Chapter 46

1009 Words

Nang makaupo sa lamesa kasama nina Dim, Producer at ni Jacobb ay mabilis niyang hinugot ang cellphone niya para tignan kung may message sa kan'ya si Allen matapos niya itong i-text kanina pero napasimangot siya nang wala siyang matanggap na kahit ano. "Are you okay, Sam?" tanong ni Jacobb sa kan'ya. Tumango lamang siya rito at hindi nagsalita kaya napangiti ang producer sa kanila. "LQ?" Ngising tanong nito. "I heard you two are already dating." "Yes." "No!" Sabay pa na sabi nila kaya lalo itong natawa. Inis na sinamaan na lamang niya ng tingin si Jacobb at mabilis na nainom ang tequila na nasa may harapan niya. Halos dalawang oras na siya roon at sinubukan na niyang magpaalam. "Dim, I need to go. It's already 10 pm. Hinahanap na ako ng mga anak ako," seryosong sabi niya rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD