Arliyah Villareal Ciejo PALABAS NA AKO ng building namin, uwian na at halos wala nang katao-tao. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan nang mahagip ng tingin ko si Naomi, nagmamadali rin ito na lumabas. Hindi ko naman dapat ito mapapansin kung hindi ba naman nakasuot ng itim na shades at puting sombrero. She looks obviously trying not to get noticed, kahit ang totoo ay kapansin pansin sa galaw niya ang pagtatago. Wala na rin naman estudyante ngunit makikita ang pag-iingat nito sa paligid. I followed her until we reached the parking lot. May sasakyan doon na kulay itim na kanyang nilapitan at mabilis na binuksan tsaka pumasok. She even scanned the area to make sure that no one noticed her. I hide behind the wall. Sumilip at paalis na ang sasakyan na pamilyar sa akin. I leaned against the

