ULILA

1851 Words
Arliyah Villareal I GROW UP in a home where comfort and safety were the top priority of my father, I was deprived of the chance to feel the pain and difficulties in life. Was deprived of the opportunities to grow into a stronger and wiser woman. I am an obedient daughter. A slave of my father’s rules, I know he only wants to protect me. Too much protection puts barriers to my growth. Books, music, piano lessons, enrolling in a valerian class, and other feminist activities were my only hobbies in our huge mansion. I grew up in a glamorous life where every girl wanted to be on my spot, nasa akin na ang lahat na hihilingin ng mga babaeng kaedad ko. “Liyah… I know that you have just lost your parents, but we need you informed about the remaining of their wealth.” May bara sa lalamunan ko matapos ang ilang linggong pagluluksa sa pagkamatay ng aking ina at ama. I’m still in the phase of processing what happened but they bombarded me with this unexpected news. I was young and naïve to understand the business industry, and how vast the corporations my father owned were. How it grew and grew every single day. Basta ang alam ko ay marami kaming pera, we are one of the elite and exclusive people in the city, we are one of the top VIPs in the country. But what I never understand is that even the status of life, the glamour, and diamonds can also be taken away that easily. I thought it was embedded in my life forever, I thought I would be able to live with it until my death. Sa pagkamatay nila dahil sa aksidenti ay nalaman ko na baon sila sa utang. Bankrupt na ang mga negosyo nila mama at papa. Ang iilang ari-arian, lupa at bahay na naipondar, idagdag pa ang mga natitirang pera sa bangko ay lahat naging kabayaran sa utang namin. Anupaman, sa huli ay kulang pa rin, ang iba ay hindi na naghabol. “Liyah! Pakilinis yung kuwarto ko, pupunta rito yung mga kaibigan ko. Okay?” My cousin tapped my cheek and grinned as she walked upstairs. Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniporme ngunit ito na ang naging bungad niya sa pag-uwi ko ng bahay galing escuelahan. Ang mansyon namin ay malaki, tila isang palasyo. Pero hindi prinsesa ang nakatira, kundi ang mga pinsan kong saksakan ang pagiging social climber. My Tito was the one who is living with me, he is starting to be part of the business industry. Marahil iniisip na puwedi siya sa posisyong iyun at mapapalitan ang mga nagawa ng aking ama. Siya ngayon ang nagiging provider namin, kasama na ako sa dalawang anak niya na pinapakain, kapalit nun ay ang pagtira nila sa tanging kayamanan na naiwan sa akin. Ang bahay ng mga magulang ko na puno ng mga alaalang kasama sila. “Hoy, Liyah! Matuto kanang magluto simula ngayon, hindi ko na kaya ang gastusin sa bahay na ‘to, pagkain pa lang ay kinakapos na ako!” pagsisimula na naman nitong mangsermon sa akin habang naghuhugas ako ng pinggan. Sinulyapan ko ang aking tiyuhin na nakatayo ito sa may pintuan, nagsimula siyang magsindi ng sigarilyo at marahas na bumuntong hininga. Problemado at tila kay bigat ng dinadala nitong mga nakaaraang araw. “Hindi ko na kaya na kumuha pa ng katulong kaya aalis na yang tapagsilbi natin sa bahay. Simula ngayon ay ikaw na ang gagawa ng mga gawain sa bahay, naiintindihan mo ba?!” untag ni Tito sa akin matapos maabutan akong nakatitig sa kanya. I laughed in my head. My first memory of this mansion flashes in my head, hindi ko alam na hanggang sa pagtanda ko ay dito pa rin ako. My growth only revolves around our house. I never had a chance to experience life outside, I was busy studying and doing the household chores, anyway. May mga pagkakataon na gusto ko rin maranasan kung paano gumimik at lumabas ng gabi. Kung paano sumama sa paanyaya ng mga kaklase. Dahil noon ay hindi ko magawa sa pagiging protective sa akin ng parents ko, ngayon naman hindi ko magawa dahil kapos na ako sa pera. “Malapit na ang debut mo! Hindi kana bata kaya dapat matuto kana. Hindi kana senyorita, huwag kanang umasal na mayaman dahil alam mong walang-wala kana.” Napairap ako at sumimangot. Paano ba naman hindi siya magigipit kung ang dalawang anak niya ay maluluho. Kung humingi ay akala mo anak ng presidenti ng Pilipinas. Psh! Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mas maghirap sila kaysa sa akin. GABI NA NUNG makauwi ako sa aming mansyon, ingay mula sa tugtog at mga tao ang aking naabutan doon. Halos mapanganga ako at nagmamadaling pumasok sa loob, maraming sasakyan sa labas at iilang motorsiklo. May nadaanan pa akong mga estudyanteng pamilyar sa akin, at iilang kaibigan ng pinsan kong si Lalaine. Halos hindi ako makadaan sa hallway dahil sa nagkukumpulang mga taong hindi nalalayo ang edad sa akin, may katandaan ang iba katulad ni Lalaine. Hawak ko pa ang strap ng bag ko nung hanapin ko siya sa unang palapag ng bahay. “Palasyo ang bahay nina Lalaine at Vivian. Ang ganda! Mayaman!” All I heard were giggles and chaotic noises from the people. I tried to get away from the partying crowd. Sa malaki at engrande naming hagdan ay nagmamadali akong umakyat. Binuksan ko agad ang master’s bedroom, ang silid ng parents ko kung saan pinagbabawal ko ang sinumang pumasok o gamitin ito ay doon naabutan ko ang aking hinahanap. I caught Lalaine with a guy, she is sitting on his lap while they are both naked under the bed. I gasped and couldn’t contain what they were doing. That was the first time I was exposed to s****l activity, I have witnessed it in an actual setting. “s**t! Who the hell is that?!” sigaw ng lalaki at tinulak si Lalaine na nakapatong sa kanya. Mabilis ko silang tinalikuran at lumabas ng silid. I restrained my tears because of too much anger and irritation. I was tired for the whole day extracting my energy from school and studying hard, I hadn’t eaten dinner and yet this is what I get after coming home. Napabaling ako sa unang lumabas ng silid nila mama at papa, it was the guy who glared at me while fixing his pants. Sunod na lumabas ay ang pinsan kong si Lalaine na iritabli akong tinapunan ng tingin bago tinalikuran. “Why are you throwing a party in my house?! Just because Tito Ramon is out of town doesn’t mean you can do anything you want in this mansion.” sinundan ko siya habang naglalakad ito sa hallway papunta sa silid niya. “Dapat maging maingat ka sa mga pinapapunta mo rito, pinayagan na nga kitang magdala ng kaibigan at kaklase mo sa iyong silid. Bagay na hindi ko ginagawa pero pinahintulutan kitang gawin iyun!” “Huwag mo akong ma-english-english diyan, Liyah!” sigaw niya nung harapin ako. “Baka nakakalimutan mo, si dad ang nagpapalamon sayo. Eh, ano ngayon kung nakikitira kami? Tingin mo mabubuhay ka kung ikaw lang mag-isa rito? FYI, bobita ka, kung hindi dahil kay dad baka sa kalye kana pinulot. As if namang kaya mong buhayin ang sarili mo. Kahit ibenta mo ‘tong bulok na mansyon niyo, hindi na maibabalik ang buhay na kinasanayan mo noon.” She pointed her finger on my face. Kulang na lang ay saktan ako sa pagkainis nito dahil sa pagpasok ko sa silid dahilan para matigil ang ginagawa nila. Hindi ko na napigilang maluha sa lahat, sa pagod at kalupitan ng buhay. “I didn’t ask for your respect and kindness since you started moving in here, pero sana respetuhin niyo naman itong bahay nila mama at papa,” I muttered between my tears. Pero kahit umiiyak na ako at nakikiusap sa kanya ay nagawa pa nitong mapairaip at mapanuyang ngumisi. “You know how I treasure this mansion, ito na lang yung natitira sa akin.” She looked at me like I was so full of drama in my life. I could no longer restrain my tears and cried but she just passed through me, binangga ang balikat ko dahilan para mapaatras ako. I didn’t complain, even though I was struggling living, I didn’t complain. Pero naging malinaw ako sa simula pa lang kung gaano ito kahalaga sa akin. Itong mansyon, ito na lang ang yamang natitira sa akin mula sa mga magulang ko. Ito ang bagay na hindi ko maaaring iwan o ipagkatiwala sa iba, maski anong pamimilit nilang lumipat na akong probinsya at ibenta ito. NAWALAN KAMI ng katulong, nabaon si Tito Ramon sa mga utang kalaunan. My father at least succeeded after starting his business empire. Pero ang kapatid nitong si Tito Ramon ay nagsisimula pa lang bumagsak na agad. “Hindi na kita mapapaaral ng kolehiyo. Wala na akong pera at trabaho, may mga utang pa akong binabayaran. Dito kana lang sa bahay at hayaan mo na ang mga anak ko ang pag-aralin ko.” He put his hand on his forehead and massaged it problematically. Pinanuod ko siyang magsindi ng panibagong stick ng sigarilyo habang ang lamesa sa harapan niya at tambak ng alak at pulutan. Mag-isang umiinom at tila maraming iniisip. Gumuho ang mundo ko sa balitang hatid niya. Pinigilan kong huwag maging emosyonal at makiusap sa kanya, kahit gaano ko man kagusto na makapagtapos. Dahil anumang pakikiusap ko ay mukhang kapos na talaga si Tito Ramon at wala ng pera. “Ma-magtatrabaho na lang ho ako,” mahina kong bulong at iniiwasan na mawasak ang aking boses. Kahit may bara sa lalamunan ay sinikap kong maging maayos ang tindig at postura sa harapan niya. Inayos kong mabuti ang aking mukha upang hindi niya makitaan ng kahinaan. Nagpakawala ito ng malakas na tawa, isang mapang-uyam na tawa at may panliliit akong tinignan. “At anong trabahong papasukin mo? Ano ba ang alam mo sa mundo, Arliyah? Isa kang Villareal, nabuhay sa karangyaan. Umaasa ka lang sa tulong ng ibang tao dahil hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa.” He poured the alcohol into his glass. Pinanuod kong mapuno iyun sa baso. “Wala kang pakinabang, mas mabuting dito kana lamang sa mansyon mo…” he added in a mumble. When everybody has the same opinions over you, it slowly convinces you that you can’t. That this is the life is already destined for you. Hindi kana puweding mangarap, hindi kana maaaring maging higit pa sa nais mo. At sa huli ay makukumbinsi kana lang din, lalo na at iyun ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa iyo. Sometimes, I want to find the right people who will encourage and uplift me, telling me that I can. Dahil kahit sabihin ko paulit ulit sa sarili ko na kaya ko, kulang pa rin at tila kailangan ng ibang tao na siyang magsasabi sa akin ng mga bagay na iyun. How pathetic of me, how incompetent and scared of life too much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD