Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago tuluyang lumabas. Nagulat pa nga siya nang makita niya si Allen na naghihintay sa may labas ng restroom. "Oh, bakit mo pa ako hinintay?" seryosong tanong niya rito. "It takes you so long kaya pinuntahan na kita. Ang akala ko kasi ay napano ka na. You know ayaw kong nawawala ka sa paningin ko ngayon." Ngiting sabi nito sa kan'ya daholan para mapangiti na rin siya. Mabilis naman siya nitong nilapitan at inakbayan. "Let's go." At naglakad na sila pabalik ng table nila. Abala pa rin sa paglalaro ang mga bata habang ang nanay naman niya ay busy sa pakikipaglaro sa bunso nila na si Sophia. "Are you enjoying?" tanong naman sa kan'ya ni Allen nang makaupo na sila. "Yes. Kids are so excited to go to the Inflatable Island tomorrow." Nakangiting sabi ni

