“Are you avoiding me?” tanong sa akin ni Ritch nang kornerin niya ako sa parking lot. Dahil doon ay nagsalubong ang kilay ko at tumingin sa paligid bago ibalik ulit sa kanya ang tingin. “What do you mean?” “You’re not answering my calls.” Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Nag-iingat lang ako, sinabi ko naman sa ‘yo na pinaniniwala ko si Samirah na mahal ko siya. Kapag nakita niyang tumatawag ka, mag-iisip ‘yon nang kung ano. She knew that you're my ex.” mahina kong sabi at tumaas naman ang kilay niya, halatang hindi kumbinsado. “Are you trying to ruin my plans?” Dagdag ko pa. “Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang plano na ‘to para masira si Samirah at hindi para magkaroon kayo ng pansamantalang maayos na relasyon.” aniya, “Don’t push my button, Nigel. You know

