Nang matulog siya ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari. Nang magising ay wala pa si Allen sa may tabi niya. Nang silipin niya ang orasan ay alas-onse na nang gabi. Mabilis niyangpinatungan ng roba ang suot niyang nighties at lumabas. Malamig na ihip ng hangin ang bumungad sa kan'ya sa mat teresa. Doon niya nakita ang natutulog na si Allen habang nakadukmo ito sa may lamesa kasama ng mga nagkalat na bote ng beer. Marahan niyang pinulot ang mga bote pagkatapos ay bahagyang niyugyog ang balikat nito. "Allen?" Dahan-dahan naman itong umungol bago magmulat ng mga mata. "Allen, halika na. Pumasok na tayo sa loob. Mukhang marami ang nainom mong alak," seryosong sabi niya rito. Mabilis naman itong napatingin sa mga bote ng alak at bahagyang ngumiti. "I am sorry wife, ayoko n

