Habang nagmamaneho siya kasama ang mga anak niya at si Samantha ay napapangiti siya. Ayaw pala nitong sumama kaya pala mas nauna pa itong nakapag-ayos ng mga bagahe nito kesa sa mga bata. "Why are you smiling? May nakakatawa ba?" masungit na tanong nito sa kan'ya. "Nothing. Masama bang maging masaya?" Ngiti niya pa rin dito. Pero inismiran lang siya nito at hindi na pinansin. Kahit kailan talaga ay napakalaki ng toyo ng mga babae. Papunta sila sa isang private resort na pag-aari ni Damien, his cousin. Sayang nga lang at wala na ito. Nagawan niya ng paraan para ma-delay ang shoot nila Samantha ng dalawang araw at para hindi makasama ang Manager nito na si Dimitri. Sina Aria kasi at Keena ay kanina pang umaga naroroon dahil gusto raw nilang surpresahin ang mga ito. "Malayo pa ba? I

