Halos dalawang oras din na nagbabad sa tubig ang mga kasama nila bago tuluyan ang mga itong nagsawa kaya inaya na nila ang mga itong kumain ng dinner. Sa restaurant ng hotel na lamang nila napiling kumain at bukas na lamang sila maglilibot-libot para mamasyal. Minabuti niyang tabihan ang anak niyang si Alex sa may hapagkainan para maka-bonding niya ito ng maayos. "What do you want to eat, Alex?" Ngiting tanong niya rito na busy sa paglalaro nito sa may cellphone nito. "Anything," maikling sagot nito. Malungkot naman siyang napatango. Habang kumakain ay wala itong imik habang ang lahat ay busy sa pagkwe-kwentuhan at pag-aasaran. "Do you want anything?" tanong niya kay Alex nang mapansin niyang hindi ito masyadong kumain. "I am full, excuse me po but I need to go to our room." At ma

