“Nigel.” tawag ko nang salubungin ko siya sa labas ng bahay. “Careful.” aniya kasabay nang pagsalo niya sa akin dahil na-out of balance ako sa sobrang pagmamadaling lumabas ng bahay. “What’s wrong? Did you cry?” tanong niya nang idiretso niya ako ng tayo. Tipid akong ngumiti at saka siya niyakap nang mahigpit. Mukhang marami siyang ginawa sa school kaya gabi na niya ako nasundo. Nag-insist ako kanina na mag-taxi na lang ako pauwi ngunit sabi niya ay hintayin ko siya dahil susunduin niya ako. In the end, nagkulong ako sa kwarto habang naririnig kong nagsisigawan sila mom at dad sa kabilang hallway. Hindi naman na bago sa akin iyon pero iba naaapektuhan pa rin ako, hindi ko pa rin maiwasan ang maiyak tuwing nagtatalo sila. I never thought I could handle such an environment when I was a ch

