Arliyah Villareal “ANO LIYAH? Wala pa yung sundo mo?” Napabaling ako kay Jacob na bitbit ang helmet niya at papunta sa gawi ko. I glanced at his motorcycle near us. “Hatid na kita!” alok niya kung kaya napasulyap ako sa aking wristwatch tsaka umiling. Mr. Ciejo ordered me to wait for him, at ayokong mainis na naman siya dahil sa hindi ko pagsunod. “Darating na yung sundo ko. Ayos lang ako rito, maghihintay.” I smiled at him. Nawala ng kaunti ang ngiti sa labi niya at tumango. “Una na ako. Ingat k asa pag-uwi.” He lifted his arms and sighed heavily as he walked back on his motor. Umupo ako sa bench at napangalumbabang pinanuod ang mga students sa dumadaan sa gawi ko. Ang ilan ay pauwi na rin. Hanggang maging kaunti na ang kaninang maraming estudyante sa parking. Halos mag-iisa

