bc

The Professor's Unwanted Wife

book_age18+
14.6K
FOLLOW
166.1K
READ
revenge
escape while being pregnant
teacherxstudent
arranged marriage
goodgirl
drama
campus
office/work place
cheating
professor
like
intro-logo
Blurb

Samirah Nieva has always been in love with her husband, Nigel even though she knew that he doesn't see her as a woman and she's being mistreated.

She's desperately trying to hide their professor-student relationship until one dayㅡRidge finds out about it; the man she will confides in about her problems.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Now before the people who have assembled here today, and in as much as you have each pledged to the other your lifelong commitment, love, and devotion, I now pronounce you husband and wife...” Isang taon na ang nakalipas nang marinig ko ang mga katagang iyon ngunit hanggang ngayon ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Everything that happenedㅡit all feels like a dream to me. Pinakasalan ko ang lalaking matagal ko nang hinahangaan at minamahal ng patago, ang lalaking nagparamdaman sa akin noon na mayroon akong silbi. Ang akala kong pangarap lang ay naging totoo at ang akala kong masaya ay hindi pala. “Nigel, papasok na ako.” paalam ko sa asawa ko ngunit abala lamang ito sa pagpili ng damit sa kanyang cabinet na tila walang narinig, na para bang wala lang sa kanya ang presensya ko. “Gusto mo bang magsabay na tayo?” “Are you out of your mind? Alam mong hindi pwede. Mauna ka na, mamaya pa ang klase ko.” Tumango ako nang tipid bago ito lapitan at halikan sana sa pisngi, ngunit mabilis nitong iniwas ang kanyang mukha at tinitigan ako na para bang may nakahahawa akong sakit. “What do you think you’re doing?” kunot-noong tanong nito. “Today’s our first wedding anniversary. I just want to greetㅡ” “Cut the bullshit, Samirah! Don’t you have better things to do?!” Halos mapatalon ako dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. Agad akong yumuko dahil pakiramdam ko ay napahiya ako kahit na kami lang naman ang tao rito sa kwarto. “I’m sorry.” mahinang sambit ko habang mahigpit na hawak ang strap ng tote bag na nakasabit sa kanang balikat ko. Halos magsugat pa ang ibabang labi ko sa pagkagat ko noon, mapigilan lang ang nagbabadyang pag-iyak. Ilang beses na niya akong sinigawan simula nang ikasal kami ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. “I-I’ll go ahead.” paalam ko. “I don’t care! Just f**k off.” Nangingilid ang mga luha, kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto at hindi inalintana ang pagtingin sa akin ng dalawang kasambahay na nakasalubong. May isa sa kanilang tinangka pang magtanong ngunit mas piniling manahimik na lang at hayaan ako. Malamang ay sanay na silang makita na ganito ako, hindi na bago sa kanila ang ganitong eksena so I’m sureㅡalam na nila ang dahilan at hindi na kailangan alamin pa kung ano ang nangyari. Nigel and I were both victims of arranged marriageㅡof course, cliché na ang ganitong eksena sa mga pamilyang nagmamay-ari ng malaking kumpanya and as usual, it’s all about business. Nagkakilala kami ni Nigel noong iligtas niya ako sa mga kaklase kong bully. If I still remember, senior high siya noon at ako naman ay nasa grade 6 pa lamang. Limang taon ang tanda niya sa akin ngunit hindi iyon naging hadlang para maging matalik kaming magkaibiganㅡhe was my first crush, my first love, my savior. He’s the most sweet and caring person I’ve ever met, but everything changed when our parents pushed us to get married. And that’s one of the reasons why he hate me so much now. Para na siyang ibang tao, parang hindi ko na siya kilala. Ibang-iba na ang pagtrato niya sa akin ngayon and I can’t blame him because I know, it’s my fault. No one would ever want someone like me, iyon ang laging sinasabi sa akin ng parents ko and maybeㅡthey were right all along. “Sami!” Lumingon ako nang marinig ang pamilyar na boses, doon ko nakita kung paanong tumakbo ang kaibigan kong si Arissa sa hallway. Agad akong ngumiti at huminto para hintayin siya. “Anong nangyari? You