Arliyah Villareal UMANGAT ANG tingin ko sa pagpasok ni Mr. Ciejo. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang paggalaw ng panga niya bago ito napanguso. He glanced at the wall clock and sighed exhaustedly. “Bakit gising ka pa? Go to sleep, may pasok ka pa bukas.” Nanatili ako sa pagkakaupo sa couch. Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko, mukhang kakahatid niya lang kay Miss Bridgette ngunit sa pagmamadali ay hindi ko na nasingit na bayaran ang sinira niyang phone ko. “What happened to your phone?” sumalubong ang dalawang kilay niya at lumapit na sa akin. Instead of sitting beside me, he kneeled right in front of me. That made my heart flutter and made my mind wander for some thoughts that were out of reality. Hinawakan niya ang palad ko kung nasaan ang cellphone na basag ang scree

