Arliyah Villareal Ciejo MABILIS AKONG tumayo dahilan din ng pagtayo ni Sandro. He blocks my way in a very determined manner. Agad niyang hinawakan ang braso ko dahilan para bumagsak doon ang aking tingin. “Kukunin ko sa opisina ko bukas.” Mas lalo akong napakunot ng nuo. “Kailan mo ibibigay? Magse-set na naman tayo ng meeting? Pahirapan na ngang masingit ako sa schedule mo.” Binawi ko ang braso ko para maalis sa hawak niya. “Hindi naman kailangang sumingit, Liyah.” He swallowed hard and fixed his stance. Tumikhim siya bago nagsalita muli. “Ako ang pupunta sayo. Set a schedule.” “Pwedi ako bukas. We can meet in a café—” “How about in your condo?” “What?” I laughed ridiculously. Nagpapatawa ba ito? “Tsaka paano mo nalaman na nagco-condo ako?” He sighed dramatically. “Kumain kan