look so pale.” puna niya nang hawakan ang kamay ko at sabay kaming maglakad. “Hindi ako nakapag-almusal, inaantok din ako. Gusto ko matulog magdamag.” pagsisinungaling ko na may kasama pang pekeng paghikab, but to be honest? I’m not really feeling well, I don’t know but I had been feeling a bit off lately. Wala rin ako ganang kumain these past few days. Dala na rin siguro ng stress at madalas na pagpupuyat. After ko kasing gumawa ng project ay ginagawa ko ‘yong scrapbook na isa sa mga ireregalo ko sana kay Nigel para sa first wedding anniversary namin. Alam kong hindi okay ang relasyon namin at mapait ang pakikitungo niya sa akin pero ginagawa ko pa rin ang lahat ng paraan para maging maayos ulit kami, para bumalik kami sa dati. Handa akong tiisin ang lahat maayos lang ang relasyon namin. Kahit paano naman kasi ay may pinagsamahan kami dahil naging magkaibigan muna kami bago naging mag-asawa “Oo nga pala, may transferee sa section natin.” balita sa akin ni Arissa, dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi siya nahuhuli sa mga balitang kumalakat dito sa university. “Huh? Eh, graduating na tayo, nag-a-accept pa sila ng transferee?” I asked out of curiosity. Usually kasi ay hindi na tumatanggap ng transferee ang university kapag 4th year ang student butㅡnevermind, baka malakas lang ang koneksyon ng taong ‘yon. “Ewan ko, I heard tito niya ‘yong isa sa mga board members. Well, who knows.” kibit-balikat na sagot ni Arissa saktong pagkapasok namin ng classroom sa unang subject. Naroon na rin ang bagong mukha sa paningin ko and he’s sitting beside my usual spot, ‘yong malapit sa bintana. Nagkatinginan kami ni Arissa dahil napansin niya rin ‘yon, and for some unknown reason bigla na lang niya akong pasimpleng siniko sa tagiliran, dahilan para mapa-aray ako. “What was that for?” tanong ko ngunit bigla na lang itong ngumiti ng sobrang lawak na halos makita na ang lahat ng ngipin niya, “You’re being creepy, stop that!” “Single ka ‘di ba? Chance mo na, girl. Mine mo na agad ‘yan.” aniya bago kumindat at hilahin ako patungo sa upuan ko. Agad ko naman siyang sinundan ng tingin nang makitang imbis na paalisin ang lalake sa pwesto niya at maupo sa tabi ko ay roon siya naupo sa likuran ko. Kailan pa siya natutong mag-adjust? Usually kapag may nakaupo sa upuan niya ay inaangasan niya iyon at pinapaalis. “Hi, I’m Arissa but my friends usually call me Ari, Riss or Rissa. Pili ka na lang sa apat. Saang school ka pala galing?” tanong nito sa transferee, dahilan para mapailing ako. Noong sumabog siguro ang salitang kahihiyan ay nakapayong ang isang ito kaya ni katiting ay wala siya noon, but stillㅡI like her. Isa nga siguro ‘yon sa dahilan kung bakit kami naging magkaibigan despite of our differences, and I’m kinda guilty. Wala siyang ka-alam alam na may asawa na ang bestfriend niya. Well, I wish I could tell her my secret pero imposible dahil may usapan kami ni Nigel na hindi ko pwedeng ipagsabi kahit na kanino ang tungkol sa relasyon namin. Magiging komplikado ang lahat kapag nalaman ng buong university na may relasyon ang professor at isang estudyante. Matunog kasi ang pangalan ni Nigel dahil bukod sa sikat ito sa pagiging tall, dark and handsome na professor ay anak din siya ng sikat na actor at nagmamay-ari ng malaking talent agency sa bansa na si Diego Servantes, my father-in-law. Iniisip ko pa lang na mabuking ang sikreto namin ay natatakot na ako sa pwedeng kahatnan ko, especially ni Nigelㅡhe has a reputation to protect. “St. Carlos.” tipid na sagot ng transferee bago mapatingin sa akin. Hindi ko namalayang nasa kanya na pala ang tingin ko, napangiti na lang ako ng pilit. “Pasensya ka na sa kaibigan ko. By the way, welcome to our class.” In-extend ko ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. “I’m Samirah and you are...?” “The name’s Ridge.