“Sorry, did I wake you up?” tanong ko nang magising si Samirah matapos kong haplusin ang buhok niya. Mabuti na lang at nawala ang sistema at amoy ng alak sa katawan ko. Hindi rin ako nakatulog sa takot na baka kung ano ang gawin sa akin ni Ritch. “No.” tipid niyang sagot bago bumangon at mapatingin sa digital clock. “Kauuwi mo lang?” “Yeah, I’m sorry. Na-lowbat ang phone ko last night, hindi kita nagawang i-message.” Pagsisinungaling ko. “Wala bang charger sa bahay niyo? It’s not like you stayed outside.” Saglit akong napatitig kay Samirah matapos iyong marinig. Hindi na siya tulad noon na basta-basta na lang naniniwala sa mga sasabihin ko, somehow nagustuhan ko iyon dahil hindi na siya pwedeng mauto but at the same time ay hindi ko maiwasan ang kabahan. “…Meron, but I fell asleep as

