Arliyah Villareal PUMASOK AKO sa loob ng sasakyan at nagsuot ng seatbelt. Tahimik na nagsimulang magmaneho si Mr. Ciejo. Hanggang sa mapansin ko na hindi iyun ang daan papuntang mansyon. Lumiko siya at hindi nagtagal ay huminto sa isang mamahaling restaurant. Napalunok ako nang sulyapan siya na ngayon ay nagtatanggal ng seatbelt niya. He caught me watching him, so he leaned and removed my seatbelt like it was also his responsibility. “Why are we here?” halos pabulong kong tanong sa kanya. “We are going to eat a fancy and romantic dinner here in the restaurant.” “Hindi mo man lang pinagpalit, nakauniporme pa ako. Baka isipin nila…” napanguso ako at gumuhit ang pigil na ngiti sa labi. “Ano?” his eyebrows met with a bit of annoyance. Lagi na lang ‘tong nagsusungit. “Na sugar dad

