Paalis na sana siya nang tawagin siya ni Allen. "Sabay ka na sa akin," yaya nito sa kan'ya habang papasakay na ito ng sasakyan nito. "No thanks, Dim will going to fetch me." At mabilis na siyang lumabas sa may gate at nagkunwaring naghihintay. She lied, hindi naman talaga siya susunduin ni Dim. Sinabi lang niya iyon para makaiwas kay Allen. Baka may makakita pa sa kanila at ayaw niyang malaman ng iba. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang sasakyan ni Allen. Ilang minuto pa siyang naghintay bago tuluyang lumabas para mag-abang ng taxi. Nakalimutan kasi niyang mag-request ng driver kay Dim. Pero halos mapatalon siya sa gulat nang may biglang bumusina sa kan'ya at ibinaba ni Allen ang side window nito. "Get in the car. Ibababa na lang kita sa medyo malayo.," seryosong sabi nito. Natig

