Chapter 5

1134 Words
Kahit anong pigil niya kay Karla ay nagpahatid pa rin ito sa kanto ng bahay nila. Ayaw nitong nagpahatid sa mismong bahay nito dahil magagalit daw ang tatay nito sa kan'ya kaya hindi na siya nagpumilit pa. Nang tignan niya ang relong pambisig ay alas-otso na ng gabi at alam niyang tapos ng kumain ang mag-iina niya. Malalim siyang napabuntong-hininga bago bumusina sa gate ng bahay nila. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Nang ganap na makapasok ay napakunot ang noo niya nang may madatnang hindi pamilyar na kotse sa may garahe nila. May bisita ba sila? Kunot-noong tanong niya sa sarili. Nang ganap na makapasok ay kitang-kita niya ang masayang mukha ng asawa niya. Saglit siyang natigilan at hindi namalayan na napapangiti na rin pala siya. Likod ng isang matangkad na lalaki ang bumungad sa kan'ya. Tila naramdaman naman nito ang presensiya niya kaya mabilis itong napaharap. Kita naman niya ang mabilis na pagngiti nito. "Pare!" masayang sabi nito. Nang mapalingon sa kan'ya si Samantha ay mabilis na nagbago ang hilatsa ng mukha nito at kumapit kay Franco. "Franco! Nandito na siya!" At kita niya ang paghigpit ng pagkakayapos nito sa lalaki. Nasaktan man sa ginawa ng asawa niya ay hindi niya ito ipinahalata. Instead, he walk normally hanggang sa makalapit sa mga ito. Akmang hahalikan niya sa may pisngi ang asawa niya nang mabilis itong umiwas. "Franco! Huwag mo siyang hayaang makalapit sa akin," mabilis na sabi nito. Mabilis naman itong inalalayan ni Franco pagkatapos ay hinawakan ito sa magkabilang mga kamay. "Sam," malumanay na tawag nito sa asawa niya. "Listen to me, okay? Hindi masamang tao si Allen. He is your husband. In fact, mahal na mahal--" "No! Hindi ako magmamahal ng kagaya niyang demonyo. Halika roon na lang tayo sa may kwarto ko, tignan natin iyong mga regalo mong damit para sa mga kambal." At pilit na itong inakay ni Sam paalis. "Bro," mahinang tawag naman sa kan'ya ni Franco. "Sige na, pagbigyan mo na muna siya. I'll just go to the guest room," seryosong sabi niya rito. Marahan naman itong tumango pagkatapos ay umalis na. Malaki naman ang tiwala niya kay Franco at kumpiyansa siyang wala itong gagawin na hindi niya magugustuhan. Sa dami ng mga pinagdaanan nila ay tila naging kampante na rin siya rito. At ang isa pa, Franco is already engaged with Mara. Minabuti niyang silipin muna ang mga bata bago nagpasiyang umakyat na papunta sa may guest room para magpahinga. Pero halos limang minuto pa lamang siyang nakahiga ay mabilis na siyang bumangon para silipin kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Bahagya niyang binuksan ang pintuan para makita ang mga ito. Hindi niya lubos akalain na sisilip siya sa mismong kwarto nilang mag-asawa. Kita niya ang masayang mukha ng asawa niya habang isa-isang tinitignan at binubuksan ang mga regalong damit panlalaki ni Franco kay Samantha. Siguro ay wala pa itong alam sa nangyari dahil hindi naman makakapagkwento ng maayos si Samantha rito dahil ang buong akala nito ay buntis pa rin ito at ang isa pa, kadarating lang nito galing ibang bansa. "Franco! Ang gaganda ng mga ito! Thank you!" parang batang sigaw pa ng asawa niya. "Welcome, para sa inyong mag-iina. By the way, ilang buwan ka na ngang buntis?" kunot-noong tanong nito. "Mag-pipito na." Ngiting-ngiting sagot ni Samantha habang hinihimas pa ang tiyan nito. "I can't believe you are actually carrying a twins, I mean. Look at you, napaka-sexy mo pa rin--" "Are you saying that I am not pregnant?" biglang tanong ni Samantha rito. "What? Of course not. Ang ibig ko lang sabihin ay ang ganda mo pa rin," alanganing ngiti ni Franco. Tila nagtataka na rin ito sa ikinikilos ni Samantha. Kita naman niyang napangiti ang asawa niya dahil sa sinabi nito pero kaagad din iyon napalitan nang magtanong si Franco. "What happened, Sam?" seryosong tanong nito. "What?" Taas kilay na tanong ng asawa niya. "Bakit ganoon mo tratuhin si Allen ngayon? Naguguluhan kasi ako. Natatandaan ko pa kung gaano mo kamahal si Allen. Did he done something to you? Sinasaktan ka na naman ba niya?" seryosong tanong nito. Gusto na niyang pumasok at sumagot ng hindi niya magagawa iyon pero pinigilan niya ang sarili niya. "Huwag na natin siyang pag-usapan." "Sam, you know you can trust me. Right?" pangungumbinse pa rin ni Franco rito. "He's the worst person I have ever met, Franco. He tried to kill me," seryosong titig nito kay Franco. Mabilis niyang nakuyom ang kamao niya! She knows that is not true! Aksidente lang iyon. Hindi niya gustong mapahamak ni isa sa mga mag-iina niya. "What?!" gulat na gulat na sabi ni Franco at napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. "Samantha, what are you saying?" Kunot-noong tanong pa nito. "Binalak niya kaming patayin ng mga babies ko sa tiyan, mabuti na lamang at malalakas at makakapit sila. Kung hindi ay napahamak na rin sila. Franco, Allen is a monster. Akala ko ay nagbago na siya pero nagkamali ako. Papatayin niya ang mga anak ko, o hindi kaya ay ako at ikaw. Franco, alisin mo kami rito!" At nag-uumpisa ng mag-panic ang asawa niya. Gusto man niyang pumasok ay pinigilan niya ang sarili niya dahil baka mas lalo lang itong magwala. "Sam, listen, listen." At hinawakan nito sa magkabilang balikat ang asawa niya. "I am here, walang mananakit sa iyo. You are in a safe place, mababait ang mga tao rito. Nandito si Allen, hindi siya masamang tao--" "Franco! Hindi mo alam ang sinasabi mo, sasaktan niya ako. Sasaktan niya kami! Maniwala ka, masama siyang tao!" At nag-umpisa na itong humagulgol at umiyak. Dahil hindi na niya matagalan ang mga paratang sa kan'ya ni Samantha ay mabilis siyang umalis doon at bumaba para kumuha ng maiinom. Kung pwede lang ay lunurin na niya ang sarili niya sa alak araw-araw ay gagawin niya. Habang umiinom ng alak ay nabuo ang plano sa isip niya. Hindi niya hahayaang lumala pa nang lumala ang kondisyon ng asawa niya. Kailangan na talaga nito ng tulong. Ilang sandali pa ay may isang kamay na tumapik sa balikat niya. "Bro." Hindi na niya ito pinagkaabalahang tignan dahil alam naman niya kung sino ito. "Have a sit. Samahan mo akong uminom," seryosong sabi niya rito. Mabilis naman itong umupo at tinitigan siya. "Don't stare at me like that Franco, hindi totoo ang mga ibinibintang ni Samantha sa akin." Seryosong sabi niya bago tuluyang uminom. "I thought you'll gonna protect her kaya nagparaya ako sa iyo noon. Pero bakit nagkaganoon siya?" "Sinisisi mo ba ako?" "You know very well that you are the one causing her so much pain right now. I just want to know the whole story, bakit nagkaganoon si Sam?" Malalim muna siyang napabuntong hininga bago sumagot. "We met an accident. She lost our babies." Seryosong sagot niya na nakapagpatigil dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD