Arliyah Villareal Ciejo DUMAONG ANG yate at mabilis kong sinuyod ng tingin ang kabuuan ng isla. Wala akong makita kundi naglalakihang mga puno. White sand beach and an almost cyrstal clear water. “Malayo pa ba tayo?” tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Sandro na nasa unahan ko. Bago pa ito makasagot ay may pumagitan na sa amin. “We will ride a pick-up truck, mga kalahating oras ay mararating na natin ang ancestral mansion,” sagot ni Sandro at sinulyapan ang tauhan nito na mabilis namang nagtungo sa mga gamit namin para kunin iyun. “Kapag may tanong ka, sa akin ka lumapit.” Nauna siyang maglakad at sinulyapan ako para masiguro na nakasunod ako. He waited for me to reached him before he walk again. May mga iilang cottage ang naroon. Maliliit na bahay na yari sa kahoy. Kubo, kung tama an