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka siya ngumiti, dahil doon ay napansin ko ang sugat sa gilid ng kanyang labi. Sobrang fresh pa noon na para bang kanina niya lang iyon nakuha. Bukod doon ay na-appreciate ko bigla ang physical appearance niya. I can’t deny the fact that he’s cute and handsome at same time. His complexion was beautiful, he has beautiful brown eyes; his lips and nose were perfectly shapedㅡ everything about him screams perfectness. Ang bad boy pa ng datingan nito dahil sa blonde niyang buhok at modern side mullet na haircut. Idagdag pa ang itim na mahabang cross earring sa kanang tainga niya at ilan pang hikaw na suot nito sa magkabilang tainga. Mayroon sa upper lobe, conch at helix. “Something came up, ako muna ang papalit kay Mr. Barreteㅡ” Napatingin ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Inaasahan kong magtatama ang paningin namin ngunit napako ang tingin niya sa kamay ko, dahilan para mabilis akong bumitaw kay Ridge. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako, ayaw kong mag-isip siya ng kung ano. “Oh my God! Hi, Sir Nigel.” kinikilig na bati ng mga kaklase kong babae. Wala sa oras tuloy akong napaayos ng pag-upo. I didn’t see this coming, I thought mamaya pa ang klase niya? At isa pa, never pa siyang nagturo sa klase kung nasaan ako. What’s going on? “It’s Sir Servantes, not Sir Nigel.” pagtatama niya sa kaklase bago ngumiti habang naiiling. Medyo natigilan pa ako dahil hindi ko inaasahang ngingiti siya ng ganoon. Hindi ko na kasi iyon nakikita tuwing magkasama kami. So, ganito pala siya sa mga estudyante niya, it’s my first time seeing that side of him again. “Oh right, transferee. I heard may transferee ang section niyo?” tanong ni Nigel at agad naman nagtaas ng kamay si Ridge, “I see, why don’t you introduce yourself to the class? Para hindi ka ma-out of place at maging pamilyar sila sa ‘yo.” “Ridge Lazarus.” tipid na pakilala nito bago mapatingin sa akin at umupo ulit. Hmm? Bakit parang pamilyar sa akin ‘yong pangalan na ‘yon? Where Did I hear that again? “Hey.” mahinang tawag ko kay Ridge at mabilis naman itong lumingon sa akin. “Do you happenㅡ” “Attention class!” Lahat ng tingin ay napunta kay Nigel nang sabihin niya iyon sa malakas na paraan. Bigla na lang din nagtama ang paningin namin, dahilan para mag-iwas ako ng tingin. “Two months mawawala si Mr. Barrete kaya starting today, ako na muna ang magiging adviser niyo at marketing professor.” “What happened to Sir Barrete?” tanong ni Arissa na may halong lambing, napalingon tuloy ako sa kanya. Fan na fan talaga kasi siya ng mga gwapo. “Inoperahan, kailangan niya ng ilang linggo para magpagaling but don’t worry, he’s fine.” tugon ni Nigel, ibig sabihin ay mas madalas ko na siyang makikita. Kahit kasi sabihing nakatira kami sa iisang bahay ay nakakasama ko lang siya tuwing matutulog. Gusto ko maging masaya dahil siya ang naging substitute ni Sir Barrete pero hindi ko magawa. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. “Nieva, are you okay?” Bigla akong napadiretso ng upo nang tanungin ako ni Nigel. Tipid akong tumango at hindi inasahan na hahawakan ni Ridge ang noo ko to check my temperature. Nagtama ang paningin namin nang lingunin ko siya ngunit agad din niyang itinuon ang atensyon kay Nigel. “She’s not okay, sir. She’s burning hot.” anito, hinawakan ko ang braso niya para i-alis na ang kamay nito sa noo ko. Did he really need to touch me like that all of a sudden? “No, sir. Okay lang po ako.” pagsisinungaling ko ngunit hindi ito nagsalita. Buong akala ko ay hahayaan na niya ako at uumpisahan na ang klase pero laking gulat ko na lamang nang makitang naglakad siya patungo sa akin. Nag-angat pa ako ng tingin sa kanya nang huminto siya sa harapan ko. Gaya ng ginawa ni Ridge ay hinawakan niya rin ang noo ko, dahilan para maitago ko ang labi at mapatingin sa amin ang mga kaklase ko. What’s happening? Kahit kailan ay ang lakas talaga ng epekto sa akin ni Nigel, konting hawak lang niya, pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. He’s making my heart skip a beat to the point na pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga ano mang oras. Hindi na ba siya galit sa akin? Hindi na ba mainit ang ulo niya? Ito yata ang unang beses na chineck niya kung okay ba ako simula noong ikasal kami. “You’re sick, go to infirmary. You can skip my class. Ayoko ng may istorbo sa klase.” seryoso niyang sabi, dahilan para magtawanan ang grupo ni Miranda. “Harsh mo naman, sir. Istorbo agad? Paano mo naman nasabi? Eh, nagsabi na nga siyang okay siya? Hmp!” tanong ni Arissa. Muntik na akong mapatawa noon pero pinigilan ko ang sarili dahil siguradong pagagalitan ako ni Nigel pag-uwi. “Okay lang ako, sir. I won’t disturb your class.” “Just go, Nieva. Can’t you see? You’re already disturbing my class.” Para akong nakuryente nang hawakan niya ang braso ko at marahang hinila para alalayang tumayo. Dahil doon ay tumango na ako, marami nang nasasayang na oras at mukhang wala naman siyang balak makinig sa akin. “Kita na lang tayo mamayang vacant time.” sabi ko kay Arissa nang lingunin ko siya sa likuran ko. “Hatid na kaya kita?” “Hindi na, okay lang ako.” Ngumiti ako at naglakad na rin palabas hanggang sa marating ko ang infirmary. Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot kaya naman inikot ko na ang doorknob at pumasok ng hindi gumagawa ng ingay. Agad akong nahiga sa kama at doon sinubukang magpahinga, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapikit ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Filled with shock, I immediately sat up. “Nigel, w-what are you doing here?” He didn’t bother to answer my question, malaya lang siyang naglakad patungo sa kama kung nasaan ako. “W-What’s wrong?” kinakabahang tanong ko nang mag-angat ako ng tingin pagkalapit niya sa harapan ko. “I don’t like seeing you flirting with another guy.” diretsong wika nito na ikinabigla ko. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako dahil sa word na ginamit niya o magiging masaya dahil kahit paano ay may pakialam pa pala siya sa relasyon namin. “Flirting? I don’t know what you mean.” sabi ko nang sinubukan kong tumayo ngunit hinawakan niya ang magkabila kong balikat para ibalik ako sa pagkakaupo ko sa kama. Tinitigan ko lamang siya at nabigla nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “N-Nigel?” tawag ko sa pangalan niya ngunit imbis na sumagot ay marahan niya akong hinalikan sa labi na agad ko namang ginantihan. His lips were soft but the pressure was firm. A low moan escaped my lips as he grabbed my waist, pulling me against his body. It wasn’t even our first time kissing but it’s driving me crazy. Unti-unti ay naging marahas ang paghalik niya sa akin. Naramdaman ko pa ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng uniform ko, dahilan para mabilis akong kumalas sa paghalik at pigilan ang kamay nito. “Nigel, nasa school tayㅡ” hindi niya ako pinatapos sa sasabihin at hinalikan akong muli na tila wala siyang balak magpapigil. His kiss felt so dangerous yet so right, kung magpapatuloy pa ito ay baka kung saan pa ito mapunta. Anong nangyayari? Ganito lang naman siya sa akin kapag lasing siya. Is he drunk? No, I don’t think so. But why? “Hhmm!” hindi ko na napigilan ang paggawa ng ingay nang atakihin niya ang leeg ko. Agad kong itinago ang labi at pumikit nang mariin. “S-someone’s coming.” Mabilis kong itinulak si Nigel at kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto. Bahagya pang nagulat ang nurse nang makita kami kaya napaiwas ako ng tingin. “Where have you been? My student is sick. Give her a medicine.” kalmado ang pagkakasabi noon ni Nigel na tila ba walang nangyari. Tiningnan niya ako nang matiim na para bang sinasabi niya na tandaan ko ang sinabi niya sa akin kanina. Matapos noon ay lumabas na rin siya ng infirmary at naiwan ako kasama ng babaeng nurse. “Nakakatakot talaga si Nigel, ‘no?” sabi nito sa akin at nagkibit na lamang ako ng balikat. I almost lost myself in his kiss. Hindi naman langad sa kaalaman ko na hindi niya talaga ako mahal at kahit kailan, hindi niya ako makikita bilang babae because for him? I’m still a kidㅡand his unwanted wife.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

The Ex-wife

read
232.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook