Arliyah Villareal SINABIT KO ANG shoulder bag ko sa aking balikat at tinanggap ang streetfood na inabot sa akin ni Vien. Habang sa tabi ko naman ay naiwan si Enzo na nagbabayad ng aming biniling pagkain. “Meeting the Ciejo and Dy families?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Vien sa akin at hirap na hirap kainin ang binili namin. “Alam mo ba ang pinapasok mo, Liyah? Bakit ang bilis naman ata?” Kumunot ang nuo niya. Naging mabagal ang pagnguya ko ng kikiam. Mabilis nga… pero mas magugulat siya kapag sinabi ko sa kanya na baka ngayong taon, after the reunion…there will be an extravagant wedding that will happen. “Mabait naman si Madam Glorietta Ciejo, hindi ba?” Enzo asked on his confused tone. Maski siya ay nalilito kung saan nanggagaling si Vien. “Wala naman akong sinabing

