grabe na ang global warming ah. After ko magbihis ay agad akong bumaba at nakita si Auntie Alice na nakabihis. Saan naman kaya pupunta itong si Auntie? "Auntie, nakapostora ka. may date ka ba?" biro ko sa kanya at natigilan naman siya. Hmmm, smell something fishy. Mukhang luma-lovelife si Auntie ah. "Anong date? may pupuntahan lang ako." Sagot niya habang nagsasandok ng kanin. Ako naman ay tumayo at nagtimpla ng kape. "Saan ka naman pupunta Auntie? may date ka nga." I said at napansin kong nagbablush siya.  "Hindi nga date iyon. May pag-uusapan lang kaming business."  "Ah so lalaki ka meet up mo Auntie?" dito na siya natigilan at nakangiti ako sa kanya ng nakakaloko. "Che!" Sigaw niya sa akin kaya natawa na ako. Salamat naman at pumapag-ibig na si Auntie. Gusto ko din naman siyang sumaya at magkaroon ng sariling pamilya. Ayaw kong ikulong siya sa akin. "Naku Auntie, sabi nga nila sa bibig nahuhuili ang isda. Basta mag-ingat ka lang ah. Huwag ka kaagad magpapahila sa Sogo Hotel. Ang bataan, kailangan mong pangalagaan!" Sa inis niya ay binato ako ng tissue. "Bastos kang bata ka! Matanda na ako Ayesa, hayaan mo na akong ienjoy ang kamunduhan. No need to pakipot na. Kapag nag-aya siya go na ako!" "Ay wow Auntie ah, nagsuot ka ba ng magandang panty?"  "Oo naman noh, terno pa ito ng bra ko. Ay naku Ayesa, tigilan na nga natin ito. Kumain na tayo."  Sumimsim muna ako ng kape at halos masuka ako sa lasa nito. Agad akong nagpunta sa lababo at doon nasuka. "Hoy bata ka! Anong nangyari sayo? baka buntis ka ah! Naku kakalbuhin kita! Nag-aaral ka palang!" "Auntie naman. Bakit ganoon? ang pangit ng lasa ng kape? hindi kaya expired iyan?" tanong ko at nagtaka naman siya. Kinuha niya ang mug ko at tinikman ang kape. "Anong pangit ang lasa? eh masarap nga. Hindi expired ito, next year pa nga expiration date oh." Hindi ko na ulit ininom ang kape at nagsimula ng kumain. Hindi na lang ako nagreklamo na halos wala akong malasahan sa luto ni Auntie na fried rice at itlog. Kulang ata sa asin itong luto ni Auntiae. Masyado siguro siyang excited sa date niya kaya minadali na niya ang pagluluto. After ko kumain ay nagpaalam na ko kay Tiya. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong pinikit ang mga mata ko. Wow! Grabe! Nakakasilaw ang araw ngayon! Iyong tipong hindi ko madilat ang mga mata ko dahil sa liwanag. Parang sobrang liwanag naman sa labas. Unmakyat ulit ako sa kuwarto ko para kunin ang nag-iisang sunglasses ko. "Anong meron sayo Ayesa? Bakit ka naka sunglasses?" tanong ni Auntie nang makita niya ako pababa ng hagdan. "Ang silaw kasi ng araw ngayon Auntie. Masakit sa mata. Anyway, mauna na ako Auntie, baka malate ako eh. Baka traffice." I said. Nang makalabas ako ng bahay ay napatakbo ako pabalik sa loob. Ang hapdi ng balat ko dahil sa araw. "Oh? ano bang nangyayari sa iyong bata ka?" tanong ni Auntie na takang taka sa kinikilos ko. "Grabe! Sira na ata ang ozone layer Auntie. Nakakapaso na anag araw! Nakakasira ng skin cells! Delikado na, baka magka-skin cancer ako." Bumalik ulit ako sa kuwarto at kinuha ang jacket ko sa cabinet. Sinuot ko na ito at muling bumaba. Hawak ko pa ang isang itim na payong para pangga sa nangangalit na init ng araw. "Alam mo, nawiwirduhan na talaga ako sayo," sabi ni Auntie habang nakatingin sa akin. "Ang init-init magja-jacket ka. Abnormal ka ba?" Dugtong niya. "Eh kasi naman Auntie nakakapaso ang araw. Ayokong magka-skin cancer. Sayang ang ganda. Mahirap na magkasakit." I said. "Hindi ka nga magkaskin-cancer, baka naman ma-heatstroke ka dahil naka-jacket ka. Init init ng panahon nakajacket ka." "Don't worry Auntie, may water akong baon. Pagdating ko talaga sa school tatambay agad ako sa library, aircon kasi doon eh. Grabe na ang climate change sa atin. Ibang iba na ang panahon ngayon kumpara noong unang panahon. Anyway, alis na ko Auntie." "Mag-iingat ka Ayesa." "Ikaw din Auntie. Enjoy your date! Ang bataan ah, baka mabutas!" "Che! Lumayas ka na ngang bata ka! Ang dami mo ng alam!" "Siyempre Auntie nag-aaral ako eh. Bye!"  Lumbas na ako ng bahay at agad na binuksan ang payong ko. I don't care sa mga nakatingin sa akin kahit pa tirik na tirik ang araw ay naka-jacket ako. Ayokong masira ang ganda ko, baka hindi pa man kami nagtatagal ni Heighman ay bigla na lang niya akong iwan dahil  nasira na skin cells ko. Pagdating ko sa St. Mary's University ay pinagtitinginan ako ng mga students. Sino bang weirdo na tirik na tirik ang araw ay nakajacket? well, ako lang naman. Eh bakit ba? sa napapaso ako eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD