He just smiled nang makita niya ang mga ngiti ng asawa niya. He felt so happy dahil walang masamang nangyari sa asawa niya. Ang buong akala niya ay hindi na rin niya ito makikita. Mabuti na lamang at malakas pa rin siya sa itaas kahit papaano. "Sam," tawag niya rito habang nakaupo sila sa may sofa at umiinom ng kape. "I just want to apologize sa maling paratang ko sa iyo. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos. Tama ka, ako ang dapat na higit na nakakakilala sa iyo."At hinawakan niya ang isang kamay nito. Mabilis naman nitong pinatong ang kamay nito sa may kamay na hawak niya at ngumiti sa kan'ya. "Naiintindihan kita, Allen. Dahil kagaya mo, minsan na rin kitang hinusgahan. Pero ang importante ay okay na tayo ngayon. From now on ay hindi na dapat tayo basta-basta magpabulag sa ibang tao," mah

