Chapter 2

1493 Words
Halos isang oras lang nagtagal doon ang mga anak nila at umuwi na rin ang mga ito. Seryoso siyang nakatingin sa asawa niya habang mahimbing itong natutulog. Nang biglang may kumatok at pumasok ang doktor na umopera kay Samantha. "How is she, Mr. Montemayor?" Tanong ng doktor nang ganap na makapasok. "She is not okay. I don't know how will I explain to her that our sons are gone," malungkot na sagot niya. "I understand, Mr. Montemayor. Carrying twins are very risky. I will just check up her wounds." At mabilis na nitong pinuntahan ang asawa niya. Nang matapos ang doktor ay ang siya namang pagdilat ng mga mata nito. Kaagad naman napangiti ang asawa niya nang makita ito. "Doc? Good thing you are here. Ibibigay mo na ba sa amin ang mga babies namin?" Ngiting-ngiting tanong nito. Mabilis naman napatingin sa kan'ya ang doktor na tila humihingi ng tulong sa kan'ya. "Ah, Sam. May pupuntahan pa kasi si Doktora. Tinignan ka lang--" "No. It's her job. Kailangan sabihin niya sa akin kung kumusta ang mga anak natin," matigas na sabi ni Samantha. Malalim na napabuntong-hininga ang doktor bago tuluyang nagsalita. "I know that this is hard. But as a doctor, it's my duty to tell you the truth weather how bad or good is it," seryosong sabi nito na nakapagpahinto ng mundo niya. "A-Anong ibig mong sabihin, dok?" kinakabahang tanong ni Samantha na tila nagbabadya na ang mga luha. Mabilis naman niya itong nilapitan at hinawakan ang isang kamay. "When they rushed you here, maraming dugo ang nawala sa iyo. And when I checked the hearbeats of your babies, they are so weak until it was totally gone. I am sorry Mrs. Montemayor, we did our best pero hindi na namin sila naisalba. Kita naman niya ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ni Samantha pero nagulat siya nang bigla itong napangiti. "Are you guys pranking me?" Ngiting tingin nito sa kan'ya. Marahan naman niyang napisil ang isang kamay nito na hawak niya. "I am sorry but I already told you what I need to tell. Tomorrow ay pwede nang makalabas ang asawa mo, Mr. Momtemayor. I'll just give the orders and clearance to the nurses." At mabilis na itong lumabas kasama ang nurse nito. "Dok!" Tawag ni Samantha at akmang hahabulin ito nang pigilan niya. "Sam, please," malungkot na titig niya sa mga mata nito. "You are all liars! Bakit ba kayo nagsisinungaling, ha?! Bakit ba ayaw niyong ipakita sa akin ang mga anak ko?!" Galit na galit na sabi nito at pinaghahampas siya. Pero mabilis niya itong niyakap nang mahigpit. "I am sorry, wife. I am sorry." Mula nang makalabas sila nang hospital ay tila nakulong na sa kalungkutan ang asawa niya. Hindi na siya nito kinakausap. Pati mga anak nila ay apektado na rin. Nang tignan niya ito sa kwarto ay nakaupo ito sa isang rocking chair habang nakangiting hinihimas nito ang tiyan nito. He knows that his wife is in a deep deppression right now and she needs help pero ayaw nitong magpatulong sa kan'ya. "Sam," agaw niya sa pansin nito. Mabilis naman itong napatingin sa kan'ya kaya mabilis siyang pumasok. "Allen, akin na ang isang kamay mo," seryosong sabi nito. Nagtataka man ay iniabot niya na ito rito. "Nararamdaman mo ba sila? They are moving a lot!" Masayang sabi nito habang hawak nito ang isang palad niya na ipinatong nito sa may maimpis na nitong tiyan. "Sam.." nag-aalalang tawag niya rito. Kunot-noo lang itong tumingin sa kan'ya. "Why? Hindi ka ba excited?!" At kita niya ang biglang pag-iiba ng hilatsa ng mukha nito. Malalim siyang napabuntong hininga at nagsimulang lumuhod para hawakan ang magkabila nitong mga kamay. "Wife, please I need you. We still need you. Kami ng mga bata, na-mimiss na namin ang dating ikaw. Please go back to your normal state of mind," pagmamakaawa niya rito at hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata niya. Pero tinitigan lang siya nito at muli nang bumalik ang mga mata sa may tiyan nito. Malalim siyang napabuntong-hininga at napakuyom ang isang kamao. Mabilis siyang lumabas at sumakay ng sasakyan niya. He is heading to his company. Ayaw man niyang iwan ang asawa ay kailangan niyang magtrabaho dahil marami siyang naiwang mga tambak na papeles mula ng maaksidente sila. "Goodmorning, Sir!" Bati sa kan'ya ng mga taong nadaraanan niya pero wala siya kahit na isang nginitian o pinansin. This fast few days ay tila bumalik ang isang ugali niya na nabago na noon ng asawa niya. High and arrogant. Dahil na rin siguro sa nangyayari sa asawa niya kaya hindi niya maiwasang mainis at nadadala niya ito sa trabaho. "Good--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng secretary niya at dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina niya. Pabagsak siyang umupo sa may swivel chair niya at napahilot sa may sentido niya. Lumilipad ang isip niya kay Samantha. His poor wife. Mabilis niyang pinindot ang intercom at nagsalita. "One black coffee, hurry!" At mabilis din itong pinatay. Ilang sandali pa ay may kumatok na at pumasok. "Iwan mo na lang--" Pero nabitin ang sasabihin niya nang mag-angat siya ng tingin. Mabilis siyang napakunot-noo. "Who are you?" "G-Goodmorning po, Sir. A-Ako po si K-Karla--" "Stop. Why are you here? Where is Beth?" Nagtatakang tanong niya. "Ang sabi po sa akin ni A-Auntie Beth ay--" Mabilis itong napahinto at humugot muna ng malalim na hininga. "Hey? Do I look like a monster to you? I am just asking you a simpleng questions and yet para ka ng mahihimatay diyan," iritableng sabi niya rito. Mabilis naman na napailing ang babae at tila may namuong luha sa may gilid ng mga mata nito. Mabilis naman siyang natigilan. Ganitong-ganito si Samantha sa kan'ya noon kapag natatakot. Bigla naman siyang napangiti sa naalala. Pero biglang nabura ang ngiting iyon nang muling bumalik sa isip niya ang itsura ng asawa niya ngayon. Wala na ang dating sigla sa mukha nito. Mabilis naman siyang napatikhim at bumalik ang pansin sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan niya. Aaminin niya, somehow she looks like her wife. Simple and naive. Nababakas sa pananamit nito na galing ito sa mahirap na pamilya. "As I am saying. Why are you here?" Taas kilay na tanong niya. "Ang sabi po ni Auntie Beth ay nasabi na po niya sa inyo ang pagdating--" "Stop right there," pigil niya sa sinasabi nito. Mabilis niya kasing naalala ang napag-usapan nila ng sekretarya niya pero nawala na iyon sa isip niya dahil natuon na lamang ang pansin niya sa asawa. "Paaalisin niyo na po ba ako?" natatakot na tanong nito. "No. You can actually start right now. But please, ayaw ko ng tangang sekretarya. I want you to focus on everything you are doing. Now, do whatever you need to do." At yumuko na siya para magsimulang basahin ang mga papeles sa may lamesa niya. Ilang sandali pa ay tumunog ang pintuan tanda na umalis na ito. Hindi na niya pinag-aksayahang lingunin ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya alam kung ilang oras na siya sa ginagawa at sumasakit na ang batok niya. Marahan siyang sumandal at pumikit. Pero sa pagpikit niyang iyon ay hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. Dahil doon ay unti-unti siyang dinadala sa isang masarap na panaginip na kung saan ay magkayakap sila ni Samantha habang nakahubad. They are making love, he is licking and sucking ever inch of his wife's body. Nagising siya sa lakas ng sampal na dumapo sa may kaliwang pisngi niya. "Damn!" Malakas na mura niya at mabilis na napatayo. Nang tignan niya kung sino ang gumawa nito ay mabilis itong napayuko. Mabilis naman niya itong nahawakan sa may isang braso. "Why the f**k did you do that?!" galit na sabi niya rito. "S-Sir, sorry po. Kanina ko pa po kasi kayo ginigising. Pero umuungol lang po kayo," nahihintakutang paliwanang ni Karla. "Are you kidding me?! Ano bang pakialam mo kung umuungol ako?! Don't you know that no one has the permission to slap at me beside from my wife?!" At lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa may braso nito. Nang may bumagsak na mga luha sa mga mata nito ay tiyaka niya lamang itong binitawan. "Ano bang kailangan mo?" "Sorry po, kanina pa po kasi tumatawag si Alexander, anak niyo--" Pero hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at mabilis niyang kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa may lamesa at mabilis itong tinawagan. Ilang ring lang at mabilis na may sumagot. "Hello, Tatay! Mabuti po at sumagot na kayo. Si nanay po kasi kanina pa nagwawala at gustong lumabas," nag-aalalang sabi nito mula sa may kabilang linya. "Okay. Diyan lang kayo at huwag niyong iwan ang nanay niyo. I am on my way." At mabilis na niyang hinila ang coat niya. "Sir, may meeting--" "Just f*****g cancel it and don't disturb me!" Sigaw niya kay Karla bago mabilis na tumakbo palabas. Kinakabahan siya kapag tungkol na kay Samantha ang pinag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD