bc

HIS MISTAKES (SPG)

book_age18+
5.3K
FOLLOW
33.0K
READ
billionaire
sex
arrogant
dominant
drama
tragedy
bxg
heavy
city
surrender
like
intro-logo
Blurb

Akala nina Allen at Samantha ay happy ever after na sa kanilang dalawa nang magpakasal ang mga ito. Pero paano kung muli silang subukin ng isang trahedya na sisira sa pagsasama nila bilang isang mag-asawa? Kakapit ka pa rin ba sa pagsasamang hindi mo alam kung may pag-asa pa? Is there still a happy ending for the two of them?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Ang malagim na trahedya
"Congratulations Mister and Misis Montemayor, you are having a fraternal twins!" Masayang sabi ng doktor na tumitingin sa kan'ya ngayon. "Really?! Damn! I am so damn good shooter!" Ngising sabi ni Allen na kaagad naman niyang hinampas ng mahina sa may isang kamay. "Yes, Mr. Montemayor, you are too good." Ngising sagot din ng doktor dito. Wala siyang ibang nagawa kung hindi mapailing na lang. "Just be careful okay? Kailangan ng doble ingat dahil doble rin ang mga dinadala mo. Just don't forget to take your vitamins." At binigyan na siya nito ng mga vitamins pagkatapos ay umalis na rin sila. Naiwan muna ang mga bata sa bahay ng nanay niya at mga kapatid. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Allen habang inaalalayan siya nito papasok sa may sasakyan. "Allen, okay ka lang ba?" Ngiting baling niya rito nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan. "Yes, I am just so damn happy right now, kaya ko palang bumuo ng basketball team!" proud na proud na sabi nito. "Ano ka ba. Last na ito, Allen. Ang hirap kayang umire. Mabuti sana kung ikaw ang manganganak para sa akin," ismid niya rito habang nagmamaneho na ito. "Woah, just imagining my self delivering those babies in my sharpen wanna makes me vomit," parang kinikilabutan pa na sabi nito. Napailing na lamang siya sabay haplos sa may tiyan niya. Hindi siya makapaniwala na dalawang buhay ngayon ang nasa may sinapupunan niya. 6 months na siya ngayong buntis at talagang sinadya nilang huwag alamin ang gender ng mga anak nila dahil gusto nilang ma-surprise sila ni Allen. Masaya siya na pagkatapos ng napakaraming bagay at pagsubok na pinagdaanan nilang dalawa ni Allen ay heto pa rin sila, isang buo at masayang pamilya. "Let's take out some food, kila nanay na lang tayo mananghalian," biglang sabi ni Allen na kinatango na lamang niya. Ilang sandali pa ay nakadating na rin sila sa bahay ng nanay niya at kaagad sumalubong sa kan'ya si Sofia. "Nanay!" At yumapos ito sa may binti niya. "Oh Ate, be careful okay? You might hurt your brothers," ngiting sabi ni Allen sa anak nila. "Wow mga anak, lalaki ba ireng mga kambal?" Masayang tanong ng nanay niya na nakalabas na rin pala. "Hindi po, Nay. Assumero lang po itong si Allen," Ngiting sagot niya sa nanay niya pagkatapos ay inakay na nito ito papasok habang si Sofia ay binuhat ni Allen. "Nanay, you are here na po pala." Bungad ni Alexander habang kasabay nito si Aria. Si Aria ay hindi na nila tinuring na iba dahil mabait at magalang naman itong bata at ni minsan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo. "Let's eat para makauwi na tayo. Kailangan ng pahinga ng nanay niyo." Sabi ni Allen at mabilis na itong nagpunta ng lamesa para tulungan ang nanay niya na maghapag ng pagkakainan. Natutuwa siya habang tinitignan ang buong pamilya niya. Sana ay hindi na matapos ang kaligayan nila, sana ay palagi na lamang silang ganito. Habang kumakain sila ay nagbibiruan pa ang mga ito, close na close na rin ang nanay niya kay Allen kahit dati ay halos isumpa na rin niya ito. Mag-aalas tres na ng hapon nang ganap silang magpaalam sa nanay niya. Mahigpit na hinawakan ng nanay niya ang isang kamay niya bago siya nito bitawan. "Mag-iingat kayo , anak ha?" Napakunot noo at tawa naman siya sa klase ng itsura ng nanay niya, para kasi siyang mag-aabroad kung makapagpaalam ito. "Oo naman po, Nay. Bibisits ulit kami sa susunod na linggo." Ngiti niya at tuluyan ng umalis. "Ako I am sure that they are all girls kasi ang ganda ni Nanay," Nakangiting sabi ni Alexander habang papauwi na sila. Kita naman niyang napangiwi ng bahagya si Allen. "How about you, Aria?" Ngiting baling niya sa tahimik na si Aria. "It's a boy po, Nanay." Kita naman niya ang pagngisi ng malaki ni Allen. Pagkatapos ay bumaling kay Sofia na busy sa paglalaro sa hawak nitong barbie. "How about you, my baby? Is it a girl or boy?" tanong pa rin ni Allen dito kahit sa tingin niya ay hindi naman nito iyon naiintindihan. Pero hindi naman ito sumagot kaya kibit balikat lang si Allen dito. Ilang sandali pa ay nakauwi na sila ng bahay. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang matulog at magpahinga, habang tumatagal kasi ay nakakaramdam siya ng kakaibang pagod. Dahil na rin siguro sa mga dinadala niya. Mabuti na ang makasigurado dahil hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa mga anak niya. Mabuti na lamang at kumuha ng tagapag-alaga si Allen para sa mga anak niya. Nagising siya na kumakalam ang sikmura. Nang tignan ang orasan na nakasabit sa may pader ay alas dos na ng madaling araw. Nang tignan naman niya ang katabi niya ay mahimbing itong natutulog at napatitig siya rito. Napakagwapo pa rin talaga ng asawa niya kahit natutulog, bumaba pa ang mga tingin niya sa mapupulang mga labi nito kaya bahagya siyang napalunok. Ilang sandali lang dahan-dahan na itong nagmulat ng mga mata na tila naramdaman nitong may nakamasid dito. "Wife, what is wrong?" paos na tanong nito. "Wala naman." Iwas na tingin niya. "Why are you blushing?" Ngising tanong nito sabay harap sa may mukha niya. "Pinagnanasaan mo ba ako, Samantha?" "Of course hindi!" Sabay palo ng bahagya sa may mukha nito. Nahihiya pa rin siya kay Allen kahit na asawa na niya ito. Mabilis siyang tumayo at nagsuot ng tsinelas. "Oh? Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ito. "N-Nagugutom ako." At mabilis na siyang tumalikod pero sinundan siya ni Allen. "Samahan na kita." At mabilis na siya nitong inalalayan pababa ng hagdanan. "What do you wanna eat?" seryosong tanong nito nang nasa may kusina na sila. "Uhmm.." Nag-iisip na sabi niya habang nakatingin dito. Bigla naman itong napangisi ng nakakaloko. "Wife, I know you are craving for me but I am sorry, you need to control yourself. Maselan ang pagbubuntis mo and I don't want my children to be in danger." Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Pervert!" Sabay hampas niya ng isang kamay niya sa may balikat nito. "Ouch!" Kunwaring sabi nito. "Bakit ang bigat na yata ng braso mo, wife?" Sabay kuha nito sa isang kamay niya. Mabilis naman siyang napaismid dito. "Kasalanan mo ito. Kung anu-ano kasing pinapakain mo--" Pero nabitin ang sasabihin niya nang biglang umarko ang isang kilay nito. "What?" tila walang malay na tanong nito. "Wala!" At mabilis na siyang tumalikod dito para buksan ang ref. Bakit tila iba ang naiisip niya? Nahawa na siguro siya kay Allen ng pagiging maniac. Mabilis naman niyang ipinilig ang ulo at kumuha ng nutella. "Wife, iyan na naman?!" Pero hindi niya ito pinansin at umupo na at kumuha ng tinapay. "Wife, baka naman maging uling na ang mga anak natin kapag lumabas?" Nang samaan niya ito ng tingin ay mabilis itong ngumiti sa kan'ya. "Sabi ko nga, masarap iyan. Pahingi." At mabilis na itong lumapit para kumuha pero mabilis niya itong inagaw. "Huwag kang kakain." Mabilis na sabi niya na ikinailing na lamang nito. Halos makalahati nga niya ang tinapay at nakatingin lang sa kan'ya si Allen. Nang akmang tatayo na siya ay bigla niyang naramdaman ang pagkirot ng balakang niya at mabilis na napahawak dito. "Aray!" "Sam, what is wrong?" Alalang tanong nito sabay alalay sa kan'ya. Mabilis naman siyang umiling at napangiti rito. "Wala, baka sumipa lang ang kambal." "Are you sure?" Mabilis naman siyang tumango pero kita niya pa rin na mukhang hindi ito kumbinsido sa tanong niya. Ilang araw na niyang napapansin na napapadalas ang pananakit ng balakang niya at talagang nag-aalala na siya. Katulad ngayon, hirap siyang makatayo. "Aayusin ko lang ang sasakyan then we will go to your ob. Mas mabuti na iyong nag-iingat." Seryosong sabi ni Allen na biglang umuwi dahil tinawagan niya ito. Marahan naman siyang tumango. Ilang sandali lang ay nakasakay na sila sa may sasakyan. "How was your feeling?" tanong pa rin ni Allen habang panaka-nakang nakatingin sa kan'ya dahil nagmamaneho ito. "Medyo bumubuti na. Okay lang ako, Allen." Pero papaliko pa lamang sila ay isang mabilis na motorsiklo ang papunta sa may direksiyon nila. "Damn!" alalang sabi ni Allen. Mabilis nitong makabig ang sasakyan pero tumama pa rin ang motorsiklo sa may tabi ng pwesto niya. Halos mahilo siya sa lakas ng impact nito. Pero mas nanlumo siya nang makita ang pulang-pulang mga dugo sa may binti niya. "A-Allen, ang kambal." At marahang hinawakan ang may binti niya. "Putcha!" Dinig pa niyang mura ni Allen bago tuluyang nandilim ang mga paningin niya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nawalan ng malay. Basta ang natatandaan niya ay binangga sila ng isang motorsiklo. Nang ganap na ma-realize ang nangyari ay mabilis siyang napaupo pero mabilis siyang inalalayan ni Allen. "Sam, you are awake. Thanks God!" At mabilis siya nitong niyakap. "Allen, our babies? Nasaan ang mga babies natin? Ang tiyan ko? Bakit maliit na?!" Tanong niya habang hinahawakan ang tiyan niyang halos lumiit ng kalahating beses. "Sam.." At mahigpit lang siya nitong hinawakan pero ramdam niya ang pag-iyak nito dahil gumagalaw ang mga balikat nito. "Allen, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Mabilis itong humiwalay sa kan'ya pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang mga pisngi. "Sam, they are gone," malungkot na sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. "Ha? Saan sila dinala? Tara puntahan natin sila." At mabilis niyang pinaghahablot ang mga nakakabit sa kamay niya. "Sam!" Pigil sa kan'ya ni Allen at mahigpit ulit siyang niyakap. "Hindi na sila umabot dito sa hospital. Nang tignan sila ng mga doktor ay patay na sila sa may sinapupunan mo. I am sorry, wife--" ---------- Nabitin ang anumang sasabihin ni Allen nang malakas siyang itulak ni Samantha at sampalin. "Liar! What are you talking about! Gusto ko silang makita!" At umakmang bababa nang mahigpit niya itong pigilan. "Wife, please. Wala na sila, inilibing na sila kanina," mahinang sabi niya rito. Nalulungkot siya, hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng emosyon ang lumulukob ngayon sa kan'ya. Sa dami ng pinagdaanan nilang dalawa ni Samantha, ito ang pinakamasakit. Pero nagulat siya nang biglang nagsisigaw si Samantha. "Sinungaling ka! Niloloko mo lang ako. Nandito pa sila, hindi ba mga anak?" Sabay kausap nito sa may tiyan nito. "Sam, please. I know it's hard to accept pero wala na tayong magagawa. They are gone and I am sorry dahil hindi ko kayo naprotektahan." Umiiyak na sabi niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito dahil siya ang may hawak ng manibela. "Ibalik niyo sila! Please, my babies!" Nagwawalang sabi nito at mabilis na tumayo at nakalapit sa may pintuan pero mabilis niya itong nahawakan. "Wife, I know what you are feeling--" Pero mabilis siya nitong sinampal. "Hindi! Hindi mo ako naiintindihan! I want my babies! Give me back my babies, Allen! Please!" At napaupo ito sa may sahig. Mabilis naman niya itong dinaluhan. Nasasaktan siyang makita si Samantha na nagkakaganito. Hindi niya kaya. "Okay Sam, please. Just relax, take a deep breath. Kapag okay ka na ay dadalhin kita sa kanila," seryosong sabi niya rito na dahilan para magningning ang mga mata nito. "Talaga, Allen?" "Yes." Sorry wife if I need to lie. Kailangan mo munang magpahinga. Alam kong hindi pa naproproseso sa isipan mo ang pagkawala ng mga anak natin.. Nang sabihin niya kay Samantha na kailangan muna nitong magpahinga para makita nito ang mga anak nila ay kaagad itong natulog. Sinisisi niya ang sarili niya dahil napakairesponsable niyang asawa dahil hindi niya nagawang tulungan ang mag-iina niya. He is so damn irresponsible! Wala siyang kwenta! Dahil sa inis ay hindi niya namalayan na pinagsusuntok na pala niya ang pader ng kwarto ng asawa niya mula sa may labas. "Tatay!" Biglang tawag sa kan'ya nang paparating niyang mga anak kasama ng mga yaya nito. Mabilis naman ang mga itong yumakap sa kan'ya at hinanap si Samantha. "Si nanay po?" "Nagpapahinga pa ang nanay niyo. Come on, let's all see her," mapait na ngiti niya sa mga anak. Ayaw niyang ipakita sa mga ito na sobra rin siyang apektado dahil alam niyang makakasama ito kay Samantha. Nang buksan ang pintuan ay sakto naman na pagmulat ng mga mata ng asawa niya at napangiti nang makita ang mga anak nila. "Wow! You are all here," ngiting sabi nito sa mga bata. "How are you, nanay?" Seryosong tanong ni Alex. "Okay lang. Pero sabi ng tatay niyo ay kailangan ko munang magpahinga para makita ko ang mga kapatid niyo. Excited na ba kayong makita ang mga babies natin?" Masayang-masayang tanong ni Samantha sa mga anak nila. Kaagad naman napatingin sa kan'ya ang mga ito at tila nagtatanong. "Nanay, ang sabi po ni Tatay ay--" "Alex," seryosong tawag niya rito para pigilan ito sa sasabihin. Nang mapatingin ito sa kan'ya ay marahan siyang umiling at tila naintindihan naman nito ang ibig niyang ipahiwatig kaya bigla itong natahimik. "How about you, Allen? Excited ka na rin ba?" Ngiting baling sa kan'ya ng asawa niya. Matagal muna siyang hindi nakapagsalita bago marahang tumango. "O-Of course." Nabubulol na sagot niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook